Previous Page of 2Next Page

Mga Kwentong Multo At Aswang (Based On True Story)

spinner.gif

SI LOLO by admin MAYORDOMA a.k.a Miss M 

October 16, 1999
Sabado
Kasalukuyang 2nd year highschool ako.. Nagkataong may pasok ako dahil nagbabawi kame ng isang linggong walang pasok dulot ng isang malakas na bagyo..


7AM



Umalis ang mama at lolo ko sa tita ko. (nandun kasi ang ikinabubuhay namin) Pinagbilinan ako ng aking ina na dumiretso ako sa bahay ng aking tiya (father side) pagkagaling eskwela bago umuwi at tumawag muna sa kanila at sabay sabay na kameng uuwi..


11AM


Paalis na ako ng bahay upang pumasok sa eskwela.. Sinigurado ko na patay lahat ng ilaw sa bahay pati na din ang mga kuryente na nakasaksak


6PM


Nasa bahay ako ng tiyahin ko upang makigamit ng telepono


6:30PM


Nagkita kame ni mama.


Ako: Ma, nasan ang lolo??
Mama: Nakauwi na kanina pang 6 wala kasi kasama mga pinsan mo sa bahay
Ako: Eh, ano sasakyan natin?
Mama: Edi magttricycle.


8PM


Nakauwi na kame ng bahay. Kasalukuyang nanunuod ng tv ang mga nakababata kong pinsan nung dumating kami..


Mama: Asan na ang lolo ninyo?
Pinsan 1: Hindi ko po alam, di pu ba kasama ninyo kina Tita G??
Mama: Eh kanina pa umuwi ang lolo ninyo eh.
Pinsan 2: Nakita ko nga po kanina Tita kaso bigla po nawala. Akala po namin sinundo kayo kina tita G.?
Mama: Eh pano ako susunduin eh andyan yung sasakyan?


Hindi namin malaman kung san nagpunta si lolo.. Mya mya pa ay inutusan ako ng aking ina na ibaba ang marumi namin sa kwarto (btw, yung kwarto namin is sa basement). Pagbaba ko sa basement, napansin ko na NAKABUKAS ANG ILAW SA KWARTO AT NAKAAWANG NG KAUNTI ANG PINTO! Imposible na bukas yun dahil sinara ko iyon nung umalis na ako.. Lumapit ako sa may pinto upang kapain ang switch ng ilaw para isara ngunit naapakan ko ang alpombra ng aking lolo at napansin ko na nakahiga si lolo sa kama..Nung bubuksan ko na yung pinto ay hindi ko ito mabuksan dahil may isang mabigat na bagay na nakaharang sa pintuan. Sa isip isip ko, baka ayaw magpa istorbo ni lolo ng pagtulog niya kaya hinayaan ko na lang. 


Pag akyat ko sa sala, sinabi ko kay mama na wag na nyang hanapin ang lolo dahil nakahiga ito at natutulog ito sa kwarto namin sa basement..(nakapagtataka dahil sa taas ang kwarto nila ni lola kung bakit sya natulog dun sa kama namin ni mama). 


Mya mya pa ay maghahapunan na kami bumaba si mama papunta ng basement upang gisingin ang lolo ko at yayaing maghapunan. 


Habang nasa sala ako kasama ang aking mga pinsan ay naglalandian kame ng marinig ko si mama na nasa bahay ng tito ko at kumakatok sa pinto habang nagsisisigaw.. "W.!!P*TANG INA ANG TATAY PATAY NA YATA"!(kung makakatok si mama ng pinto wagas parang mawawasak ang pintuan). Nagulat kameng magpipinsan sa narinig namin, at bigla na lang nag iyakan.. Pati yung mga pinsan ko na nasa isa pang bahay nananakbo papasok sa bahay namin. (compound kasi kame nakatira dati) Gustong gusto nila bumaba ng basement ng mga oras na yun dahil ako ang pinakamatand sa aming magpipinsan na naroon ay hindi ko sila pinayagang bumaba ng basement dahil makakagulo lang sila sa mga matatanda na nagsipunta doon..


Inakyat sa sala ang katawan ni lolo sa sala. Sinasabi ni mama na nakita daw nya si lolo sa LIKOD NG PINTO pero imposible dahil nakita ko sya na NAKAHIGA SA KAMA..kung ano yung suot nya na iyon ay iyon din ang nakita ko na suot ni lolo sa habang nakahiga sya..


Dahil ako nga ang nakatatandang pinsan nila na nanduon ay ako ang naatasan na magbantay sa mga maliliit kong pinsan sa kwarto nila lolo at patulugin sila..(sa dinami rami ng kwarto, bakit doon pa??!) Eh yung kwarto na iyon ay may bintana na ang katapat ay ang labahan at poso as in igiban namin ng tubig). Eh mahilig ang lolo na magbomba sa poso nung nabubuhay pa.. nagising ako ng madaling araw na TUMUTUNOG YUNG POSO..MAY NAGBOBOMBA.. :((((((
Sa takot ko nun tinalukbungan ko lahat ng pinsan kong natutulog at ako ay bumaba ng sala upang tumulong sa pag aayos ng sala para sa paglalagyan ng labi ni lolo.


Kinabukasan habang burol ay naglalaro kameng magpipinsan ng bingo ay biglang naging christmas light ang ilaw.. Dalawa kame ng pinsan ko na nakapansin na parang pinipihit yung bumbilya ng ilaw (mahilig kasi makipaglaro si lolo sa mga apo nya nung nabubuhay pa). Hindi na lang namin ito sinabi sa iba dahil ayaw namin matakot sila..


Tapos yung tita ko naman ay naghuhugas ng mga pinggan sa may labahan (kung san naroon ang poso) nagmamadali siya dahil natatakot siya) habang naghuhugas ng plato ay bumagsak ang takip ng isang kaldero na nakapatong sa isang mesa (ugali kasi ni lolo na manggulat sa paglaglag ng takip kapag seryoso ang mga tao sa ginagawa nila) Sa takot ng tyahin ko, nanakbo siya papunta sa aming mga pamangkin niya at nagpasama sa akin maghugas ng plato..


Makalipas ang isang Linggo, nailibing na din si lolo, muli naming napagkwentuhan ang lolo namin and this time, NAKITA KO SI LOLO.. May salamin kasi sa dingding at yung katapat nung salamin na yun ay ang pinto papunta sa may dirty kitchen..Kitang kita nila na bumukas ang screendoor papunta sa dirty kitcheh pero ako nakita ko sa salamin na dumaan si lolo sa pinto papunta sa dirty kitchen.. :((


hanggang dito na lang po.. natatakot na ako kasi nung may pumasok dito sa bahay nagulat ako eh bawal ako magulat..


SALAMAT SA PAGHIHINTAY NG KWENTO KONG TUNAY :D
Previous Page of 2Next Page

Comments & Reviews (2)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended