Kabanata 36

7.7K 199 14
                                    

Kabanata 36

Babawiin

Naistatwa ako sa nakikita ko. Hindi ko alam kung anong kilos ang gagawin ko. Nasa harap ko si Papa. Nakatingin sa akin at hindi ako binibigyan ng kahit anong emosyon. He’s just looking directly in my eyes. Na para mong may sinusukat siya sa pagkatao ko. Na parang may hinahanap sa akin.

“Leigh?” Napalunok ako nang tawagin niya ulit ang pangalan ko.

“How…could you?” Nanginig ang pang-ibabang labi ko. I pressed my lips to keep it from trembling. Kumakalabog ang dibdib ko sa bilis ng tibok ng puso ko. Napapikit ako sa emosyong nararamdaman ko. Nagsama-sama ang inis, galit, pagkalungkot, at pangungulila ko sa kanya. Tapos ganito? Ganito na lang tatawagin niya ang pangalan ko? Oo, bumalik na siya pero masakit dahil iniwan niya kami.

“I’m sorry,” aniya. Napahawak ako sa aking bibig nang makita ko ang binigay ng mata niyang lungkot sa akin. Biglang nawasak ang pader na mayroon ang puso sa kanya nang ganoong kadali. “Anak, patawarin mo ako. Patawarin mo ako, Leigh.” And I saw the tears falling down on his face. My father is crying.

Napakagat siya ng labi ng manginig ang labi niya. Biglang bumaba ang kamay kong nasa bibig. Unti-unting umawang ang bibig ko. Sumisikip ang dibdib ko. I felt my chest is rising and falling, slowly. But I didn’t look away from him.

This is my father. How could I be this stone-hearted to him? Naalala ko noong bata pa kami ni Chico. I was always with papa saan man siyang pumunta. Lagi niyang hawak ang maliit kong kamay sa paglalakad namin. He always looked at me and smiled. Bakit ako ganito?

People make mistakes. Walang perpektong tao. At isa si papa sa mga hindi perpektong taong iyon. Kahit ganon man siya, kailangang tanggapin ko rin pa siya. He’s father. I love him. I love them both, mama and papa.

Umalis ako sa mesa. Naglakad ako papunta sa pwesto niya sa may pintuan. Tinitignan ko lang siya at nakita kong naistatwa siya sa ginagawa kong paglakad papunta sa pwesto niya.

“Hindi ko alam gagawin ko. Naduwag ako dahil tama lang siya. Wala akong magagawa para buhayin kayo.” Ani Papa. Napapikit ako sandali at tumuloy pa rin sa paglalakad. Nakarinig ako ng buntong hininga na maaring galing kay Chico o kay Benj. “Pinagtabuyan niya ako. Binantaan niya ako tungkol sa inyo.” A cry escaped from my mouth. Tuluyang hindi ko napigilan ang luha ko nang makarating ako sa pwesto niya.

All the rage I have is worthless now. Nasa harap ko si papa. And this is not his fault, this is lolo’s fault. Everything is lolo’s fault. Pero hindi ko pinangunahan ang galit ko kay lolo dahil sa pangungulilang nararamdaman ko ngayon.

“Patawarin mo ako. Kasala—“ I shook my head. Napatigil si Papa.

“Not your fault.” And I threw my hands on him. Niyakap ko agad si Papa. Humahagulgol  kong niyakap si papa. Ganun din siya sa akin. Binuhat pa niya ako. I felt he kissed my hair. Ganito iyong pakiramdam na yakap mo ang tatay mo. Ilang taon…ilang taong hindi ko siya naramdaman. But now, I felt his love for me—for us. This is my father. Walang anak ang hindi kayang patawarin ang lalaking kayang gawin ang lahat para sa kanila—para sa pamilya. “You’re…back.”

**

Naiwan kaming dalawa ni papa sa kusina. Umalis si Chico at si Benj. Maaring nasa sala silang dalawa. Nalaman kong alam ni Chico na bumalik si papa. May koneksyon si Benj at si papa kaya nalaman ni Chico ito. Nagseselos ako dahil bakit hindi nila sinabi iyon pero siguro iyon lang ang makakabuti sa lahat. At naguguluhan ako kung paano nagkakilala si Benj at si papa. Paano?

“Kamukha mo talaga ang mama mo. Ganyang-ganyan din siya noong nasa edad mo siya.” Napangiti si papa habang sinasabi ito. Umupo siya sa tabi ko. Pinagmasdan ko ang mukha niya. He looked old but strong and handsome and my father.

Hindi ako nagsalita at nagpatuloy lang siya. “I remember you, the little girl, and my princess. Ang liit mo lang dati pero ngayon you’re lady—a lady who deserves to be happy on what she wants.” Pinatong ni Papa ang kamay niya sa kamay kong nasa mesa. Napalunok ako nang pisilin niya ito. “Naalala ko noong gabing umalis ako, natutulog ka. Hawak-hawak mo ‘yong kamay ko at hindi mo pinapakawalan iyon. Tinawag mo ko kahit tulog na tulog ka—kayo ng mama mo at si Densel lang ang nagising sa kilos na ginagawa ko. Tinanong niya ako kung saan ako pupunta at hindi ako makasagot. Hawak mo pa rin ang kamay ko kahit napaupo na ako sa pagkakahiga. Tumayo akong nanatili pa rin ‘yung hawak mo. Nawasak ako lalo nang biglang yakapin ni Densel ang tuhod ko. Tanong siya ng tanong sa akin kung saan ako pupunta. Sabi pa niya…gabi pa, saan daw ako pupunta.” I gasp. I felt pain in every word. Papa closed his eyes and I saw the tears started to fall. Kagat-kagat ko ang aking pang-ibabang labi sa pagpipigil ng iyak. “Hindi ako makasagot, anak. Hindi ako makasagot kay Densel. Hiyang-hiya ako sa inyo.” Napadilat si papa at tumingala. How I wish I can ease the pain. “Dahan-dahan kong inalis ang hawak mo sa akin. Inalis naman ni Densel ang yakap niya sa akin. Napaupo ako at kinausap si Densel. Sinabi kong, siya na ang bahala sa lahat. Alagaan ka niya at si mama mo. ‘Protect Leigh’, I told him.” Tumingin si papa sa akin. “And I left and didn’t turn my back.” Nangatog na ang labi ko at napaiyak na ako sa sakit na naramdaman ni Papa noong umalis siya. “This is because of Lorenzo, sinabi niyang layuan ko kayo. Naduwag ako sa banta niya. I had nothing, Leigh. Walang wala ako. Wala akong maibigay sa inyo. May maibibigay ang lolo mo sa inyo.” Napayukom si papa ng kamay. Nanginginig niya itong niyukom.

Binantaan ni lolo si Papa. Gusto ng tatay ko na nasa mabuti kami. Gusto niya nasa maayos kaming kalagayan. Maaring sinabi ni lolo na walang kompanyang tatanggap sa kanya kung hindi niya kami lalayuan. Hindi mayaman ang pamilyang mayroon ang tatay ko. Kaya wala rin siyang magagawa.

“Pa, I’m sorry. Akala ko iniwan mo lang kami…akala ko—“ Napatakip na naman ako ng bibig. A cry wants to escape from my mouth. Napailing ako. “Sorry.”

“I love you, Densel, and your mother. I love you more than anything in this world.” Papa smiled. Napangiti ako. Walang amang hindi kayang gawin ang lahat para sa pamilya.

Papa also told me he was watching us. Na nandoon siya noong pumunta kami sa bahay ni lolo. Na nandoon siya sa pagluhod ni mama kay lolo. Na nandoon siya noong kaarawan namin ni Chico. Sumisilip lamang siya. At hindi ako nagkamali na nakita ko si papa noong umalis ako at pumuntang NY. Nandoon rin siya sa welcome party ng mga del Rey. Pero ang tanong ko, paano sila nagkakilala ni Benj?

“How about Benj, pa? Paano kayo nagkita?”

Biglang ngumiti si papa sa tanong ko sa kanya.  “The boy…” Papa chuckled. “That boy loves you.” And I blushed.

“Pa!” I scowled. Lalong napatawa si papa sa reaksyon ko. “Pa naman e!”

Napalagay si papa ng kamay niya sa baba. “I had asked him for a help. At hindi siya sa tumanggi dahil sa’yo.”

“Tapos?” Napakunot ako ng noo.

“Para ka talagang mama mo.”

“Pa naman! Sige na sabihin mo na!” Papa chuckled again. “Paano?”

“Ask him. The boy could do anything for you, Leigh. I admire Benj.” Napasimangot ako. Hindi naman niya sinagot ‘yung tanong ko. “But one thing I know, babawiin ko kayo.” 

When Love Makes A Mistake (Book 2 of WL Trilogy) (ML, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon