CH4: Wonder

2K 65 7
                                    


L O K I ' s Point of View

Papasok na ako sa loob ng office ni mama at fvck. Kinakabahan ako. Para akong dadaan sa napakatinding paglilitis.

Natatakot ako. Na baka pahirapan ako ni mama. Baka magalusan ang napakagwapo kong mukha. Paano na lang ang mga babes ko diba? Paano nalang kayo?

Inikot ko na ang doorknob at pumasok na sa impyerno--I mean sa office ni mama.

Mga babes, ipagdasal niyo na sana makalabas ako ng buhay dahil baka ikamatay niyo ang pagkawala ko.

*Blag!

Argh!

Nilingon ko kung sino ang taong naglakas loob na itulak ako kaya nakasubsob ang gwapo kong mukha sa carpet.

"Bwahaha! Ang lampa mo naman kuya Loki!"

WTH!

"Kim Meglie! humanda ka sa akin!"

"Bakit? Tinutulungan lang naman kita pumasok ah? Mukha kasing hirap na hirap ka pumasok kuya eh. I pity you"

Aba't ako lampa!? Tapos tatawanan pa ako!? Di niya ba alam kung gaano katakot ang pumasok sa opisina ng dem--

"What are you doing!? I told you to come inside!"

Nako po galit na si mama!

"Si Meg kasi ma! Tinulak niya ako!"

Bigla namang nagpout ang bruha kong kapatid.

"Ma that's not true. *Sniff. Gusto ko lang naman siya tulungan na pumasok kasi mukhang hirap na hirap siya" maiyak-iyak kunyari na sabi ni Meg.

Aapila pa sana ako ng magsalita si mama.

"My goodness! tama na yan! Ikaw Meglie iwan mo muna kami nitong maharot mong kuya. Asikasuhin mo na rin ang papasukan mong school"

Dali-dali namang umalis si Meg sa labas ng pinto pagkasabi ni mama. Pero bago pa yun ay dinilaan niya muna ako.

Bruhang babae. Tch. Napakamaldita. Naaawa ako sa mga lalaking nagkakagusto dun. Buti pa ako. Ang bait na, ang gwapo pa. Diba mga babes?

"Ano Loki Shin? Papasok ka ba o gusto mong ganyan ka nalang habang kinakausap?"

Agad naman akong tumayo at sumunod na sa loob ng opisina ni mama. Grabe. Puno ng paper works sa lamesa niya. Tatlong telepono pa ang katabi niya sa lamesa.

Mukha namang opisina ang loob pero yun ay bago ko pa mapansin ang mga decoration.

May mga painting na nakahawak si mama ng M16. Tapos may mga nakadisplay din na awards niya sa Shooting Competition.

Napalunok naman ako bigla. Ang galing talaga ni mama. Ang galing talaga ni mama sa mga baril. Kaya siguro magaling din ako mana ako kay mama.

"Loki, I'm so dissapointed. Alam naman naming playboy ka pero goodness son! Nakita mo ba ang babaeng yun kanina!? She's so crazy and wild! Literally wild! Parang nakawala sa hawla. Di ko akalaing papatol ka sa ganon"

"But ma! Di totoo yung sinasabi nung babaeng yun!"

"Don't raise your voice at me" pagbabanta ni mama.

Minasahe niya ang ulo niya na tila ba stressed na stressed na.

"Ma, alam kong naiistress ka na lalo na dun sa nangyari kanina sa labas but, I swear, di ko talaga kilala yun. Isa yata yun sa mga stalker ko, alam niyo naman kasi na napakagwapo ng anak----"

Ouch! Hinampas ako ni mama ng diyaryo!

"Ma naman! Ang sakit nun ah! Baka mawala talino ko!"

Napailing nalang si mama.

When Playboy Gangsters Entered My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon