Chapter 7: That Holding Hands While Walking

2K 53 49
                                    

Chapter 7: That Holding Hands While Walking

Maggie

Kapag kasama mo ang taong tinitibok ng puso mo: gumagapang ang oras; humahawi ang mga ulap; tumututok sa inyo ang sinag ng araw; umuulan ng mga bulaklak; umaawit ang hangin; at lumalabo ang paligid ngunit naiiwan siyang malinaw. Ganun sa TV at sa pelikula, pero hindi sa totoong buhay.

Sa tuwing kapiling ko siya, may isang bagay na palagi at tunay na nangyayari: natutuon nang buo ang atensyon ko sa kanya, kaya nakakalimutan ko ang karamihan.

Nagmamadali ang bawat hakbang niya, ngunit ang kilos ng buong katawan ko ay pabagal nang pabagal. Tila nais ng mga paa kong huminto para lang makasama pa siya ng mas matagal. Patungo kami sa chapel ngayon. Minamasdan ko lang ang likod niya habang hinihila niya ako, at sinisinghot naman ng gutom na gutom kong ilong ang halimuyak niya. Napakabango niya.

Mahigpit pero hindi masakit, ganito ang paghawak niya sa kamay ko ngayon. Nahihiya ang magaspang kong kamay sa napakalambot niyang kamay. Gusto ng kamay kong bumitaw pero tumututol ang puso ko sabay sa utak kong sumisigaw ng,  'Sana huwag siyang bumitaw'.

Walang slow motion, walang auto focus, walang spotlight mula sa araw, walang petals, at walang background music. Sigurado akong in touch pa rin ako sa reality, hanggang sa mabigla na lang ako nang sabihin niyang, "Uy! Nasa chapel na tayo." Nalubog na naman pala ako sa pantasya kasama siya. Nakakahiya. Hindi na lang ako nagpahalata.

"A, sige. Diyan ka muna," aligaga kong nasabi. Hindi ko na inabala ang sarili kong tignan kung umupo o lumabas ba siya uli dahil sa pagmamadali ko sa paglapit sa mga ka-choir ko. Hindi ko naman agad namalayang halos lahat sila ay nakatingin sa pinanggalingan ko, kaya nang mapansin ko iyon ay napalingon na ako at nakitang nakaupo si Dave--nakangiti at nakahandang manuod.

"Psst!" sitsit ni Ate Angel saka niya ako mapang-asar na nginitian. Isang tingin at ngiting nangangahulugang: mahaba talaga ang buhok ko.

Mula rehearsal hanggang matapos ang misa ay nanatili si Dave sa pwesto niya kaya naman hindi naging mahirap sa'kin ang hanapin siya lalo na sa moment ng palitan ng "peace".

Pagkatapos naman ng misa ay agad ko siyang nilapitan. "May lakad ka pa ba?" tanong ko agad sa kanya. 'Sana wala,' ang inaasahan kong sagot.

"Wala naman. Bakit?"

Agad naman akong napangiti. "Hm, may practice pa kasi kami. Mga 12 pa kami matatapos. Gusto mong mauna ka nang umuwi?" 'Sana hindi. Sana hintayin niya pa ako,' dasal ko sa isip ko.

Hindi ko alam kung anong nagawa kong mabuti para magkaisa ang buong universe para biyayaan si Dave ng mala-Edward Cullen na gift of telepathy. Tila narinig niya ang binubulong ng isip ko nang sabihin niyang, "Sige, okay lang. Hihintayin kita. Tapos sabay na tayong mag-lunch."

Lalong tumingkad ang araw ko matapos kong marinig ang sagot niya, subalit wala pang ilang minuto ang lumipas ay may sumulpot na nilalang: si Mang Rene, driver nina Dave.

Hindi ko alam kung ano pang sasabihin ko kay Dave, ngunit nang makita ko na nga ang driver nila ay kusa ko na siyang naituro. "Uh, Dave, si Mang Rene, o."

Kung alam ko lang ang pakay ni Mang Rene na sunduin na si Dave, sana pala tinago ko na lang siya sa bulsa ko. Pakiramdam ko tuloy, isang free taste sa mall ang balak ni Dave na maghintay sa'kin at kumain sa labas pagkatapos--libre nga, pero patikim lang. Para rin akong na-snatch-an kaya biglang nabawasan ng kulay ang buhay ko.

"Mauna na ho kayo, susunod na ako," aniya kay Mang Rene. Pinauuwi na pala siya agad ng mommy niya. Hindi ko na tinanong ang dahilan. Baka lalo lang akong masura.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My GF Is Not So Panget (Various Ways of Killing Your Best Friend)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon