Chapter 48

64.5K 1.2K 338
                                    

Mira Jane Garcia

“Mira! Ayokong lumalabas ka pa ng bahay lalo na pag gabi at mula bukas ihahatid at susunduin na kita lagi sa school.”

Nagta-type ako dito sa lappy ko nong sumilip sa pinto si Kuya at pagsabihan ako.

“Kuya malaki na ako, hindi mo kailangan pang gawin iyon. Kung ayaw mo akong sumabay kay Jean eh di magcommute na lang ako.” Sagot ko ng hindi lumilingon sa kanya. Patuloy pa rin ako sa pagta-type.

“Hanggat di mo hinihiwalayan yang Jean na yan sisiguraduhin kong hindi ka niya malalapitan.”

“Kuya, walang ginagawang masama sayo si Jean. Bakit kailangan mo akong ilayo sa kanya? Isa pa, may sarili akong buhay. Hindi mo ako kailangan paki-alaman sa mga desisiyon ko.”

“Mira, tanga ka ba o ano? Nakipag-relasyon ka sa kapwa mo babae, anong sasabihin ng mga tao? Anong sasabihin ng mga kaibigan ko sa akin. Na ang kapatid ko ay tomboy ganon? Gusto mong dumating tayo sa punto na pagtatawanan tayo ng iba?”

“Kuya, napagdaanan ko na yan. Pinagtawanan ako ng mga klasmeyt ko nong malaman nilang kami ni Jean. Pero deadma lang ako, at ngayon wala na lang sa kanila. Tsaka kahit tuksuin ako hinahayaan ko nalang sila.”

“Yang mga katwiran mo Mira Jane ayusin mo! Sabi ko naman sayo noon na iwasan mo na siya.”

“Ginawa ko naman Kuya, umiwas ako. Pero wala eh….”

“Hiwalayan mo na siya Mira, maraming lalake diyan. Hindi babae ang kailangan mo!”

“Ayoko Kuya, kung katulad lang din ninyo ni Papa na mga babaero wag na lang. Ayokong matulad kay Mama.” isinara ko na lang ang lappy ko saka ako humiga ng kama at nagtalukbong ng kumot.

Hindi ko na rin narinig na nagsalita pa si Kuya.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at natulog.

Kinabukasan maaga akong nagising, pag katapos kong mag almusal naligo at nagbihis agad ako.

Akala ko isasabay ako ni Kuya pero buti at nauna na siya.

Palabas na ako ng gate nong mapansin ko ang nakaparadang kotse sa tapat ng bahay namin, bumukas ang pinto nito at isang lalake ang iniluwa ng kotseng iyon.

“Hi Mira, good morning!”

“Bien?”

Anong ginagawa niya dito?

“Sabi ng Kuya mo isabay na kitang pumasok ng school.”

Napapa iling ako. Si Kuya, mukhang may binabalak ang taong yon.

Kung ganon magkakilala rin pala sila ng Kuya ko.

“Thanks Bien pero hindi ako pwedeng sumabay sayo.”

“Magagalit ba si Jean?”

Hindi ko alam kung matatawa ako o ano.

“Matagal mo na bang kilala ang Kuya ko?” tanong ko sa kanya.

“Hindi naman pero madalas nakakalaro namin siya sa basketball sa plaza at minsan napag-uusapan ka namin. Nabanggit ko kasi sa kanya dati na magkakilala tayo at mula non naging close na kami ng Kuya mo. Magaling siya sa basketball.”

“Ahhh…” wala akong ma-say kaya tumango tango na lang ako.

“Tara sabay ka na. Ibinilin ka niya sa akin.”

“Salamat Bien pero—“ hindi ko pa natatapos yong sasabihin ko nong biglang pumarada ang sasakyan  ni Jean dito sa tapat namin ni Bien. Pagkalabas niya ng kotse agad siyang lumapit sa akin at hinawakan niya ang kamay ko…..ng mahigpit.

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon