CHAPTER 27 ~ I'm Not Done Yet ~

168K 2.3K 76
                                    

CHAPTER 27

ALTHEA'S POV

Kagat-kagat ko yung chocholate bar habang nakatingin ako sa TV..madilim na sa labas at kasalukuyan akong nanonood ng Titanic. Naayos na namin kanina yung tungkol sa Singko. Actually kauuwi lang namin galing sa office ni Mateo para i-confirm yung tungkol sa meeting niya kahapon. Hindi naman siya nagtaka sa tanong namin sa kaniya.

Craige and I both though that it's a trap. Naalala ko pa yung sinabi kanina nung na kausap namin. 'Tama pala ako. Tama ang naging desisyon ko.' Ibig lang sabihin non may ginawa siya..nakatunog siya na may gustong alamin kung sino siya.

We have a theory na tumawag siya mismo sa may Sinko dahil alam niyang magsisimula kaming maghanap don. And Craige and I are both waiting for him to drop another lead to someone..he's covering his tracks by framing one of his friend sa krimen na ginawa niya.

Nabalik yung atensyon ko don sa pinapanood namin. Napaiyak ako ng bumaba na si Jack unti-unti papunta kung saan. Napasinghot ako.

kaasar naman eh.

bakit hindi nambuhay si Jack? Pwede naman kasi silang share don sa hinihigaan ni Rose. That's so unfair. Mula tuloy Ice Sculpture si Jack.

Panay tulo yung luha ko at lumingon-lingon ako para maghanap ng tissue. Nang wala akong mahanap nilingon ko si Craige na naaliw na nakatingin sakin.

Yumuko ako at inabot ko yung t-shirt niya bago ko pinunas yon sa muka ko.

Nag-angat ako ng tingin..he's looking at me incredulously. Hinila niya ako palapit sa kaniya hanggang mapaupo ako sa lap niya. Pinunasan niya yung pisngi ko gamit ng kamay niya.

"You look-"-craige

"Pretty."

"Beautiful."

Namula yung muka ko. Bakit ba ang landi na ngayon ni Craige? Though masungit parin siya most of the time..may mga times na ganto siya. Nagiging bipolar na ata ang Boss, Sir, Among tunay ko.

The Camp: He's A Secret Agent and I'm His Slave (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon