LONG DISTANCE RELATIONSHIP

18.8K 419 230
                                    

Long distance.

Mahirap kung sa mahirap ang isang long distance relationship. Sino bang tao ang gustong maging malayo taong mahal nila. Pero hindi mo maiintindihan ang isang couple na pinaglalaban ang pagmamahalan nila kahit malayo sila sa isa’t isa kung wala ka namang sa sitwasyon nila. Maraming humuhusga sa ganitong klaseng relasyon, maraming hindi naniniwala, maraming may ayaw dahil nga mahirap. Mahirap kasi nasa malayo ang taong mahal mo. Mahirap dahil hindi mo nakikita at nakakasama ang taong mahal mo. Mahirap dahil nakakaramdam ka na mag-isa ka. Mahirap dahil wala siya sa mga special na okasyon ng buhay mo. Mahirap dahil wala kang mayayakap at pupunas ng luha mo sa tuwing umiiyak ka. Mahirap dahil magkaiba kayo ng oras. Mahirap dahil mamimiss mo siya. At ang pinakamahirap sa lahat ay maghintay. Puro hirap sa tingin ng ibang tao na wala sa sitwasyon na ito at yung iba sumusuko na lang dahil tinatak na nila sa isip nila na mahirap.

Pero para sa mga taong nasa sitwasyon na ito yung mga paghihirap ay nawawala kapag alam mo na dumating na yung araw na magkikita na kayo. Nawawala yung hirap lalo na kung kahit malayo kayo sa isa’t isa hindi nawawala yung pagmamahal niyo sa bawat isa. Nararamdaman niyo pa rin kahit milya milya na ang layo ninyo. Magwowork talaga lalo na kung naniniwala naman na may patutunguhan ang lahat sa tulong ni God.

Love has no distance nga sabi ng nasa kanta at hindi mo naman kailangan makita ang isang tao segu-segundo, minu-minuto para lang maramdaman mo na mahal ka niya. Kahit nasa malayo possible pa ring maramdaman yung pagmahahal..

-

Vote, And Comment sa Right Side.. May Button dyan :)

LONG DISTANCE RELATIONSHIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon