Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte

Kabanata I - Simula

571K 9.9K 1K
                                    

Napatulala ako sa isa sa mga lalaking ipinakilala ng emcee sa harapan. Ngayon ko lamang siya nakita pero parang matagal ko na siyang kilala. Pinagmamasdan kong mabuti ang bawat galaw niya. Ang pagkumpas ng kanyang mga kamay, ang bawat pagbuka ng kanyang bibig, at kahit ang pag-alon ng bagsak niyang buhok sa tuwing gumagalaw siya ay hindi nakaligtas sa mga mata ko. Napakaperpekto niyang tingnan sa aking paningin. Aakalain mong isa siyang modelo sa isang sikat na magazine dahil sa tindig niya. Hindi ko alam na mayroon pa lang lalaki na maamo ang mukha pero maangas pa rin ang dating.

"Ano ba, Ara? Marami pa tayong gagawin! H'wag kang tumunganga d'yan!" Nabali lamang ang pag-iisip ko nang magsalita si Glenda sa tabi ko. Mabilis akong kumilos at agad na pumasok sa loob.

"O, itong mga 'to, serve n'yo na sa labas," ani Klara sabay abot sa akin ng mga baso na mayroong lamang alak. Tumango lamang ako at nagmadaling lumabas. Marami nang tao at dapat lamang na alerto ka dahil kaunti lamang na pagkakamali ay mapapansin ka na agad. Mabilis naman na nauubos ang mga alak na sinerve ko sa mga bisita.

"Give me a drink." Bigla akong natigilan nang lumapit sa akin ang lalaking kanina lang ay tinititigan ko. Sigurado akong siya 'yon dahil kanina ko pa siya tinititigan. Mabilis lamang niyang kinuha ang natitirang baso ng alak sa tray na hawak ako at agad na pumasok sa loob ng mansyon ng mga Montemayor. Sa tanang buhay ko, ngayon lamang ako nakakita nang ganoong kagwapong lalaki.

Bumalik ako sa loob para tingnan kung mayroon pa akong gagawin. Buti na lamang at marami kaming katulong dito dahil hindi ata kakayanin ng sampung katulong ang mga gawain dito. Hindi rin kasi biro ang laki ng mansyon kaya marami ang kailangang trabahador. Sa tingin ko, lagpas labindalawa kaming mga katulong ang nagtatrabaho sa mansyon.

"Ara, nakita mo ba kanina 'yong mga Montemayor? Ang gu-gwapo!" kinikilig na sabi ni Glenda sa akin. Umirap naman ako sa hangin habang maayos na isinasalansan ang mga gamit na plato sa lababo. Pinili ko na lamang na tumulong sa pagliligpit dahil baka mamaya ay himatayin na ako kapag muli ko siyang nakita.

"Kung nandoon ka lang talaga kanina, mapapatigil ka sa ginagawa mo. Naroroon sila sa isang lamesa at grabe lang talaga ang mga karisma nila. Naku, kung may hihilingin lamang ako sa itaas, isang Montemayor na!" dagdag pa niya at tinulungan na rin niya ako sa aking ginagawa.

"Akala ko ba ayaw mo sa mga mayayaman?" Lagi niya kasing iginigiit sa akin na ayaw raw niya sa mga mayayaman dahil mga matapobre daw ang karamihan sa mga ito.

"Gaga ka, sino'ng aayaw sa mga 'yon kung ganoon naman sila kagwapo? Muntik na atang malaglag ang panty ko kanina, mabuti na lang at mahigpit ang garter."

"Magtigil ka nga d'yan! Puro kahalayan na 'yang mga pinagsasabi mo!" Natatawa na rin ako sa mga sinasabi niya.

"Kapag nakita mo lang talaga sila, mawiwindang 'yang ganda mo sa kakisigan nilang lahat!" kinikilig pa rin niyang sabi. Natatawang napailing na lang ako sa kanyang sinabi. Kung alam mo lang, Glenda.

"Ara, doon ka muna sa labas at kulang na ang tao roon." Napalingon ako kay Klara nang marinig ko ang boses niya.

"Mamaya na lang ulit tayo mag-usap," paalam ko kay Glenda. Nagpunas muna ako ng mga kamay.

"Kunin mo 'yong bote ng wine at ihatid mo sa lamesa ng mga Montemayor. Bilisan mo at kanina pa nila hinihintay 'yan," ani Klara. Agad ko namang kinuha ang bote na itinuro niya at agad na pumunta sa labas. Hinanap ko muna ang pwesto ng mga Montemayor at medyo nahirapan akong hanapin sila dahil hindi ko naman sila mga kilala. Nahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na lalaki kaya agad akong pumunta sa pwesto nila para ibigay ang alak nila.

"Damn you, Travis! You're really an asshole. Ngayong bumalik na siya, ano ka na ngayon? Tangina, kung ako sa 'yo babakuran ko agad si Jeorge. Damn, she's so hot!" ani ng isang lalaki na sa tingin ko ay lasing na dahil sa lakas ng kanyang boses.

Tell Me Where It HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon