CHAPTER 54

3.4M 83.3K 85K
                                    

DEIB'S POV

Umuwi ako sa bahay na wala lalo sa sarili, puno ng tanong sa isip at hindi ko alam kung sino at kung kailan masasagot. Sa ngayon gusto kong malaman,

'Sino ka ba talaga Taguro?'

"Oh hi baby! You're late."sinalubong ako ni Mommy.

"Kasi Mommy tumambay pa kami nila Tob e."

"I see, bakit hindi man lang ako dinalaw nung mga yun? Aalis na kami ng Daddy mo bukas."

"Po?"

"Mmm. Pupunta kami ng Thailand para sa Medical Mission namin."

"Mommy naman? Hindi man lang kayo nagtagal dito."

"Alam mo naman na maraming tao ang nangangailangan sa Mom and Dad mo Deib."

"Babalik naman kami before ang birthday mo."singit ni Dad."Paupuin mo muna ang anak mo Lacey."

"Yeah, come in. Sit down."inalalayan ako ni Mom sa sofa.

"Dad, hindi man lang kayo nagtagal ng one month dito."

"Hindi pwedeng magtagal ng isang buwan Deib, maraming kailangan ng tulong namin ng Mom mo. Kung dito lang kami ay nakaupo lang kami."

Nakakalungkot lang isiping nagagawa nilang mag-alala para sa ibang tao, pero kaming dalawa ng kapatid ko ay iniiwan nila sa pangangalaga ni Manang. Hays.

"Deib, I know what you're thinking. Alam ko nagtatampo ka. Pero kasi, ito lang ang paraan para makatulong tayo sa ibang tao. Kung magdodonate tayo ng magdodonate sa mga charity hindi natin alam kung nakakarating sa kanila ng maayos ang donations natin. Mas maigi na yung ganito at mahal naman ang ginagawa namin."

"Son, alam mo namang hindi kami makatiis pareho ng Mommy mo na nagsstay lang sa bahay at walang ginagawa. Kung sa ospital naman kami ay hindi kami maabot nung mga taong gusto naming tulungan. Maraming taong nangangailangan sa Pilipinas anak. "

"I understand."pilit ang ngiti kong tingin sa kanila."Now if you don't mind. I'd like to take a rest."

"Deib."

"Hayaan mo na muna siya Lacey."dinig ko pang sabi ni Mom and Dad pero hindi ko na sila liningon. Nagderederetso na ako nang akyat. At doon naman ay gulat kong nakita si Dein na nakatingin sa akin hawak ang isang libro niya.

"You okay?"tanong niya sa akin.

"Mmm, just tired."malungkot na sabi ko.

"Deib."lumapit siya sa akin at yumakap."Hindi naman tayo pinapabayaan nila Mommy e. Masyado lang talagang matulungin ang parents natin."

"Paano naman tayo? Hindi na ba natin kailangan ng tulong nila?"mahinang tanong ko.

"Hindi naman sa ganon. Pero kasi, malalaki na tayo at may mga sarili ng isip. Bukod doon ay kaya nating makuha lahat ng kailangan at gusto natin, yung mga tinutulungan nila Mommy ay hindi ganon."

"Hindi naman nating kasalanan kung bakit ganon ang buhay nila."

"Hindi rin naman nating sila masisisi dahil hindi lahat ng tao ay may pera Deib."

"Bakit? Wala bang ospital sa kanila? Bakit kailangang puntahan pa sila nila Mommy para makapagpacheck-up sila?"inis na tanong ko. Umalis sya sa pagkakayakap sa akin.

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon