Pwede Ba..? [One-Shot]

536 24 21
                                    

[ ANDREA’S POV ]

“Pwede bang wag mo na lang akong gustuhin? May mahal na kasi akong iba eh.” yan ang narinig kong mga salita pagkalabas namin ng mga bestfriend ko sa may classroom building namin. Mukhang galing sa may garden ang boses na yun.

“Mukhang may binusted nanaman si Justin ah. Sino naman kaya ang umamin sa kanya ngayon? Tara Bessy tignan natin.” aya sa akin ng bestfriend kong si Sarah

“Bessy, ayan ka nanaman sa pagkachismosa mo eh.” reklamo ko sa kanya

“Sus! Makareklamo ka naman diyan Bessy kala mo kung wala kang pakialam. Eh sa Justin kaya ang involve dito. Kaya kahit sabihin mong wala kang pakialam, alam kong madami kang alam tungkol sa kanya.” kontra naman sakin ni Ana

“Ano daw?” di ko kasi nagets yung huli niyang sinabi. Ang gulo eh. Kayo ba naintindihan niyo?

“Hay naku! Basta! Halika muna doon sa may garden. Bilis!” sabay hila sakin ni Sarah

“Ehh! Kelangan ko ng umuwi. May report pa ako bukas.” dahilan ko

“Tsk! Sige na nga. Wag na lang total pare-pareho lang naman ang nangyayari.” pagsang-ayon ni Ana

Hay buti naman at napapayag ko din sila. Naglakad lang kami total naman ay malapit lang ang bahay namin sa school at magkakapit-bahay lang naman kami. Pagkauwi ko ay ginawa ko na ang mga assignments ko.

Ako nga pala si Andrea Kim Castro. Isang 4th year student dito sa East Coast Academy. Yung mga kasama ko kanina ay ang mga bestfriends ko sina Sarah Soriano at Ana Grace Ferrer. Yung nagsabi naman ng mga katagang “Pwede bang wag mo na lang akong gustuhin? May mahal na kasi akong iba eh.” ay si Justin Rae De Guzman. Paano namin nalaman na si Justin yung nagsabi nun? Simple lang, yan kasi ang lagi niyang sinasabi sa mga nagkakagusto o nagtatapat sa kanya. Sino siya sakin? Siya ang lalaking nagpapatibok ng puso ko. Chos! Ang corny ko na ata.hahaha Pero, ang swerte nung babaeng mahal niya. Kainggit naman.

Kinabukasan…

Cupid and Psyche

Lucius Apuleius

A certain king and queen had three daughters. The charms of the two elder were more than common, but the beauty of the youngest was so wonderful that the poverty of language is unable to express its due praise. The fame of her beauty was so great that strangers from neighboring countries came in crowds to enjoy the sight, and looked on her with amazement, paying her that homage which is due only to Venus herself. In fact Venus found her altars deserted, while men turned their devotion to this young virgin. As she passed along, the people sang her praises, and strewed her way with chaplets and flowers.

This homage to the exaltation of a mortal gave great offense to the real Venus. Shaking her ambrosial locks with indignation, she exclaimed, "Am I then to be eclipsed in my honors by a mortal girl? In vain then did that royal shepherd, whose judgment was approved by Jove himself, give me the palm of beauty over my illustrious rivals, Pallas and Juno. But she shall not so quietly usurp my honors. I will give her cause to repent of so unlawful a beauty."

“Hayyy!” sambit ko matapos basahin ang panimulang parte ng kwentong Cupid and Psyche.

Nandito ako ngayon sa may bench malapit sa may garden. Since wala naman ang last subject teacher namin ngayong umaga ay lumabas ako sa classroom namin upang basahin ang librong Cupid and Psyche sa kadahilanang nakatulog na ako kagabi kaya’t hindi ko nagawang magbasa.

Yung mga bestfriends ko naman nasa classroom pa. May tinatapos lang silang assignment namin na ipapasa mamayang hapon. Kaya loner mode ako ngayon dito.

Maya-maya lang nakita kong tumatakbo sina Bessy Sarah at Ana papunta dito sa may bench na kinauupuan ko.

“Be-Bessy! So-Sorry talaga! Hindi naman namin sinasadya eh. Hindi namin alam na nasa likod lang namin siya. Sorry talaga Bessy.” sabi ni Ana habang hingal na hingal

“OO nga Bessy. Hindi naman talaga namin alam eh.” dagdag pa ni Sarah

“Teka nga lang. Kayong dalawa bakit ba kayo tumakbo. May humahabol ba sa inyo? At bakit kayo nagsosorry?” tanong ko sa kanila

Bigla naman silang nagkatinginan. Teka lang. Parang kinakabahan naman ako sa kanilang dalawa.

“Kasi papunta na sana kami dito kaya lang pinapapunta kami ni Ms. Abad sa faculty. Tapos pinag-uusapan namin yung pagkagusto mo kay Justin. Hindi namin napansin na nasa likod lang pala namin si Justin kaya narinig niya na may gusto ka sa kanya. Sorry talaga Bessy.” sagot ni Ana sakin

O_O

Yan lang ang naging reaksyon ko.

“Ui Bessy! Sorry talaga. Hindi naman talaga namin sinasadya eh. Sorry na talaga. Wag ka namang magalit samin oh.” saad ni Sarah

“A-Ayos lang. Hi-Hindi naman ako galit eh. Nagulat lang ako.” sabi ko sabay ngiti ng peke

“No Bessy! Alam naming hindi yun ayos sayo. Kilala rin naman namin si Justin. Alam namin na pag may nalaman siyang may nagkakagusto sa kanya eh pupuntahan niya agad ito at sinasabihan ng famous busted line niya. Ga-Ganito na lang Bessy. Pupuntahan na lang namin si Justin at sasabihin na joke lang namin yun.” panimula ni Sarah na halata pa rin ang pagkataranta

“O-Oo nga Bessy. Wag kang mag-alala. Kami ng bahalang mag-ayos nito. Alam naman namin na ayaw mong masiwalat yung sekreto mo. Kaya gagawa kami ng paraan.” dugtong pa ni Ana

Kaya kahit anong mangyari ay hindi ko ipagpapalit ang mga bestfriends ko eh. Kita niyo naman sila diba? Lahat gagawin nila. Kaya mahal na mahal ko sila eh.

“Ano ba naman kayo. Hindi niyo na kailangan pang gawin yan. Isa pa, alam ko namang darating din yung araw na malalaman at malalaman rin ni Justin yun eh. Wala namang sekretong hindi nabubunyag. At isa pa, matagal ko ng inihanda ang sarili ko pag dumating yung panahon na sa akin naman sasabihin ni Justin yung famous busted line niya.hahaha” sabi ko sa kanila

“Bessy?” sabay na sabi nina Sarah at Ana

“Ayos lang talaga. Tsaka ayan na siya oh.” sabay tingin ko sa likuran nila kaya napatingin rin sila sa likuran nila

Bigla silang lumingon sakin.

“Wag kayong mag-alala. I can handle it. Everything will be fine.” sabi ko saka ko sila nginitian

Grabe ang lakas ng pintig ng puso ko ngayon. Bukod sa kinakabahan ako ay natatakot din ako. At dahil mas gwapo siya ngayon. Shocks! Nakakainlove talaga siya!

Nang makalapit siya samin bigla siyang ngumiti. Shocks! Wag mo akong ngitian ng ganyan! Lalo akong nahuhulog sayo eh.

“Andrea Kim Castro right?” panimula niya

Kung hindi ko lang alam ang balak niya ngayon baka kinilig na ako ng sobra-sobra. Alam niya pala buong pangalan ko? Pero alam ko naman ang pakay niya eh. At mukhang mapapasama na ako sa mga nabusted niyang babae. Haist!

“Oo” tipid kong sagot

Ngumiti ulit siya sakin.

“Okay. I’ll get straight to the point. Ahhh…

pwede bang wag mo na lang akong gustuhin?

Pwede bang MAHALIN mo na lang ako?”

Pwede Ba..? [One-Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon