Kabanata 39

8.4K 193 18
                                    

Kabanata 39

Truth

Today is Jezel’s birthday. Ngayon ko rin kukunin ang agreement papers na nasa office ni lolo. Napatingin ako sa orasan na nasa sala. 11:00 am. Napakagat ako ng aking pang-ibabang labi habang tinitignan ang mga taong abala sa kaarawan ni Jezel. Sa may hardin napagpasyahan ni tita Nicole ipagdiwang ang ‘espesyal’ daw na araw ng kanyang kaisa-isahang anak.

Jezel is 24 pero may ganito pa rin siya—I mean kailangang ipagdiwang pa sa maraming tao. Sabihin lang nila gusto lang nilang ipagyabang ito. At alam ko namang hindi lang kami-kami ang nandito pati na rin iyong ilang businessmen and businesswomen na kasosyo o hindi kasosyo ni lolo.

“Leigh hindi ka pa ba mag-aayos?” Napatingin ako sa second floor. I arched one brow to Lucy.

“Why?” tanong ko.

Nanlaki naman ang mata ni Lucy sa akin. Nawala tuloy ang twalya sa ulo niya. “Cous, 11:10 na o! 5:00 ang party ni Je!” Napataas pa siya ng kamay sa inis.

“Ang aga pa.” Walang kalatoy-latoy kong sagot at inalisan siya ng tingin. “Mga 4:00 na lang,” pagpapatuloy ko at pinagpatuloy ang pagbabasa ng magazine.

Narinig ko ang malakas na buntong hininga ni Lucy at ang malakas na pagsara niya ng pinto.

“Whatever.” I rolled my eyes.

Napahikab ako. Papahiga na sana ‘ko nang umalingawngaw ang tawa ni Jezel pababa. “This is beautiful, Gorgina. Thank you, besty.” Gusto kong masuka sa naririnig ko kay Jezel. Oo kanina pa nandito si Gorg sa bahay. At wala akong kaalam-alam na magbestfriend sila. The heck?! Kailan pa? Ang alam ko lang parehas silang nagpaplastikan sa isa’t isa.

Nang makita nila akong nakatingin sa kanila ay pinasadahan nila ako ng tingin. Anong pakelam niyo kung nakapantulog pa rin ako? Binigyan ko sila ng nakakaasar na inis.

“Hello.” Nginusuan ko sila at inirapan naman nila ako. I bit my lip to keep me from laughing. Damn, my hand is shaking. Gusto na ng kamay kong manapak.

Pero hindi nila ako pinansin. Patuloy lang sila sa pagbaba at nagbubulungan ng malakas. I scowled. Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa magazine. Kung sana alam lang ni Jezel na inaahas siya ni Gorg. Hindi ko lang alam kung ano mare-react nito.

“Sinabi ni Benj iyon?” rinig kong boses ni Gorg. Sana napansin ni Jezel ang inis sa tono nito.

“Yes,” ani Jezel. Napatingin ulit ako sa kanila. “May sasabihin daw siya sa akin mamaya. Maybe…maybe he will propose to me.” Jezel giggled. Gusto kong masuka sa pinagsasabi niya. Pero may parte sa aking kinakabahan dahil doon. Ano namang sasabihin ni Benj? Damn, ayokong mag-isip ng kung ano.

“I’m happy for you, besty.” Agad na niyakap ni Gorg. Halos matawa ako sa plastikang ginagawa nila sa isa’t isa. I saw Gorg’s sour face. My god, anong problema ng dalawang ito?

Napailing ako at inalis ang tingin sa kanila. This is stupid. Hindi ko dapat sila binibigyang pansin. Dapat nakatuon lang ako sa gagawin ko mamaya. At ito ay ang pagkuha ng orihinal na papeles na makakapagpalaya sa amin sa puder ni lolo.

**

“Do I need to wear that flower crown?” Tinaasan ko si Gaile ng isang kilay. Bihis na bihis na sila. Gaile  is wearing a white gown na para mong kurtina na pinalupot sa kanya. At may flower crown din siya.

“Jezel liked this theme, cous. Birthday naman niya ngayon, pagbigyan mo na.” ani Lucy. Naka-yellow namang gown si Lucy.

And I am wearing a light pink gown na. Well, wala lang siguro akong alam sa fashion na ganito. Pakiramdam ko talagang parang kurtina lang ito.

When Love Makes A Mistake (Book 2 of WL Trilogy) (ML, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon