CHAPTER 26: ACQUAINTANCE PARTY

3.1M 84.2K 46.5K
                                    

DEIB'S POV

"CONGRATULATIONS TO Mr. Yakiro Tobi Yanai and Michiko Sil Tarranza! They're the first pair to receive a sash and cash!" anunsyo ni Migz dahilan para maghiyawan at palakpakan ang mga naroon. "Please join me here, guys!"

Nakangiting tumayo at magkahawak-kamay na umakyat sa stage ang dalawa. Naroon at nakahanda naman ang special guest para iabot at isabit ang prizes sa dalawa. Nakangiting nagkamay ang mga naroon sa stage.

"Mr. Yanai is on his fourth year while Ms. Tarranza's on her third year. A very lovely couple! You look good together!" dagdag pa ni Migz na pinasalamatan ng dalawa.

"I will now give the microphone to Mr. Maxwell Laurent del Valle to announce the Face of the Night winners," nakangiting sabi ni Migz na nilapitan naman ni Maxwell. "You may now announce the winners." Panay ang pa-cute at pagtitig niya sa mukha nito.

"Our Face of the Night winners are Mr. Deib Lohr Enrile and Ms. Kimeniah Sirvey Gozon. Congratulations to the both of you," nakangiting sabi ni Maxwell.

Hindi na ako nagulat pero pagtingin ko kay Kim, tulad ng dati parang gulat na gulat pa rin sya. Tch! Hindi na dapat syang magulat dahil sa gabing ito, likod pa lang ay sya na ang pinakamaganda.

Tumayo ako at nakangiting hiningi ang kamay nya.

"Sinabi ko na nga ba sila na naman e."

"Sino pa nga ba? Hahaha! Wala namang makakatalo sa love team nila. Kakilig!"

"Grabe, huhuhu! Sana ganyan rin kagwapo ang prince charming ko."

"Sana rin ganyan kaganda ang magiging prinsesa ko. She looks perfect!"

"No, they look perfect!"

"I'm envious!"

"Me, too!"

Iyon ang mga naririnig kong sabi ng mga tao habang naglalakad kami ni Kim papuntang stage. Wala akong tinignang iba, ngayon ay na kay Kim lang ang paningin ko at hindi ko maalis yun dahil sa sobrang ganda nya.

"Consistent sila, ano? Bagay na bagay, grabe!" salubong samin ni Migz. Pinagitnaan nila kami ni Maxwell. "Sabagay hindi na ako magtataka, parang kayong dalawa na ang nakatakda sa isa't isa."

"Congratulations," nakangiting sabi ni Maxwell sakin.

"Thank you."

"Bago sumayaw ang ating Face of the Night pair, sasayaw muna ang ating apat na winners. Tob and Michiko, kindly join them on the dance floor. Then our special guest will be dancing with Kim."

Nagsigawan ulit yung mga tao. Napanguso ako dahil magkakaroon ng pagkakataon ang Maxwell na ito na isayaw ang prinsesa ko. Pumunta kaming apat sa dance floor at sumayaw.

Now Playing: If You're not the One by Daniel Bedingfield

I never know what the future brings

But I know you're here with me now

We'll make it through

And I hope you are the one

I share my life with

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon