Final Chapter: Game Over

19.1K 326 68
                                    

Final Chapter: Game Over


PAGKARATING NA PAGKARATING ni Justin sa music school na pinagtatrabahuan ni Aubrey, nagmadali siyang bumaba ng kanyang sasakyan at nagtungo sa gate ng paaralan.

            "Sir!" Binati siya ng kakilala niyang guwardya na laging nagbabantay roon.

            "Bisitahin ko lang po si Aubrey." Nakangiti niyang sagot. Hindi niya mapigilang mapangiti dahil nararamdaman niya, makikita na ulit niya ang kanyang nobya.

            "Si Ma'am de Vera?" Napakurap ang guwardya. "Pero umalis na po siya."

            Napakunot-noo naman si Justin. "Umalis? Pero may nagsabi sa akin na nakita niya dito ang girlfriend ko."

            "Sir, nandito nga po kanina si Ma'am de Vera. Pero umalis din siya. Mga... Labing limang minuto na ang nakararaan. Hinatid pa nga siya dito sa labas ni Ma'am Cruz."

            Halos manlata si Justin sa nalaman. Ayaw niya pa sana 'yong paniwalaan pero ang itsura nung guwardya, mukhang nagsasabi ng totoo. Mukha rin itong naguguluhan sa nangyayari sa kanya at sa nobyang hinahanap.

            Napasabunot si Justin sa sarili at tumingin sa kalsada.

            Aubrey, where did you go now?

            Nawawalan na siya ng pag-asa, nang maalala niya ang isa pang pangalan na binanggit ng guwardya. Ma'am Cruz.

            Si Lina.

            Muli niyang nilingunan ang guwardya.

            "Si Lina po, puwede pong makausap? Nandyan po ba siya?" Tanong niya rito.

            "Opo sir, nandun po siya sa loob. Puntahan niyo na lang po sa faculty."

            "Sige, salamat." At tumakbo na siya papasok ng paaralan.

            Justin was very familiar with the place. Naka-ilang beses na kasi siyang pumunta roon para bisitahin si Aubrey.

            "Lina." Malakas niyang tawag sa dalaga. Nakatayo ito sa tabi ng pintuan ng faculty at may kausap na lalaking co-instructor.

            Nanlaki ang mga mata nito nang makita siya. Medyo napanganga pa, bago nagpaalam sa kausap at lumapit sa kanya.

            "Uy Justin," nasa boses pati ni Lina ang pagkagulat. Napahigpit din ang hawak nito sa hawak-hawak na sobre."B-bakit ka nandito?"

            "Si Aubrey, Lina. Nandito siya kanina, 'di ba? Alam mo ba kung saan siya sunod na pumunta?"

            Saglit na natahimik si Lina. Para bang hindi nito alam ang isasagot. "Ano... Justin... H-hindi ko alam... Pero, sakto kasi ito," inabot nito sa kanya ang hawak-hawak na sobre. "Uhm, iniwan 'to ni Aubrey sa'kin kanina at... at ibigay ko 'to raw sa'yo kapag magkita tayo..."

            Bara-barang kinuha ni Justin ang sobre. May nakapa siya roon na alam na niya agad kung ano.

            Singsing.

            Nang buksan niya ang sobre ay may singsing nga itong laman—Aubrey's engagement ring na tinaktak niya sa kanyang kamay at pinanggigilang hawakan. May papel din doon—sulat marahil—na kanya ring binulatlat. Agad naman niyang nakilala ang magandang sulat-kamay ng kanyang nobya.

Haunting Aubrey (SEXY BLACK Duology Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon