Chapter 33: Hongkong Part 1

1.3M 37.2K 10.8K
                                    

Charles's Point of View



HABANG PAPALAPIT KAMI sa airport, mas lalo akong kinakabahan. Maisip ko pa lang ang matapang na mukha ni papa at ang pati pagiging strikto ni mama, natatakot na ako. Matapang ako, pero kahit naman si Superman may kahinaan, 'di ba? Bukod kay Serina, takot din ako sa in-laws ko lalo na kay Papa Steve, retired US army siya at mas malaki pa ata ang katawan niya sa 'kin at hanggang ngayon malakas pa rin siya.

Pucha. Mas lalo akong kinakabahan. Siguro kapag nakita niya ako balibagin niya agad ako. No'ng huling mag-usap pa lang kami sa telepeno, ramdam ko na 'yong galit niya sa 'kin dahil sa pag-iwan ko kina Serina. Sabagay kasalanan ko naman talaga. Kung hindi lang talaga ako tinopak ng sobra doon. Tanginang Tyler talaga 'yon eh, siya may kasalanan ng lahat ng 'to.

"Malapit na tayo, papa?" masiglang tanong ni Skie.

Tamang tama lang sabay ng paglapag ng plane namin. "Makikita ko na ba ulit si Papu at Mamu?" pangungulit pa niya.

"Nandito na tayo anak, mag-ready ka na," sagot ko.

"Yehey!" masaya niyang sabi. "Mamu and Papu!"

Nagkatinginan na lang kami ni Serina. Naisip ko na sana kasing saya din ako ng anak ko dahil makikita ko sila papa at mama. Ever since, spoiled na si Skie sa kanila. Palibhasa nag-iisang apo. 'Yong kapatid kasi ni Serina, teenager pa lang at wala pang asawa. Lahat tuloy ng atensyon ng in-laws ko nasa amin pamilya.

Bumaba na kami ng eroplano at dumiretso agad kami sa arrival area. Malayo pa lang ay kita ko na agad si mama at papa.

Eto na naman. Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko.

Mula sa gwapong wolf naging cute at maamong aso na ako ngayon.

"Skie! Apo!" sigaw agad ni Papa.

"Papu!" masayang tumakbo si Skie papunta kay Papa. Sumunod lang kami ni Serina sa kaniya. "Miss po ita."

"Miss din ita, apo." masayang sagot ni papa. Minsan bulol si Skie sa K kaya imbes na "kita" ang sasabihin niya nagiging "ita." Sinasakayan naman siya ng mga in-laws ko. Ganyan siya ka-spoiled. "Saan mo gusto pumunta?" tanong niya pa.

"Disney Land!" sagot ni Skie. "Mickey Mouse!"

"Sige, pupunta tayo do'n pagkatapos nating kumain." Nanlaki ang mata ko. Kakadating pa lang namin pupunta na agad kami sa Disney Land? Excited ba siya? "May tutol ba?" tanong pa niya. Seryoso nga siya. Pambihira.

"Honey, bukas na lang. Kakadating pa lang nila. For sure, pagod pa sila sa biyahe." singit naman ni Mama. Medyo ayos naman ang aura ni Mama kumapra kay Papa. Napatingin siya sa amin. As usual 'yong mga tingin niya parang pinag-aaralan ka. Dati kasing school principal si Mama. "Serina at Charles, long time no see," dagdag pa niya.

Lumapit siya sa amin at niyakap kami. Pakiramdam ko naman hindi na siya galit sa akin. Kung pati siya ay galit pa rin sa 'kin, hindi ko alam kung anong gagawin ko sa isang linggong pag stay namin dito.

"Hija, halika nga dito," sambit ni Papa. Binigay niya muna si Skie kay mama at niyakap niya si Serina. Sandali pa lang silang hindi nagkita, pero parang miss na-miss na niya ang anak niya. "Parang ang tagal na nating hindi nagkita. Marami kang kailangng ikwento sa 'kin." Napalunok ako bigla dahil tingin ko tungkol sa 'kin ang pag-uusapan nila.

"Let's do that when we get home, Dad," sagot ni Serina.

Lumapit naman sa 'kin si Papa at niyakap niya din ako pero ramdam mo agad na mabigat ang kamay niya sa 'kin. Lumapit sita sa tainga ko at bumulong siya. "Magtutuos pa tayo, lover boy."

Napalunok na naman ako. Patay na talaga ako. Ngayon pa lang naiisip ko na ang itsura ko habang binubugbog ako ni Papa. Pucha, 'yong gwapo kong mukha.

The Bad Boy's Love (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon