Chapter 27 [Part 4] - Mr & Ms

157K 1.5K 1.2K
                                    

[Laureen's POV]

Natapos kaming mag-perform ni Jaycee. Pagkabalik ko sa mga kasamahan namin, nakita ko na agad ang napaka-understanding smile ni Charms. Si Billy naka-smile din sa akin ng bahagya. Lahat ulit sila. Except kay Luigi at Kara.

"Ang galing mo friend", nakangiting sabi ni Ken sa akin, "Pero bakit ka umiiling-iling at nagi-smile?", seryosong tanong nya sa akin. Wow si Ken ba 'to? Hindi ako inaasar?

Pero teka, nakita pala nila yung mga pag-iling ko at pagngiti ng bahagya. Yay!

"Baliw", sabi ko sa kanya.

Dinaanan na ako ni Luigi at Kara, sila na ang huling magpe-perform.

Naku sasayaw yan. Cheerleader. Kaso marunong ba si Luigi sumayaw?

May sine-set up na keyboard sa stage.

"Goodevening!", sabi ni Kara, "Maiba naman. I'll sing a song for you guys, while Luigi plays the keyboard", sabi nya.

Pumwesto si Luigi sa likod ng keyboard.

Ooh? Marunong sya? Malihim talaga ang loko. Tinatanong ko sya dati kung may iba pa syang talents.

"Si Luigi ang pumili ng kanta"

Nagulat ako sa biglang nagsalita sa likod ko. Si Jake.

"Talaga?", tanong ko.

"Yes", sabi nya.

"Anong kanta?", tanong ko.

Nag-smile lang sa akin si Jake ng bahagya.

"Bigla nga gusto palitan eh, last minute na", sabi ni Lance. Nasa gilid ko na din pala sya.

"Di pumayag si Kara. Hehe. Syempre yan ang pinractice nya eh", sabi ni Jake.

"Magaling yan si Luigi. Makinig ka", sabi pa ni Lance sa akin.

"Ok", sabi ko sa kanila. Binalik ko ang mga mata ko kay Luigi na nag-start tumugtog ng keyboard para sa intro.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon