Chapter 14

224K 3.2K 235
                                    

14 

 Walang lingon lingon na naglakad ako. Nag bilis ng mga hakbang ko. Ayaw kong maabutan niya ako kasi nakakahiya ang sinabi ko. Para ko na ding inamin na may gusto ako sa kanya.

Anong ‘parang’ Rayne? Inamin mo talaga! Adik ka.

Pero kasi..hindi ko naman yun sinasadyang sabihin. Nagulat lang din ako na sinabi ko yun. Ni hindi nga sumagi sa isip ko na gusto ko na siya. Ang alam ko lang nainis at nabwisit talaga ako kanina sa kanya. Sa pagpansin niya kay Trishia. Sa pag ignore niya sa akin. Nakakainis ang ganun.

Bakit ba kasi yun ang sinabi ko sa kanya? For sure tutuksuhin niya ako dahil sa sinabi ko. Dapat mag alibi ako. Pero ano? Ano ang magiging rason ko sa pagseselos ko? Kaasar naman.

“Oi!” Tapos may biglang umakbay sa akin. Napatingin ako sa kanya. Ang laki ng ngiti niya. Parang nanalo siya ng jackpot sa lotto. Pati sa ngiti niya nabbwisit ako.

“Bitaw nga!” Pilit kong inaalis ang pagkakaakbay niya sa akin pero lalo lang niyang hinihigpitan. Parang niyayakap na niya tuloy ako at pinagtitinginan kami ng mga tao. Nakakahiya kasi parang nag pPDA kami sa gitna ng mall.

“Selosa ka pala?” Sabi pa niyang mukhang amused na amused.

“Manahimik ka.” Singhal ko sa kanya. Tiningnan lang niya ako at ngumiti ulit. Nakakaasar lalo kasi naiinis na ako pero siya ngiti lang ng ngiti.

“Si Trishia…” Sabi pa niya na parang mag eexplain kung kaano ano niya si Trishia. Para namang nagtatanong ako. Para namang interested ako. Para namang may pakialam ako!

“I don’t care!” Singhal ko sa kanya para tumigil na. Hindi ko naman hinihingi ang paliwanag niya. I tried na alisin ulit ang pagkakaakbay niya sa akin pero hidni ko talaga maalis. Ang lakas kumapit ah.

“Si Trishia, girlfriend ko.” Sabi niya ng mahina. Napatigil ako sa paglalakad at biglang napatingin sa kanya. Ang walanghiya! Manloloko! Nanlalaki ang mga mata ko. Gusto ko siyang patayin that very instant. Sinasabi ko na nga bang pinaglalaruan lang ako ng walanghiya. Grrrr.

“Hahaha! I don’t care daw pero parang naiiyak na!” Ako? Naiiyak? Hindi ah! Pag nag iinit ba ang mga mata, naiiyak na kaagad?  Pag ba masikip ang dibdib naiiyak na kaagad? Hindi naman di ba? Ay bwisit!

Tumalikod na ako at nag walkout ulit bago pa tumulo ang luha ko. Ba’t ba..bat ba nasasaktan ako na may girlfriend na siya? Eh ano ngayon?  Alam ko naman na playboy siya ah. Highschool pa lang alam ko ng laro lang sa kanya ang mga babae. Alam ko naman na hindi siya nagseseryoso sa mga babae.

Eh bakit nasasaktan ako ngayon? Nadala ba ako sa panloloko niya? Nagpadala ba ako? Kainis naman. Sinabi ko na dati na hindi ako padadala kay Luke kasi kilala ko siya at alam kong hindi siya seryoso. Eh bakit ngayon naiiyak ako?  Hindi maari! Gusto kong magdabog. Gusto kong magwala dahil sa natuklasan ko.

At ngayon, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ni hindi ko alam kung saan ang sakayan ng taxi pauwi. Bwisit kasing Luke na yun. Promise! Hinding hindi na siya makakaapak sa pamamahay namin.

Nakakita ako ng CR at pumasok ako agad. Pumasok ako sa isang cubicle at doon pinahid ang luha ko na hindi na nakuhang tumulo. Kinalma ko na din ang sarili ko at nag isip kong paano ako makakuwi mag isa. Pinilit kong hindi isipin si Luke kasi nabubwisit ako tuwing naiisip ko siya. Nung kalmado na ako, lumabas na ako ng CR. Pero para akong zombie. Namanhid ata ang buong pagkatao ko. Para akong lutang. Masahol pa ako sa nanakawan at nabudol budol.

Nagulat na lang ako nung may biglang humawak sa kamay ko paglabas ko ng CR tapos nakaakbay na naman siya sa akin.

“Si Trishia, ka orgmate ko sa school. Nothing more. Yung girlfriend, sinabi ko lang yun para makita ang reaksiyon mo.”  Hindi na ako nagpumiglas. Dahil siguro pagod na ako kakawalkout or dahil sa sinabi niya.

“Tara na. Kunin natin ang gamit mo sa Bookstore at umuwi na tayo. Doon tayo mag usap sa bahay niyo.” Sumunod na lang ako sa kanya at kinuha nga namin ang naiwan naming gamit sa Bookstore tapos dumiretso na sa parking. Hawak niya sa isang kamay niya ang mga binili ko at hawak namn ng isang kamay niya ang kamay ko.

Nung kunin namin kanina ang mga gamit, I tried na alisin ang hawak niya sa kamay ko pero ayaw niyang bitawan. Gusto ko lang naman magbitbit kasi ang dami kong pinamili pero ayaw niya. Pinasakay muna niya ako sa kotse tsaka niya nilagay sa likod ang mga pinamili ko.

Sumakay na siya sa kotse at walang salitang pinaandar ito at lumabas na kami sa parking. Hindi din ako nagsasalita.

Napapansin ko din na panay ang tingin niya sa akin tapos ngingiti na parang baliw. O baka naman nag aasume lang ako? Baka hindi ako ang tinitingnan niya kundi ang side mirror sa side ko. Eh bakit siya ngingiti pagkatapos tumingin sa side mirror? Dahil baka  nakita niyang walang mag oovertake?

Adik ka Rayne! Kinakausap mo na ang sarili mo.

“You can try to resist
Try to hide from my kiss
But you know
But you know that you can't fight the moonlight..”

Napatingin ako bigla sa kanya dahil kumanta siya bigla. At naalala ko ang kantang yun. Yun ang kanta nung gabing di ako makatulog kaya binato ko ang player.

Nakangiti lang siya habang nagdadrive tapos kumakanta.

“Can’t fight the moonlight, no… you can’t fight it. It’s gonna get to your heart.”  Tiningnan ko siya ng masama. 

“Tumigil ka nga! Ang bading ng kanta mo!” Sabi ko nung hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Para kasing nang aasar pa siya eh.

“Ikaw naman, selosa!” Napanganga ako sa sinabi niya.   Kumindat siya sa akin. Lalo akong napanganga. Nanlaki pa ata ang mga mata ko.

“Tigilan mo ako Lucas!” Asar na asarna talaga ako. Kanina pa siya. Kanina pa niya ako pinagttripan. Ng dahil lang sa sinabi ko.

Hahampasin ko na sana siya ng hawak kong paper bag nung makita ko na seryoso na ang mukha niya habang nagdadrive. Hindi na siya nakangiti.  Hindi rin siya nakatingin sa akin. Bipolar much?

“Pero ang totoo Rayne, masaya ako.”   

Halikan Kita Dyan Eh! (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon