Chapter 22.2.5

457K 8K 629
                                    

HAPPY NEW YEAR ANGELS AND READERS!

********

CHAPTER 22.2.5

Tyrone

Why can't she just tell me something? I felt that she's jealous and yet, she's stepping back away from me again. Mas gugustuhin ba talaga niyang malayo ako sa kanya? Tapos ngayon nagpapabango pa siya para d'un sa Isaac na 'yun?! Gusto na ba talaga niya ang lalaking 'yun? Fuck. This is giving me a headache!

Nung sumapit ang lunch time, I decided to just take a nap at the sofa. It's quite a tiring week. Gusto ko nang sumuko nang wala sa oras. Pipikit na lang sana ako nang biglang tumunog ang buzzer. Agad kong inabot ang remote sa sofa table at pinindot ang button para magbukas ang pinto.

Agad na bumungad sa akin ang mukha ni Jordan, pero hindi pa rin ako tuminag sa pagkakahiga. Instead, ay itinakip ko ang aking isang braso sa aking mga mata.

"Ipinagdala kita ng lunch," aniya.

"Yeah, thanks," matabang na sagot ko at nagkunwaring walang pakialam. I wonder kung ganito rin ba ang pag-aalagang ginagawa niya d'un sa Isaac na 'yun, kaya kahit anak ay gustung-gusto siya?

"Kainin mo na habang mainit pa." Naramdaman ko ang kanyang paglapit sa kinalalagyan ko, pero hindi ko pa rin inalis ang pagkakatakip ng braso ko sa aking mga mata.

"Later na lang. I just want to take a nap."

Long silence. Ramdam kong nasa gilid ko siya at hindi pa rin umaalis. God, Jordan! How I wish I could just cuddle you.

"Hindi mo kailangang magselos kay Isaac dahil hindi ko naman siya gusto."

Huh? Noon ko na inalis ang pagkakatakip ng braso ko at tiningala ko siya.

"At mas lalong hindi ako nagpapabango para sa kanya." Ngumuso siya at bahagyang umirap. "Kumain ka na. 'Wag kang magpagutom." Tangkang aalis na sana siya, pero mabilis kong hinablot ang kanyang kamay nang may kaunting puwersa at hinila siya paupo sa aking tabi.

Dahil sa puwersang ibinigay ko ay napasandal siya sa aking dibdib at walang pag-aalangan ko siyang niyakap. Hindi ko na rin naiwasang mapangiti at mariin kong kinagat ang aking labi. Damn, Jordan, kung alam mo lang kung gaano mo ako napasaya sa sinabi mo ngayon!

"Uy, ano ba... nangmamanyak ka na naman," nakairap pang sabi niya habang halos isang dangkal lang ang layo ng aming mga mukha.

"Magpapamanyak ka naman, 'di ba?"

"Tss... feeling mo--" I cut her with a kiss!

Sinubukan pa niya akong itulak noong umpisa, pero hindi ko siya binigyan nang pagkakataong makawala. Hawak ko siya nang mahigpit sa batok habang ang isang kamay ko ay nakapaikot sa baywang niya. Kinakabig ko siya mas palapit sa akin and there's no way I am letting her break our kiss!

"Anu—" That's when I dip my tongue to her open mouth and she protested again! But no, Jordan, I've waited three fucking years just to kiss you this way again. I'd never kissed any woman the way I am kissing her right now. Until slowly, she gave up fighting and she responded to my kisses with the same eagerness. I couldn't helped but groaned into her mouth.

The moment we stopped French kissing, we're both gasping for air. Damn. She's making me fucking hot down there.

"I could kiss you all day, Jordan..."

Kinagat lang niya nang mariin ang kanyang mapulang labi at lumayo na sa akin.

"Manyak!" nangingiting sabi niya sabay mabilis na nagtatakbo palapit sa pinto.

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon