CHAPTER 42

3.2M 78.3K 78K
  • Dedicated kay Charm Guarin
                                    

DEIB'S POV

Medyo may talent ako sa pagdradrawing kaya naman.

"Nice work Mr. Enrile."

"Thanks Sir!"

"Sana ganyan rin sa exams ha?"

"Yes Sir."

"Okay class, Mr. Enrile right here got the highest score for this week. Kailangang matalo nyo ang score nya next week. Okay?"

"Yes Sir."

"Okay class dismiss!"

Every week lang kasi ang drafting, pero ang Economics subject ay araw araw syempre. Mahirap ipaliwanag e. Economics ang subject namin pero nahahati sya sa dalawa. Drafting at HRM. Every week ang pinaka-hands on namin, every Tuesday ay HRM at every Thursday naman tulad ngayon ang Drafting. M-W-F naman ang lectures. Gets? Kasi paghahanda daw 'to sa College if ever gusto mong mag-Engineering or HRM. Share lang. Bawal mag-share? Bahala ka! Hehe!

"Hayip. Best in Drafting! Congratulations Engineer Enrile!" si Tob

"Sige mang-inis ka pa." inis na sabi ko sa kanya.

"Joke lang."

"Tch! Batukan kita dyan e."

Ang totoo ay gusto kong kunin na course ay Engineering, pero dahil Family of Doctors kami. Aaminin kong nahihirapan akong sabihin sa family ko kung anong course talaga ang gusto kong kunin.

"Wala daw tayong klase sa History."

"Na naman? Hehehe." sabi ko."Tara sa Canteen! Nagutom ako e hehe."

Dumeretso kami sa Canteen and as usual, pinagkaguluhan ng girls hehehe. Um-order kami ng food at saka dumeretso sa table namin.

"Ang init ngayon grabe." si Tob.

"Badtrip nga e. Parang ayaw ko ng lumabas sa drafting room, lakas ng aircon don!" sabi ko.

"Deib." si Lee.

"Oh?" medyo nakaharap ako kay Tob dahil nasa likod niya ang aircon at medyo nakatalikod ako kay Lee kaya naman.

"Melissa."

"H-Hi, Deib."

Nginitian ko ulit sya ng malaking malaki pero napangiwi ako sa kaniyang itsura.

Mukha syang payaso dahil sa make-up niya.

"Ano yang nasa mukha mo?" prangkang tanong ko, kaya naman tinapik pa ako nila Tob na nginusuan ko pa.

"Ah, kasi...sabi nila Abby ma-magugustuhan mo daw kapag nag-ganito ako." mahinang sabi niya.

"Ha?"

Tumayo ako at humarap sa kanya kahit na ako, aaminin kong nagulat talaga ako gusto ko ring matawa dahil sa hitsura niya. Dahil promise, ang sama ng hitsura niya dahil mukha talaga syang payaso! Ang puti ng mukha niya, lampas lampas ang lipstick at ang kapal ng make-up!

Magsasalita na sana ako nung biglang narinig ko ang malalakas na tawanan!

"Hahaha! Oh Betty Boop? Nasa harap mo na pala si Superman?" si Abby. Lumapit sila sa amin at umakbay pa siya sa isang balikat ko.

"What can you say Deib? Actually we asked her kung ano bang gusto nya kasi malapit na daw ang birthday nya. Guess what? She wants you for her birthday! Isn't that funny? Haha!"

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon