Chapter 3 - Racing Competition Part 1

59.8K 1K 22
                                    


Chapter 3 - Racing Competition

Third Person POV

"Asan na ba si Gin? Gagatungan ko talaga 'yon," inis na sabi ni Jedde

"Tinawagan ko na. Paparating na raw siya. Papaliparin niya raw ang motor niya. Nakakaamoy ako ng pera," sabi ni Seth habang kinikiskis ang mga palad.

"Hoy! Gago! Walang perang nakapusta! Utak pera ka talaga! Ginugutom ako sa sobrang ingay mo," natatawang sabi ni Zero.

"Tse! Ulol! Mabuti pang lumayo kami sayo! Baka kainin mo pa kami. Utak pagkain. 'Di naman tumataba," ani Seth

"Hoy! Hoy! Anong away 'yan? I'm here. Ano? Rakrakan na? Kayo talaga! Istorbo! May chick pa akong kausap kanina. Mga asungot kayo!" sabi nang kadarating lang na si Gin.

"Kausap? Lang? Wehhh? Bago ata yan. 'Di ka nakascore, pre?" natatawang sabi ni Kurt kay Gin.

"Itigil niyo na nga 'yang walang kwentang pinag-uusapan niyo. Sumakay na kayo sa mga motor niyo," seryosong sabi ni Zack

"Kahit kailan ang sungit mo, Zack. Bitter ka lang kasi wala kang chicks," sabi ni Gin na natatawa habang nakatingin kay Zack.

"I don't need them," seryosong sagot ni Zack

"Woah!" sabay na react nina Gin, Seth at Zero.

"Hey! Tama na yan. Be ready guys!"  awat ni Raven sa kanila.

"Hey! Pagputok ng baril 'yon na ang hudyat na magsisimula na," sabi ng isa sa member ng kalabang grupo.

"Pito laban sa pito. Kung sino sa isang myembro ng grupo ang mauna, sila na ang panalo", pagpapatuloy ulit nito.

"Walang rules. Kung sino ang makaunang makapunta sa isang abandonadong gusali sa kabila ay siyang panalo," sabi n'ong leader ng grupong Sole Gang.

Devilicious Gangster laban sa Sole Gangster.

Handa na ang dalawang grupo.

Ang putok na lang ng baril ang kanilang hinihintay para patakbuhin na ang kani-kanilang motorsiklo.

Sabay nang pagputok ng baril, isa-isa nang nagsitakbuhan ang mga motorsiklo ng magkalabang grupo.

Nangunguna dito ay ang Devilicious 7 Gangster.

"Oh, yeah! Pustahan tayo, Ze, kung sino ang makauna sa ating dalawa ay mananalo ng sampung libo," sabi ni Seth kay Zero na nasa gilid niya habang patuloy pa rin ang pagpapatakbo ng matulin.

"Deal! Sampung libo lang? Ang cheap mo, pre!" sagot ni Zero na nakangisi.

"Para namang ang dami mong pera eh kada bili mo, lahat pagkain," nakasimangot na sabi ni Seth.

"Shut up, Seth! At least nakakain ko, busog ako. So, ano? Una na ako sayo. Sayonara desu ne!" sabi ni Zero na natatawa pa.

"Hoy! Hintayin mo ako, Ze! 'Di ka pwedeng manalo!!" sigaw ni Seth sa papalayong si Zero

**

"Hoy! Ano, Raven? Nagbago na isip mo? Pwede ka pang umatras," sabi ni Kit na leader ng Sole Gang. Binigyan lang siya ni Raven nang nakakalokong ngisi. "Hoy! Nang-aasar ka ba? Ba't ka nakangiti ng ganiyan?" naiinis na sabi ni Kit.

"Don't call me by my name. We're not even close. Backing out? Are you trying to make me laugh? Backing out is not in my vocabulary," ganting sagot ni Raven sabay paharorot ng motor niya.

Patuloy pa rin ang paligsahan nila.

Mga ilang kilometro na lang at mararating na din nila ang kabilang gusali.

"Duze Rave! Sali ka sa pustahan namin," sabi ni Seth nang makasabay niya nang takbo si Raven.

"I'll go ahead first," sabi ni Raven, ignoring what Seth said at humarorot nang takbo ang motor nito.

"Una na din ako," sabi rin ni Zack sabay iwan sa kanila.

"Hoy! Hindi ako magpapatalo!" sigaw ni Seth at pinaharurot din ang motor nito.

"Sandali! 'Di rin kami magpapahuli!"

"Lalo na ako!"

"Count me in!"

Halos sabay na sabi nina Gin, Jedde at Kurt na pinaharurot din ang takbo nang kani-kanilang motor.

"Pero ako pa rin ang mauuna sa inyo!" sigaw ni Zero na nasa may unahan nila.

***

Kaede's POV

- CASSA BAR-

Wew! Kapagod na gabi.

"Una na po ako, Sir," paalam ko sa aking boss habang nakangiti.

"Ingat ka, Hevn," sabi ng boss ko sabay kaway sa akin.

"Salamat po, Sir!" ganting tugon ko at kumaway din.

Naglakad ako kung saan nakatayo si Leslie at nagpaalam din sa kaniya

"Leslie, una na ako ahh?" paalam ko sa kanya.

"Sige, Hevn. Ingat ka," sabi naman ni Leslie na nakangiti.

"Sige. Salamat," sabi ko sa kaniya sabay labas ng Bar.

Buti at nakasweldo na ako ngayong gabi. May pambayad na rin ako bukas. Naisipan kong  lakarin na lang ang apartment ko. Malapit-lapit lang naman 'yon dito. D'on na lang ako sa shortcut na dinadaanan ko noon.

Naglakad na ako papauwi at hinanap 'yong eskinitang dinadaanan ko dati. Agad ko naman itong nakita. Isa itong eskinita kung saan wala ng mga sasakyang dumadaan sa mga ganitong oras.

Tiningnan ko ang aking relong pambisig. Alas dose na pala. Hatinggabi na rin. Marami kaming customer kanina at matagal dumating 'yong isang kasamahan ko kaya na-extend ako ng dalawang oras.

Seven hanggang ten ng gabi lang talaga ang shift ko. Ito na siguro 'yong unang pinakamatagal kung shift.

Pagkalampas ko sa eskinitang ito may isang eskinita pa, tapos yung apartment na tinitirhan ko na ang kasunod. Napahikab ako. Ang sarap na talagang mahiga sa kama at magpahinga.

Natigilan ako saglit ng may narinig akong mga ingay.

"Whoah! Oh yeah!"

Napakunot ako ng noo dahil sa narinig kong ingay. Tunog ng mga motor ba iyon?

"Hey, pre! Easy lang! Panalo na tayo dito!"

Ba't ba ang ingay? Naguguluhan man, ay pinapatuloy ko pa rin ang paglakad palabas ng eskinita. Malapit na akong lumabas sa unang eskinitang pinasukan ko.

Ang ilaw galing kung saan ang panandaliang bumulag sa mata ko nang makalabas ako ng eskinita. Pikit-mata kong tiningnan kung saan galing ang ilaw.

Nanlaki ang mata ko sa gulat. What?! Ano 'to? Bakit may mga motor ba na nagkakarera dito? Sa ganitong oras?

Nakakasilaw ang ilaw ng mga motor. Medyo madami din sila. I sighed in relief ng biglang nawala na sila. Pwede na akong tumawid.

Tatawid na sana ako ng may narinig ulit akong tunog ng motorsiklo kaya naman napatigil ako sa akmang paglakad.

"Hey you!! What are you fckng doing here?!" sigaw ng isang pamilyar na boses na nagpalaki ng mata ko.

Devilicious 7 Gangster  [Under Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon