Usapang Lalaki

5.1K 100 45
                                    

Pare, bakit ginaganyan mo lang siya?

Hindi mo ba alam na maraming lalaki ang gustong gusto pormahan siya pero di nila magawa kasi makita pa lang nila yung ngiti niya kapag kasama ka wala na agad silang pag-asa.

Maraming lalaking nagsasabing sana sila nalang yung nakakapagpasaya sakanya. Na sana hindi siya nasasaktan dahil sa ginagawa mo. Maraming iba diyan na hinihintay lang magkalabuan kayo. Nagtataka sila kung bakit yung pinapangarap nila pinapaiyak mo lang. Sinasaktan mo siya imbes na pasiyahin.

Diba minsan mo rin siyang pinangarap? Nasaan na yung pangako mong di mo siya sasaktan, iiwan, pagsasawaan o susukuan? Nasaan na yung pangako mong sinasabi mong FOREVER?

Kung ikaw ba yung nasa kalagayan niya at siya ang gumagawa sa'yo ng mga bagay na 'yan, matutuwa ka ba? Kung nasasaktan ka, naisip mo ba na baka nasasaktan din siya? Na nahihirapan siyang mamili? Na ngayon ka niya pinaka-kailangan kaya lang siguro nagkaganun.

Diba dapat ikaw yung mag comfort sakanya. Naguguluhan siya kasi hindi mo siya binibigyan ng security.

Alam mo yung pakiramdam na mag-isa. Gusto mo bang maranasan niya yun? Ganun ba talaga kataas yung pride mo, para hindi mo siya patawarin? Masaya ka ba na nagmumukha siyang tangang naghahabol sa'yo?

Paano pag hindi siya yung nag first move? Edi wala na agad. Ganun ganun nalang ba yun? Madali lang naman ang isang text, e. Kahit simpleng Goodmorning at Goodnight, pwede na.

Marami siyang dahil para ipatalo ang lahat, pero hindi niya ginagawa kasi mahal ka niya. Wag mong takbuhan, harapin mo siya. Alalahanin mo yung Happy memories. Itatapon mo nalang ba lahat ng yun? Isipin mo yung mga nagawa niya para sa'yo at yung mga nagawa mo para sakanya.

“Mahal mo pa ba siya?” Yan lang naman ang pinaka-tanong. Kasi kung mahal mo, ipaglaban mo. Sana ipaglaban mo. :)

Usapang lalakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon