STALK 7

3.2K 52 8
                                    

Stalk 7:

Drake’s POV

Nandito ako ngayon sa hospital. Kung saan kanina lang eh si Sandy ang dinala naming dito.

Ngayon si Curtney naman ang nandito.

Nagtago ako sa isang gilid kung saan hindi nila ako mapapansin at siguradong maririnig ko ang usapan nila.

Nakita kong dumating na ang bestfriend niya kit among sobrang alalang-alala.

Di rin nagtagal dumating din yung kuya ni Curtney, si kuya Carl. Umiyak yung bestfriend niya at niyakap siya ni Kuya Carl para patahanin.

At hindi ko alam pero, parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa sa narinig ko sa sinabi ng doctor. Yung doctor na kausap lang naming kanina.

“For now she’s in coma. at stable na rin siya. But I’m not sure kung kalian siya magigising, malakas kasi ang impact nung nabunggo siya sabi nung nagdala sa kanya dito. I didn’nt expect this will happen to her. Kanina lang kasi kausap ko pa siya kasama nang isang lalaki” sabi nung doctor na kausap naming ni Curtney kanina nung hinatid naming si Sandy.

Maging ako, hindi ko inakala na mangyayari to.

Alam kong kasalanan ko tong lahat. Dahil kung pinakinggan ko rin siyang magexplain siguro hindi na hahantung sa ganito.

“May kasamang lalaki? Ano naman pong ginagawa nila dito?” tanong ni kuya Carl kay doc.

“May dinala kasi silang babae dito, duguan din” kita kong nnagulat sina Kuya Carl at yung bestfriend ni Curtney sa sinabi nung doctor.

After nun nag-excuse na ang doctor tapos napaiyak nanaman yung bestfriend niya.

Diyos ko. ano ba tong nagawa ko. nailigtas nga yung girlfriend ko pero eto nanaman po. Yung babaeng hindi ko alam pero lagi nalang akong pinag-aalala kahit nag alit ako dapat sa kanya ngayon.

Narinig kong nagsalita yung bestfriend ni Curtney.

“K-kanina l-lang a-ang s-s-saya n-ni b-besy k-kasi n-nakausap niya si Drake, p-pero n-ngayon.*hik* b-biglang ganito. Kuya, diba magiging okay s-si Curtney? M-magigising siya d-diba?” sabi ng bestfriend niya habang umiiyak. Niyakap lang siya ni Kuya Carl at kita ko ang galit sa mukha niya.

“Oo naman Milly, magigising pa si Curtney, malakas siya diba? Tsaka lalaban yun. Hindi niya tayo iiwan kaya huwag ka ng umiyak. Ayaw ni Curtney na Makita niyang umiiyak bestfriend niya diba? Kaya tahan ka na.” sabi niya at hinahagod ang liko ni Milly. “At sisiguraduhin kong magbabayad ang may gawa nito sa kapatid ko. ang nanakit sa kanya” sabi niya na may halong galit at pagkapuot. Pero di ko inaasahan ang susunod na sinabi niya. “Drake. Pagbabayaran mo to” ramdam ko ang galit niya sa akin.

Siguro tama ngang pagbayaran ko ang lahat ng nangyari dito.

My Cute StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon