2%

1.8K 63 3
                                    

2%

There was a saying that no man is an island. Totoo iyon... ngunit may mga tao na nabubuhay lang dahil sa ilegal ang pumatay.

Iyon ang sitwasyon maraming taon na ang nakalilipas.

Ngayon, bawat isang rehistradong mamamayan ay entitled ng lisensya para pumatay nang isang beses sa buhay niya sa kahit na anong paraan at sa kahit na anong dahilan.

Para maging posible at hindi maabuso ang batas na iyon, pinag-igting ng bawat pamahalaan ang census. Ang lahat ng taong hindi dokumentado ay non-existing, therefore, pinapatay. Bukod sa demograpiya, walang hindi sumailalim sa maigting na profiling.

Naging legal ang pagpatay ngunit hindi ibig sabihin niyon ay libre iyon. Bawat mamamayan ay may obligasyong dapat bayaran sa gobyerno bago o pagkatapos niyang gamitin ang one time license to kill. It may be a certain amount or free work force.

Lumipas pa ang ilang taon at muling nirepaso ang mga batas dahil hindi pa rin lahat ng tao ay may sikmura para kumitil ng buhay. Posible nang ipasa sa iba ang lisensya.

Naging daan iyon upang magkaroon ng mga pribadong sekta ng tao: ang mga Assassins at Protectors. Ang mga Assassins ay ahensya na responsable sa pagkitil sa mga buhay ng mga kriminal na nakalusot sa batas. Hindi sila basta lang pumapatay upang ipaghiganti ang kanilang mga kliyente. Nagsasagawa muna sila ng kanilang sariling imbestigasyon.

Ang mga Protectors naman ay siyang mga makabagong Knight na ang tungkulin ay panatilihing buhay ang mga taong nag-entrust sa kanila ng mga license hanggang sa sumapit ang natural na kamatayan ng mga ito.

Those two are promising modern guilds. But that's not the case in terms of money. Hindi lahat ng mga tao ay kayang umupa ng isang Protector o Assassin.

Ang mga walang kakayahang magbayad sa alinman sa dalawang guild ay kumakapit sa Triad. Isang uri ng networking ang Triad. Upang maging miyembro, kinakailangang iinvest sa kanila ang isang lisensya. Pinoprotektahan ng mga senior members ang mga baguhan kapalit ng lisensya.

Ang magandang nakikita ng halos lahat ng miyembro ng Triad ay ang chance para umangat at magkaroon ng kapangyarihang higit pa sa nakakamit ng kahit sinong Protector o Assassin.

Kinakailangang mag-recruit ang miyembro ng Triad upang magkaroon ng higit pang lisensya. At dahil nga sa naipapasa ang lisensya, naibebenta ito.

Rise for power...

Iyon ang tanging nakikita ni Shin na dahilan kung bakit umaligasgas na aalis na ng Assassin's guild si Rise para sumali ng Triad.

"-TINAMAAN SIYA, COMMANDER! ANG GALING TALAGA NG PREDICTIONS MO! WALANG PALYA!"

Ginulo ni Shin ang kanyang pinilakang buhok at inayos ang salamin niya sa mata bago ipinagpatuloy ang pagtatype sa laptop. Wala na siyang balak tumugon sa paghanga sa kanya ng baguhang Assassin na ini-instruct niya para i-apprehend si Rise.

Matagal na niyang alam na magaling siya. Hindi na niya iyon kailangan pang i-confirm nang paulit-ulit dahil hindi naman espesyal ang tingin niya sa mga nagagawa niya. Nagkataong hilig niyang mangolekta ng impormasyon at nagkataong gustong-gusto niya ang mag-calculate sa puntong gumagawa na siya ng mga precise prediction.

H-in-ack ni Shin ang communication line ni Rise kaya hinding-hindi na iyon makakatakas pa. It doesn't matter if Rise would get rid of the device. Kanina pa niya natapos ang predictions niya na may atleast 100 scenario possibilities ng mga gagawin ni Rise at kung saan ito daraan para tumakas.

Sumulyap si Shin sa maliit na video box na nasa gilid ng monitor niya. Kuha iyon mula sa na-hack niyang CCTV na hagip si Rise.

"Oh..." Inayos niya ang kanyang mic. "Luther, humakbang ka ng seven inches, 2 o' clock mula sa kinatatayuan mo pero huwag ngayon... bumilang ka muna ng 13 seconds. Huwag kang magkakamali kundi, malalaman ni Rise na hindi ako ang sumusunod sa kanya."

"Roger!!"

Ipinagpatuloy ni Shin ang paghahack sa wiring system ng building para i-revive ang power supply upang magamit niya. Lumipas na ang labintatlong segundo na namalayan lang niya dahil sa bulalas na naman sa kabilang linya ni Luther dahil may nailagan itong palaso.

Natigilan si Shin nang may maulinigang tunog ng nabasag na salamin. Ilang saglt pa ay may naramdaman siyang matigas na kung ano sa bandang tagiliran niya.

"Magaling ka talaga... Wala akong masabi. Alam na alam mo ang trajectory ng palaso ko. But as expected of you, commander... Wala ka talagang sense of place. Nakalimutan mo ang exterior ng pinaglunggaan mong building."

Zero PercentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon