CHAPTER 13

730K 15.8K 2.4K
                                    

CHAPTER 13

NAALIMPUNGATAN si Creed dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha niya. Painit 'yon ng painit kaya naman bumangon siya at agad na tumingin sa katabi. Nalukot ang mukha niya ng sa halip na makita si Lockett, isang maliit na puting papel ang nakita niya.

Pinulot niya ang puting papel at binasa ang nakasulat doon.

Creed,

Umalis na ako patungong De Luxe Island habang tulog ka. I did not wake you up because you were sleeping peacefully. Please, if you leave my house, close the lights and lock the windows and door.

Your friend, Lockett

P. S. Pakiayos ng kama bago ka umalis.

Napatitig siya sa closing na ginamit nito. Your friend? Magkaibigan nga ba sila?

Sa halip na mag-isip ng kung ano-ano, bumangon siya at naligo sa banyo na nasa loob ng kuwarto ni Lockett. Pagkatapos ay inayos niya ang kama bago tinungo ang sariling unit na nakatapi lang ng tuwalya ng pag-aari rin ni Lockett.

Nang makapagbihis, pinuntahan niya ang kanyang ama sa bahay ng mga ito. It’s Sunday so his parents must be home by now. Pagkarating niya sa bahay ng mga magulang niya, agad siyang pumasok at hinanap ang ama na nakita niya na nakaupo sa gilid ng pool at nagpapa-araw.

"Hey, Dad." Bati niya sa ama at umupo sa katabi nitong lounger.

"Hey, son." Bumaling ito sa kanya. "Why are you here? Akala ko pupunta ka sa birthday ng anak ni Cherry?"

"Mamaya pa yun." Aniya at tumingin sa pool. "Anyway, I came here for a reason."

"Then let me hear the reason."

Humarap siya sa ama na nakatingin sa kanya. "Dad, we both know that I suck at business, that’s why I quit and that’s why you let me, but I want to come back and try it again. But I want Lockett Mendoza to teach me, instead of some strangers."

Tumaas ang kilay ng ama. "And Lockett Mendoza is not a stranger?"

Natigilan siya kapagkuwan ay sumagot din. "Yes, she's not. I actually know her. We're neighbors and we're kind of friends."

"Kailan ka pa nagkaroon ng kaibigan na babae maliban kay Cherry?"

"Matagal na. A month ago."

Mataman siyang tinitigan ng ama pagkatapos ay nagpakawala ng hininga. "Creed, you quit for a reason. At please lang, huwag mong gamitin ang business natin para sa pansariling rason." Tinapik nito ang balikat niya. "Just think of another reason how you can get close to Ms. Mendoza without using our business."

Kumunot ang nuo niya. "Dad, hindi naman ako makikipaglapit sa kanya."

Mahinang tumawa ang ama niya. "Creed, papunta ka palang, pabalik na ako. Kung magsisinungaling ka, huwag sa harapan ko."

Cleevan breaths out. "I just want her to be my friend, like super close friend."

"At ayaw niya?"

Tumango siya.

"Well, there must be a reason why she did not want to be your friend."

Yeah, we had sex. Two times. And friends don’t f*cking do that! "Not that i know of."

Umiling-iling ang ama. "Baka ayaw lang niya talaga. May mga babaeng ayaw talagang makipagkaibigan sa mga lalaki."

"Oh. Okay." Tumayo na siya at nagpaalam. "Sige, Dad, maghahanap pa ako ng regalo para kay Lexxie at Lexxus."

Creed's Lover (COMPLETED) - PUBLISHED under Precious Pages: LIB BARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon