SDTR: Kabanata 29

157K 3.4K 453
                                    

SDTR: Kabanata 29

Buong magdamag akong nakayakap sakanya. Ni hindi ko magawang matulog dahil ayokong sayangin ang oras na kasama ko siya. Tumingala ako upang pagmasdan ang gwapo niyang mukha. Napakaamo nito na para bang hindi siya yung Ethan na nakilala ko na palaging seryoso at malamig tumitig sa mga tao sa paligid niya.

Tulog na tulog siya habang inuunan ko ang braso niya at nasa ilalim kami ng kulay puting kumot na nagsisilbing taklob sa katawan naming nagsasangga ang balat at walang kahit anong suot na saplot.

Mas lalo akong nagsumiksik sa katawan niya at naramdaman kong gumalaw siya ng kaunti upang yakapin din ako ng pabalik.

Nakatatak sa puso't isipan ko ang nangyari saaming dalawa. Nagsusumayaw ang puso ko dahil sa saya kahit na alam kong isang malaking kasalanan ang ginawa ko. Kailanman ay alam kong walang sino man ang makakaintindi saakin dahil alam kong isa akong kabit. Isang sabit na kinagagalitan ng lahat, nakikihati sa lahat ng pag ma-may-ari ng orihinal na asawa.

Wala akong pakialam kahit anong ibato nila sa akin na pangungutiya, karapatan nila iyon. Pero hindi kailanman nila naging karapatan na diktahan ang puso ko kung sino ang dapat kong mahalin, dahil maski akong sarili ko ay hindi ko diniktahan, dahil alam kong puso ko ang nagdesisyon nito.

Nang medyo nag liwanag na ay marahan akong tumayo at nag ingat na hindi makagawa ng kahit anong ingay na ikagigising niya. Ramdam ko ang sakit doon tanda ng inangkin ako ng buong buo ng lalaking pinakamamahal ko.

Walang tigil ang luha ko sa pagpatak habang muli kong isinusuot ang damit ko kagabi. Matinding pagkirot ang nararamdaman ngayon ng puso ko at hindi ko alam kung paano ba iyon pakakawalan.

Nang matapos akong magbihis ay yumuko ako upang nakawan ng isang halik si Ethan, "I love you so much, baby." Bulong ko at nagmadali na akong bumaba ng Tree House!

Panay ang pahid ko sa luha ko at ang pagyakap ko sa sarili ko dahil sa malamig at malakas na hampas ng hangin sa balat ko. Alam kong kapag nalaman niyang umalis ako ng walang paalam ay sasama ang loob niya sa akin. Sino ba namang hindi? Pagkatapos mong maramdaman ang matinding pagmamahal mula sakanya ay iiwanan ka nalang ng walang matibay na dahilan? Kahit siguro ako ay sasama ang loob.

Pero iba si Ethan, alam kong maiintindihan niya ang paglayo ko. Alam kong balang araw pasasalamatan niya pa rin ako dahil pinalaya ko siya sa tunay na nag ma-may ari sakanya. Pasasalamatan niya ako dahil nagkaroon ng pagkakataong mabuong muli ang pamilyang nasimulan na niyang buuin.

"CLAIRE!!" Isang malakas na pag sigaw ang narinig ko mula sa dagat at halos mapahinto ako nang lingunin ko si Tyler na tumatakbo palapit saakin, dala dala niya ang skim board niya at tumutulo ang tubig mula sa buhok niya, mukhang nag-su-surf siya ngayon sa mahinang alon ng dagat.

Hinihingal siya nang makalapit saakin, "Saan ka pupunta?!" Tuliro ang kanyang boses at para bang nahuhulaan na niya ang nasa isip ko.

"I..I'm sorry, Tyler." Bumuhos ang luha ko at umiling iling ako, nag igting ang panga niya at mariin akong tinitigan.

"Iiwanan mo ang pinsan ko?" Kunot noong tanong niya saakin na para bang hindi siya makapaniwala. Mas lalong lumalabas ang dimples niya kahit na nagsasalita lamang siya.

"Kailangan Tyler, hindi na tama. Oo masaya kami, pero nandoon yung matinding sakit sa pagkakamaling pilit naming ginagawang tama." Umiiyak na sambit ko sakanya, umangat ang labi niya.

"You know that he will fight for you, right?" Garalgal ang boses niya, ngayon ko napatunayan na malapit talaga sa isa't isa. Dahil ramdam kong maraming nalalaman si Tyler tungkol saaming dalawa ni Ethan.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon