BNKM - 03

3.8K 86 1
                                    

OLIVER'S POV

MAG-ISANG nagkakape sa dining hall ng resort si Oliver ng maagaw ng isang papasok na babae ang pansin niya. The woman was wearing a floral dress na bahagya lang umabot sa may tuhod nito. Nakapusod ang buhok nito kaya malaya niyang napagmamasdan ang maamo nitong mukha. The lady was very pretty. Simple lang ang ayos nito, katunayan ay wala nga itong make-up pero napakaganda pa rin nito.

Matapos umorder ng pagkain ay nakita niyang naghanap ito ng pwesto na medyo malayo sa karamihan ng mga guest at malapit naman sa sulok na kinaroroonan niya.

Sa halip na ang kape ang pagtuunan niya ng pansin ay nabaling na sa bagong dating na babae ang atensiyon niya. Sigurado siyang kaka-check-in lang nito ngayong araw dahil noon lang niya ito nakita sa resort niya. Lagi siyang nagbababad sa resort niya kaya impossibleng hindi niya makita ang napakagandang dalaga na nasa harap niya ngayon.

Naramdaman marahil nito na may nagmamasid dito kaya ito napatingin sa gawi niya. He instantly gave her one of his sweetest smile. Pero sa halip na ngitian din siya nito ay bahagyang tango lang ang nakuha niya mula rito. Mukhang hindi epektibo ang pagpapa-cute niya sa isang ito.

He watched her eat in silence. Pati pagnguya ng dalaga ay napapansin din niya. Bahagya lang ang pagbuka ng bibig nito at hindi niya masabi kung nasasarapan ito sa mga specialties nila dahil blangko ang ekspresyon ng mukha nito. Then, he noticed na malungkot ang mga mata nito. Hindi naman ito nakasimangot pero tila malungkot ang mga mata nito. Napaisip tuloy siya kung ano ang dahilan ng lungkot na iyon. Siguro ay kaka-break lang nito sa boyfriend nito kaya ito naroroon sa resort niya ay upang paghilumin ang puso nito.

Habang tumatagal na pinagmamasdan niya ang babae, pakiramdam niya ay nagiging pamilyar ito sa kanya. Parang nakita na niya ito dati pa at hindi lang niya matukoy kung saan at kailan.

Ipinilig niya ulo. Bakit ba niya pinagtutuunan ng pansin ang guest nilang ito? It’s so unlike of him.

Pero nang makita niyang tawagin ng babae ang isang waiter nila para marahil kunin ang bill nito ay namalayan na lang niyang agad na nakalapit siya sa mga ito. Maging siya ay nagulat sa inakto ng sarili niya. Pero saka na lang niya pag-iisipan ang bagay na iyon.

“Miss, you don’t have to pay. It’s in the house. I suppose bago ka lang dito? May free meal talaga ang mga bagong dating naming guest dito.”

Of course, it wasn’t true. Paraan lang niya iyon para magkaroon siya ng chance na makausap ang magandang dilag na ito. At habang nakatitig siya sa maamong mukha nito, bumalik na naman ang pakiramdam niyang parang nakita na niya ito noon. Hindi lang siya sigurado. Pero sa halip na kagatin ang sinasabi niya ay naglabas ito ng ilang bills mula sa wallet nito at saka walang sali-salitang umalis sa harap niya.

“Hindi effective ang charm mo, sir,” narinig niyang sabi ng waiter na nasa tabi niya; si Kulas.

“Eh, kung tanggalan kaya kita ng trabaho?!” naiinis na sikmat niya sa trabahante niya. Hindi siya makapaniwalang magagawa siyang deadmahin ng babaeng iyon.

“Si sir naman, parang binibiro lang, eh,” natatawa pa ring saad ng waiter na si Kulas. At sa halip na tuluyang mainis ay nagpasya na lang siyang sundan ang guest nila. Para sa kung anong dahilan, hindi niya rin alam. Siguro dahil iyon sa ini-snub nito ang kagwapuhan niya.

Mabagal na naglalakad sa dalampasigan ang guest nilang iyon samantalang siya naman ay maingat na nagmamanman dito. Nang makita niyang naupo ito sa buhanginan ay nagkubli siya sa puno ng isang mababang niyog.

Kahit nakatalikod sa kanya ang magandang babae na nagsuplada sa kanya kanina ay parang nararamdaman pa rin niya ang lungkot nito. Nakikita niya iyon sa bawat pagbagsak ng balikat nito.

At bago pa man niya maisipang lumapit sa babae ay bumalik na lang siya sa pension house niya kung saan siya naninirahan. His guest wants to be alone kung kaya’t kailangan niyang igalang iyon.

Pero kung magpapakatotoo lang siya sa sarili niya, gusto niyang makilala ang babaeng iyon hindi lang bilang isang simpleng guest sa resort niya. He wants to know kung ano ang dahilan ng lungkot na nababasa niya sa mga mata nito. At gusto rin niyang kumpirrmahin sa sarili kung tama ang kutob niyang hindi iyon ang una nilang pagkikita.

Pagdating sa pension house ay agad na dumiretso siya sa mini bar counter at saka nagsalin ng imported na wine sa isang kopita. After so many years, ngayon na lang ulit ginambala ng isang babae ang buong sistema niya.

Compilation of Best Love Stories [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon