STIL16: First I Love You

4.1K 108 37
                                    

Napatigil sa paglalakad si Chronos ng makita ang isang pamilyar na pigura sa tabi ng malaking rebulto ni Ronald Mcdonald sa harap ng malaking mall na meeting place ata ng halos lahat ata ng nakatayo doon. Sinilip niya ang relo niya upang muling i-check ang oras at ayon sa orasan niya 9:30 pa lang. Muhkang mali ang orasan niya at orasan sa bahay niya.

They were supposed to meet at 10 and he thought he was early by half an hour but he was wrong.

Naunahan siya ng kadate niya na walang iba kundi si Vida Zaldua

From across the busy pedestrian he stopped on purpose to look at her from a distance.

Napakamot si Chronos sa hoodie niya ng matitigang mabuti ang babaeng katabi ni Ronald Mcdonald na muhkang masayang-masaya sa tabi nito. Chronos did’nt know if he was the one who was dressed wrong at the moment or if it was Vida.

Chronos smiled despite himself because Vida will always be Vida.

Her outfit screamed Prim and Proper Vida. Saturday ngayon pero muhkang dadalo sa isang Sunday Prayer Meeting itong si Vida dahil sa mala manang nitong paldang hangang tuhod, blusa at ang walang kamatayang nitong kulay kapeng cardigan. Her hair as usual pulled up on a tight bun glistening with whatever mousse that was doing a perfect job of holding each baby hair she had. She was wearing calf high socks and black shoes! Daig pa nito ang anak ng ministro dahil muhka itong manang. A complete contrast on what he was wearing as of the moment. Hoodie, Cap, and casual khaki shorts and his signature shoes. He wanted to change but that would cost him minus points for being as of the moment already late.

Not a moment longer Vida noticed Chronos among the crowd when he crossed the pedestrian.

  

He nervously waited while her strict sharp eyes went immediately into her watch. Baka masaniban si Vida ng student council mentality nito at mag flag ceremony siya sa harap ng McDo ng wala sa oras.

“I’m sorry I’m late.”

Umiling ito. “Hindi 9:30 pa naman. Maaga ka pa.”

Hindi makapaniwalang tinignan niya ito. Nang yayain niya ito sa date sa unang pagkakataon akala niya tatanggihan siya nito pero umoo naman ito agad. Inulit pa nga ni Vida kay Chronos ang lahat ng detalye ng pagkikita nilang iyon ayon sa sinabi nig huli ng walang palya. Ayon dito ayaw na nitong magpasundo sa bahay nila gayong nagpaalam naman na si Chronos sa Papa ni Vida na walang ibang bilin sa kanya kundi ang curfew ni Vida na agad naman niyang sinangayunan. Alas-5 ng hapon. Patawarin.

“Kanina ka pa?”

“Oo kanina pang 9.”

“Nag-pa-check ka na ba ng attendance sa loob?” nguso niya sa buddy clock ng mga staff sa Mcdo.

“Bakit?”

Napabuntong-hininga ng malalim si Chronos at natatawa na nagsalita. “Vida ang lalake dapat ang nag-aantay sa babae. Kung alam ko lang na parang meeting sa school ang gagawin mong basehan ng oras sa pagpunta dito dapat sana kanina pa palang medaling araw ako nandito. Nag-tent na sana ako dito.”

“Ah…” ani Vida na muhkang may natutunan na bago. Si Vida na may Zero Dating Experience. “Anong oras dapat ako pumunta dapat?”

So this is LOVE! (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon