Chapter 9

1.4M 18.8K 5.7K
                                    

Chapter 9

 

Mikay’s POV

“HUY!” Bigla akong tumayo sabay tingin dun sa sumigaw.

(-_-)

Leche.

Si Gino lang pala.

Tawa pa siya ng tawa.

Umupo na ulit ako tapos nagbasa na ko ng mga notes ko.

Free time kasi.

Nandito ako sa may garden, nakaupo mag-isa sa bench, malayo sa ibang students.

Pero di na pala ako mag-isa ngayon.

“So….Ano na naman yang binabasa mo? Biography ko?”

Psh. Feelingero na naman siya!

Di na lang ako nagsalita…

“Teka. Pasensya nga pala kahapon ah. Di kita naihatid. May iniisip lang kasi ako”

 

 

“Wow! Marunong ka palang mag-isip. Bakit hindi mo gamitin yan sa mga quizzes and seatworks mo para hindi ako yung napapagalitan ng mama mo? Bwisit ka! Bakit bagsak ka na naman?”

Napatayo pa ko sa galit.

Kahit si Ms. Alex, kinausap ako kanina.

Bakit daw ganun grades ni Gino?

Aba! Bakit ba lahat sakin sinisisi?

“Psh. Parang yun lang eh….”

 

“Parang yun lang? Gino naman! Napapagod na ko eh! Turo ako ng turo sayo tapos wala pa lang kwenta yun! Fine! Maggi-give up na ko! Maghanap ka na ng mas magaling na tutor kasi mukhang wala akong kwenta eh”

Kinuha ko na yung mga gamit ko pero pinigilan niya ko.

Nakipaghilahan pa siya ng bag. (-_-)

“Gino! Bag ko yan!!”

 

“Tsk! Bitaw Mikay!”

 

I'm his TUTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon