Chapter 23.2.4

457K 7.7K 388
                                    

I just want to dedicate this part to my web sis SHYNN.  Basta.  Thank you sa lahat-lahat.  Sa suporta at pagmamahal.  Thank you.  Hope to meet you someday.  You're one of the nicest person I've met here in watty.  Love you. mwaaaaah!

********

CHAPTER 23.2.4

 JORDAN's POV (Continuation)

       

Nagpatuloy lang siya sa paghalik sa akin hanggang sa maramdaman ko ang kanyang dila na tila humihingi nang pahintulot na papasukin ko. At ako namang si gaga ay sumobra ang pagpaparaya at hinayaan siyang galugarin ang bibig ko at gan'un din ang ginawa ko sa kanya. Hindi ko naiwasang mapaungol sa sarap at napangiti lang siya sa aking labi. Nakakahiya ka, Jorge!

"You want me to stop?" nanunukso pang tanong niya habang paunti-unting hinahalikan ang palibot ng aking labi.

Nahigit ko lang ang kanyang damit dahil kahit gusto kong isagot na oo ay hindi magawang lumabas sa bibig ko!

"Beg me to kiss you..." Panay pa rin ang maninipis na halik niya! At sobrang bitin na bitin ang pakiramdam ko! Shit!

"N-no~" Masyado pa rin akong lasing sa pag-asang itutuloy niya ang paghalik sa akin habang wala ako sa sariling mahigpit pala ang pagkakahigit ko sa kanyang damit.

"Beg, Jordan..." Oh, no! No! No!

"P-pleaseee..." Oh, no! Malandi ka!

Napangiti lang ulit siya sa aking labi at noon na ulit niya ako hinalikan. Idiniin niya ang kanyang katawan sa akin at ramdam ko rin ang matigas na alaga niya sa aking tiyan ko. Naiisip ko pa lang kung ano 'yun ay nababaliw na ako!

Natigil lang kami sa aming mainit na palitan nang halik nang biglang may magpalakpakan sa ibaba. Ang Finance!

"Tama na muna 'yan, sir! Breakfast na!" Si Sir Martin na abot-tainga pa ang ngiti sa amin. Gusto ko nang lumubog!

Tumango lang si Ty sa kanila at hinila na ako pabalik sa loob. Isip ko'y doon na matatapos ang halikan naming dalawa, pero gayon na lang ang gulat ko nang bigla siyang maghubad ng t-shirt at mabilis na lumapit sa akin para halikan ulit ako.

Hindi ko alam kung papaanong humantong kami sa kama habang patuloy kaming naghahalikan. Pakiramdam ko ay sobrang nangangapal na ang aking labi dahil sa gigil na paghalik niya. At kahit pa parang gusto ko siyang pigilan ay hindi ko na magawa at dalang-dala na ako sa sensasyon. Nang mahipo ko ang katawan niyang nakapatong sa akin ay naramdaman ko ang kanyang init. Para siyang nilalagnat!

"Oh God, I m-missed y-you..." Panay pa rin ang palitan namin nang halik. Nahawakan ko na rin ang lahat ng parte ng kanyang katawan sa sensasyong dala ng kanyang labi. At gan'un na lang din ang gulat ko nang maramdaman ang kamay niyang nakahawak sa aking dibdib! Nahawi na pala niya ang bra ko nang hindi ko namamalayan! "I am so inlove with you, Mahal ko... Still very much in love with you..." Napatitig lang ako sa kanyang mga mata na tila nagsusumamo at nagnanasa.

"T-ty..." Kinagat ko nang mariin ang aking labi habang unti-unti kong nararamdaman ang pagbaba ng kanyang kamay sa loob ng shorts na suot ko.

"As much as I wanted to make love to you right now, Mahal ko... I just don't want you to regret anything." Malalim siyang napabuntong-hininga at mapait na ngumiti. Agad siyang umalis sa pagkakadagan sa akin at naupo sa gilid ng kama.

"Ty?"

"It fucking hurts..." Kinagat niya ang kanyang labi at iiling-iling na bumuntong-hininga. Huh? Ano bang masakit? "Magsuot ka nang maayos na damit at mag-breakfast na tayo," nakangiwi pang sabi niya at parang nakita kong hinapyawan niya nang tingin ang kanyang ibaba. Ohh... Hindi ko tuloy maiwasang makunsensya dahil sobrang lapit na namin. Pero ibibigay ko naman. Anong pumipigil sa kanya?

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon