05. EX-it

1.9K 64 2
                                    

05. EX-it

**

Ilang minuto na lang at, finally, matatapos na din ang last subject namin para sa araw na 'to. Para saakin, this is the most exciting part of the day kahit ang kasunod lang naman ng after class ay ang pag uwi sa bahay. Eh kung mas naeexcite ako sa pag uwi kesa sa pagpasok na puro naglalandiang estudyante lang naman ang nakikita ko, e.

When the clock finally says that it's already 5 PM ay hindi ko na hinintay na mag announce si Ma'am para dismissal. Agad ko nang niligpit ang gamit ko para ready-to-go na ako. Girlscout, e.

"Class dismissed. You may go." anunsyo ni Ma'am sa unahan at niligpit na din ang mga gamit niya. Para namang mga ewan ang mga kaklase ko na nagpapaunahang makalabas ng classroom na akala mo ay parang mga bata.

Mga excited lumandi, wala namang forever.

Nilingon ko si Sab na nasa gilid ko at napakunot ako ng noo nang makitang nakaupo pa rin siya sa upuan niya. Nakasimangot at nakahaba pa ang nguso na parang ewan.

"Huy problema mo? Mukha ka'ng isda dyan." saad ko. Nakuha ko naman ang atensyon nya pero mas lalo lang sumimangot ang bruha.

Ano nanaman kaya ang problema ng isang ito?

Hindi pa man ako muling nakakapag salita nang biglang may humawak sa braso ko at pinulupot ito sa isa pang braso. Guess who?

"Tara Bry. Sabay na tayo." sabi ng nerd na ito habang nakangiti ng sobrang lawak. Samantala ako, wala. Sira. Poker face lang.

Sasagot pa lang sana ako ng ayoko. Pero huli na, dahil nakaladkad nya na ako agad at eto kami ngayon, naglalakad na at nasa labas na kami ng campus actually.

"Bry...." tawag nya.

"Tigilan mo ako sa kaka-Bry mo dyan ha? Tigilan mo ako." medyo naiinis na sabi ko sakanya. Well actually, naiinis talaga ako. Hindi lang medyo.

"Ayoko." sagot niya at lalo pa akong naasar dahil sa tawa niya. Like what? Anong nakakatawa?

Hindi na lang ako nagsalita pang muli dahil baka kung ano lang ang masabi ko at hinayaan ko na lang sya na kaladkadin ako kung saan mang lupalop nya ako gustong dalhin. Wag lang talaga nya ako'ng kikidnappin at talagang makakatikim siya bg mag-asawang sampal.

Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad nang may tatlong babae ang huminto sa unahan namin. Mukha silang mga trying hard na mean girls. I didn't know na may nageexist pala na kagaya nila. Lol. Nilamon na ng koreanovela to'ng mga to e.

May kasama silang isang lalaki at nakaakbay ito dun sa babaeng nasa gitna. Sa mga napapanuod ko'ng koreanovela, sila yung tinatawag na leader ng 'mean girls'. Well i don't know if they are dahil wala naman akong pake. Period.

"Oy pre!" tawag nung isang lalaki dito sa nerd na kasama ko at tinulak sya sa balikat gamit ang hintuturo niya kaya naman medyo napaatras sakin itong nerd.

"Look who's here?" medyo tatawa-tawang sabi nung isang babae sa likod.

"It's Kim the dork next door!" then nagtawanan ung dalawang babae sa likod.

And yes, confirmed. They are the mean-girls-wanna-be base sa mga ginagawa nila.

Naramdaman ko naman na unti unting lumuwag ang kapit ng nerd na ito sa braso ko at di nagtagal ay binitawan na din nya ako. Thank goodness.

"Sis, boyfriend mo?" pagtatanong sakin nung isang babae sa likod na parang nandidiri.

"Ano naman sayo?" di ko na napigilan ang bibig ko at iyan agad ang nasabi ko. Napairap tuloy ako sa harap nila. "Don't call me sis. We're not sisters. I don't even know you." and again, i rolled my eyes.

Bitter Forever [Walang Forever] (Bitter Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon