CHAPTER 191

2.2M 51K 87.8K
  • Dedicated kay ILaz Ovillo
                                    

MAX'S POV

"ARE YOU okay?" pasigaw kong tanong habang sinisipat ang kabuuan ni Maxrill. Napakainutil ko, hindi ko malaman kung sino sa kanila ni Maxwell ang uunahin.

"Yes, Noona, I am okay. Thank you," gumagaralgal ang boses niya, gano'n talaga kahina ang loob niya. Muntik na siyang makuha sa 'min. "I was so scared, Noona. Who are those people?"

"Did you see their faces?"

"No, they did not removed their masks."

"What did they do to you?"

"Nothing." Ngumuso siya, tila maiiyak na. Ang mga titig niya ay nagsusumbong.

Hindi ko magawang kumalma. Pawang mga nakamaskara ang apat na lalaki. Tanging ang mga mata, butas ng ilong at bibig lang ang makikita. Pare-parehong malalaki ang pangangatawan, nakaitim na faded jeans, itim din at saradong jackets.

Bakit nila ginawa 'to? Natutuliro kong tinanaw ang umuusok nang sasakyan ni Maxwell. Malakas ang kutob kong sinadya nilang gawin 'to, nakaplano. Pero bakit, bakit kami?

Nakaririndi ang papalapit nang papalapit, papalakas nang papalakas na sirena ng mga pulis. Batid kong malapit na sila sa 'min ngunit huli na ang lahat, nakatakas na ang mga salarin. At sa sandaling iyon ay wala akong naisip kundi ang mga kapatid ko.

Sabay kaming tumakbo papalapit sa kotse ni Maxwell, hindi inalintana ang makapal na usok na mabilis na kumalat mula sa kotse nito. Ang unahang bahagi ng sasakyan ang nabangga. Sa sobrang lakas ay hindi kataka-takang umuusok iyon na para bang handa nang sumabog.

"Hyung! Hyung!" palahaw na Maxrill, kaunti na lang ay parang maluluha na. Paulit-ulit niyang kinatok ang bintana ni Maxwell.

Kamalas-malasang pareho naming hindi mabuksan ang pinto. "King ina, Maxwell, buksan mo 'tong pinto!" pasigaw kong utos pero wala akong natanggap na tugon. Gusto kong pagsisihang hindi ko agad siya nilapitan.

Pilit kong hinawi ang mga usok ngunit naghisterya nang makitang nagsisimula nang kumapal ang usok sa loob. Nawalan siya ng malay.

Lalo akong nagmadali, sapilitan at marahas nang binubuksan ang pinto pero bigo pa rin ako.

"Give me your coat," utos ko kay Maxrill, dali-dali siyang sumunod.

Ibinalot ko iyon sa kamao at walang alinlangang binasag ang salamin ng bintana sa likurang upuan. Nang mabuksan ko ang pinto ay siya namang paglapit nina Chairman, agad na tumulong sa 'kin ang mga pulis para mailabas si Maxwell.

"Ma'am, ayos lang ba kayo?" tanong ng pulis pero parang wala akong narinig.

"Take him to the hospital! Now!" bulalas ng Chairman. "Maxpein, Maxrill, let's go!"

Wala akong naririnig sa sandaling iyon. Parang makapal na usok ang humarang sa tainga ko. Tinanaw ko ang kalsadang tinahak papalayo ng van. Wala na iyon sa paningin ko pero parang nakikita ko pa rin ang likurang bahagi niyon.

This is not funny anymore.

Nakakatakot ang nararamdaman kong galit. Para bang anumang oras ay may dahilan akong makapanakit ng tao. Napakahirap ng sitwasyon, kulang kami sa impormasyon pero pare-pareho ang pakiramdam. Hindi ko maintindihan kung bakit nila ginagawa ito sa 'min. Kung totoo mang nalalaman na ng may pakana ang mga hakbang namin, hindi sapat 'yon para umabot kami sa ganitong punto.

HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon