Wizard's Tale 2: Chapter 9

148K 3.4K 363
                                    


(Alyanna POV)


"Master Kerria! Gising na gising na gising na ang Prinsesa!" Ang matinis na boses ni Lala ang gumising sa masarap kong tulog. Sobrang kumportable pa naman ng pwesto ko rito sa higaan! Tipong para akong nakahubad kaya ang presko sa pakiramdam.

"Princess Yana!" At tingnan mo 'tong si Kerria, nahawa na rin yata sa energy ng Elemental Guardian niya. "Mabuti naman at—"

Kinusot ko muna ang mga mata ko bago ako tuluyang dumilat. "Good morning sa inyong dalawa." Saka ako bumangon sa pagkakahiga ko at hinatak paalis sa aking katawan ang kumot na gamit ko.

"Waaaaaaaaaaaah!" Sabay na napasigaw sina Kerria at Lala.

"Woah!" Lalo tuloy akong nagising sa ginawa nila. "Bakit?"

"Mahal na Prinsesa, kasi po na..." Ano kayang problema nila? Hindi pa siguro sila nakakapag-almusal. "Nakahubad po kayo," sabi ni Kerria at sabay silang nagtakip ng mata ni Lala.

Umagang-umaga, pinapatawa nila ako! "Ano bang pinagsasasabi mong nakahubad—ako? Oh my Wizard! Nakahubad ako!" Niyakap ko pabalik ang kumot ko at pulang-pula na yata ang mukha ko sa sobrang kahihiyan! "May nangyari ba sa amin ni Brylle? Nasaan siya!"

"Hala, hala, hala Prinsesa! Walang nangyari sa inyo ni Brylle!"

"Ha? Eh sinong—" Kung hindi kay Brylle, kanino ko sinurrender ang katawan ko? "Ano bang nangyari? May party ba sa palasyo kagabi tapos nalasing ako at—uwaah! Hindi kaya na-rape ako? Bakit wala akong matandaan?"

Humahagulgol na ako habang naguguluhan! Wala talaga akong maalala! Ano na lang ang mukhang ihaharap ko kay Brylle kapag nalaman niyang may ibang lalaking—ayoko nang isipin!

"Prinsesa naman, wala pong malaswang nangyari."

"Wala? Bakit ako nakahubad?"

"Naalala niyo po ba yung nagkagulo tayo dahil ginawa niyong palaka si Clerion? You turned everyone else into something, then you accidentally turned your self into a baby."

"Naaalala niyo po ba, Prinsesa? Nangyari 'yun nung nakaraang nakaraan at marami pang nakaraang araw! Ngayon na lang kayo nagbalik sa normal." Dahil sa sinabi nila, parang may dumagundong na kidlat sa ulo ko.

Naalala ko na nga! At wala akong nagawa kundi ang magtago uli sa ilalim ng kumot dahil sa patung-patong na kahihiyan.

Nang mahimasmasan, nagbihis ako agad. We went to the King and Queen and they were glad to see me normal again. Sila raw ang nag-alaga sa akin nung naging baby ako. Pero kahit na mukhang naging masaya sila, pinagalitan pa rin nila ako just like normal parents do. Nangako ako sa kanila na hindi na uli mangyayari 'yun.

Pagkatapos ay hinanap ko na rin sina Clerion at ang iba pang nabiktima ko para humingi ng sorry. Pero sa naalala ko, may isa pa akong dapat na hingian ng tawad. "Lala, nasaan si Vander? Hindi ba't naging sinturon siya? Magso-sorry rin ako sa kanya."

Nakatinginan sina Lala at Kerria. Wala kasi akong naaalala nung panahong naging sanggol ako. Isang linggo rin halos 'yun at ang dami kong na-miss! Isa na nga dun ang...

"Umalis na po sina Brylle at Vander."

Parang nanuyo ang lalamunan ko. "Ba—bakit nila ako iniwan?"

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon