Fire and Water [Wizard's Tale FanFic]

353 5 6
                                    

Dahil love ko ang Wizard's Tale ni ate Aegyo at si oh-so-wonderfully-handsome Prince Rouel Glaciever, I decided to make a fanfic. ^__^ At pag-pasensyahan nyo na ang malamya kong edit sa kanan. =___=

Ate Aegyo, sana mabasa nyo ang gawa ko. At sana magandahan kayo.

NOTE: Ang nilalaman ng fanfic na ito ay walang hangad na sirain ang daloy ng nasabing storya. Pinapaala ko lang po na isa tong gawain ng malikot na imahinasyon ng isang taga-hanga at mambabasa.

May ilang characters dito na hindi kasama sa mismong storya. Wala po akong intensyong baguhin ang takbo ng story.

PS. SI RIAN AY AKO OKAY? XD AHAHAHA. May connection sya sa name ko so, yeah. Sana lang isama ako ni Ate Aegyo sa WT para maging partner ni Prince Rouel! XD

><><><><><><

RIAN'S POV:

[Location; Human World; Glaze Academy]

[Time; 4:20PM]

"Rian! Gusto mo bang sumama samin sa arcade center?" Tanong sakin ng kaklase-slash-kaibigan kong si Jazel. Nilingon ko sya at umiling, "Hindi ako pwede eh."

"Ha? Bakit naman?" Tanong nya habang naka-pout. Sumagot ako, "May sasabihin daw sakin sila Mama at Papa. Importante daw yun kaya kailangan umuwi ako ng maaga."

"Okay, basta next time, kelangan sumama ka na!" Sabi nya. Nginitian ko lang sya at tumayo na sa kinauupuan ko. Lumabas ako sa room kasabay ng iba ko pang mga kaklase.

Ano kaya yung sasabihin nila Mama? Gano ba ka-importante yung sasabihin nila na kailangan kong umuwi ng maaga? Sigh.

Minsan talaga, na-wi-wirdohan ako sa mga magulang ko. They seem so busy everyday. Halos hindi ko nga sila makita sa loob ng bahay. Pero maya-maya, nandyan na ulit. Ang gulo.

Nilagay ko na ang mga libro ko sa locker ko, sinarado at ni-lock. Nag-lakad na ako sa hallway at umalis ng school at dumiretso sa bahay.

Pag-pasok ko sa loob, nakita ko sila Mama at Papa na naka-upo sa sofa namin. "Welcome home Rian, take a seat." Sabi ni Mama at pinaupo ako sa upuan sa tapat ng sofa na inuupuan nila.

"So, ano po ba yung sasabihin nyo sakin?" Tanong ko. My father cleared his throat and looked at me, "Rian, may dapat kang malaman tungkol sa tunay na pagka-tao ng pamilyang to." Napataas ang kilay ko ng sabihin ni Papa yun.

"Huh? Tunay na pagkatao? Anong ibig mong sabihin, Pa?" Tanong ko. Sumagot sya, "Rian, you..... You're a wizard."

ShotsWhere stories live. Discover now