Together Again [15]

2.5K 55 10
                                    

Chapter 15

I knew it. The idea of me joining this pageant is definitely ridiculous. Hindi ko alam kung may kahihiyan pa kong mailalabas pagkatapos nito. Noong una hindi pa ko masyadong kinakabahan dahil tatlong tao lang ang manunuod which are the judges. But when I learned that the SC President was one of them!? CRAP!

Gosh! Pwede bang mag-back out? Gusto kong mag back-out.

"Hindi na pwedeng mag back-out, Hanikka. Nandito na tayo." Napatingin ako kay Carlo na chill na chill lang na nakaupo. Naka crossed arms pa habang nakikinig ng music from his ipad. Samantalang ako halos maubos na ang kuko ko sa sobrang kaba.

"Mind reader ka ba?" natawa lang siya. Bakit ba hindi siya kinakabahan? "Nope. Kahit naman sino malalaman kung anong nasa isip mo." Tumayo siya at naglakad papunta sakin. He held both of my shoulders to make me steady. "Relax. Isipin mo lang na di ka nag-iisa. Kahihiyan natin 'tong dalawa."

"Can we just ditch this audition?"

"Pwede naman. Pero wag mong asahang papansinin pa tayo ng classmates natin." I know he's exaggerating. But the thing is kami lang ang inaasahan for this pageant "It's alright. Makapasa o hindi atleast sinubukan natin diba?"

I noticed that Carlo's not in his usual self. He's being serious. "Wait, kinakabahan ka ba?"

"The hell I am."

And we went off to stage.

Kahit na tatlong tao lang ang nasa harap namin, sa sobrang laki ng auditorium feeling ko lalamunin ako nito.

"Before we start, We have here Ms. Hanikka Agoncillo, out transferee from abroad, right?" one of the judges asked. Hindi ko siya kilala, an admin I guess.

"Yes Mam." She nodded.

"Well, based on my first impression of you, I bet you're used of pageants and contest." tanong naman nung lalaking judge.

"No sir. This is actually my first time."

"Really? Hindi halata. Bakit ba ang daming magaganda at gwapo sa College of Business." Tumingin yung lalaking judge kay Ivan. He then smile and shrug. Yabang!

"So, you are with Mr. Angeles. Are you related? Classmates, couple or something?" the woman judge asked again. Agad naman akong napatingin kay Carlo.

"We're just classmates mam. But let's see, we're going there soon." Bigla ko siyang nasiko sa tagiliran habang nakangiti sa sinabi niya. And when I glanced at Ivan, I saw his smirk under his hand na bahagyang tumatakip sa labi niya habang nakatukod sa mesa ang siko nito. Ooh. Look who's kinda jealous here.

"Then we must call you the 'A couple', Ms. Agoncillo and Mr. Angeles."

"Paano ba 'yan Mr. Ivan Hernandez, may makakalaban na kayo ni Ms. Herrera as Campus Couple." Unti-unti napawi yung mga ngiti ko habang nagsisink-in yung sinabi nung judge. Ms. Herrera pala huh! H couple? Tss.

"Let's see." He said in all smile while looking straight at me.

Ganun. Sige, let's see talaga!

---

Ilang oras matapos yung pre-pageant, inilabas na yung result. And guess what? We made it! But from that very moment, umugong na sa buong campus yung about sa A couple thing. I didn't know na medyo may paheartthrob effect itong kapartner ko. I didn't care less 'cause for me, he's just him, Carlo, my classmate and friend.

After class, tulad ng napag-usapan, pupunta ang barkada ngayong gabi sa bahay ko. Good thing naunang pumunta sina Zed, Rye at Brent para tulungan ako since yung iba nasa WU pa para suportahan ang pagdisplay nila Zai at Sid sa opening ng intramurals as varsity players ng campus. Around 8 o'clock dumating na sila.

Together Again [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon