C52: The last murderer

275K 4.6K 4.1K
                                    

BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

--

Andy's POV


Bubuksan na sana namin ang pintuan ng kotse nang may narinig kaming malakas na sigaw. Nagkatinginan kami ni Philip.

Bigla akong napaisip.

"Boses ni Amanda yon!" Sigaw ni Philip.

Ngunit isang ideya ang pumasok sa isip ko na kanina pang bumagabag sa isipan ko. Nakarinig muli kami ng isa pang sigaw mula kay Amanda. Kahit na nasa ibaba kami ay malinaw kong narinig ang mga katagang sinigaw niya.

"Huwag! Parang awa mo na! Huwag!"

Binigay ko ang susi kay Philip.

"Pre, hintayin mo ko rito." Narinig kong pinigilan niya ako at sinabing sasamahan niya ako ngunit hindi ako nakinig bagkus ay tumakbo ako nang mabilis paakyat sa ikatlong palapag.

Napahinto ako ng sandali nang nakarating ako sa ikalawang palapag. Wala na kong narinig na sigaw mula kay Amanda ngunit nakarinig ako ng ilang yabag ng mga paa na para bang nasa paligid ko lang. Nasa likuran ko lang. Tumingin ako sa likod ko ngunit wala namang tao. Napailing na lang ako at inisip na mali lang ang narinig ko. Nang nakarating ako sa ikatlong palapag ay agad akong napalingon sa kaliwang parte ng palapag na ito. Madilim man ngunit kitang-kita ko ang isang tao na para bang may hinahatak na patay na tao papasok sa isang silid.

Nakarinig ako ng malakas na kulog kasabay ng isang kidlat na naging dahilan ng pagkakita ko nang sandali sa mukha niya. Nanlaki ang mga mata ko nang napagtanto ko kung sino siya. Hindi ako makapaniwala.

Pumasok siya sa loob ng silid na iyon habang hatak pa rin ang isang bangkay. Mukhang si Amanda iyong katawan na hinahatak niya. Nakaramdam ako ng matinding galit. Susundan ko sana siya ngunit biglang may nagtakip sa bibig ko gamit ang isang panyo. May naamoy akong kakaiba na naging sanhi ng paglabo ng mga mata ko hanggang sa nawalan na ko ng malay...

Namulat ko ang mga mata ko sa abandunadong gusali na iyon. Usok ... puro usok ang paligid. Ito mismo ang eksaktong pangyayari nang gabing iyon. Paulit-ulit kong tinawag ang pangalan ni Denise ngunit tila ba'y ako na lang ang nag-iisa sa gusaling ito. Umubo-ubo ako ngunit kahit nahihirapan sa paghinga ay patuloy pa rin ang pagtawag ko sa pangalan ni Denise.

Nang may nakita ako sa gilid ko ... si Nichole, hawak hawak niya ang baseball bat ko na puro dugo. Ngumiti siya sa akin habang inaabot sa akin ang baseball bat na hawak niya ngunit bago ko pa man ito mahawakan ay biglang naglaho sa paningin ko si Nichole.

Naalala ko ang paghiram niya ng baseball bat ko. Hindi ko man alam ang rason ay binigay ko ito sa kanya. Hindi niya ito naibalik sa akin. Noong sandaling iyon, nararamdaman ko na may mali sa nangyayari.

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon