Chapter 80: Isandaan (Last Chapter)

2.2K 21 12
                                    

Chapter 80: Isandaan (Last Chapter)


Hindi ko alam bakit siya nandoon at bigla siyang tinamaan ng bala.


"M – marion..." pautal na sabi ni Elanie habang humahakbang paatras..


Sa pagkakataong 'yun, tumakbo kami ni Johan papalapit kay Marion upang tingnan ang lagay nito.


"B – bakit mo ginawa 'yun???" tanong ko rito..


"D – diba sabi ko.. s – sa'yo na babalikan kita.." mahinang sabi nito habang hawak ang kanang balikat nito..


"H – hindi ko sinasadya.. Ma – marion.." sabi ni Elanie..


Hindi nito inakala na si Marion ang tatamaan ng bala na para sa akin. Binitawan nito ang baril sa harapan niya at tumakbo pabalik sa kagubatan.


"Stay here, baby. Hihingi ako ng tulong para madala si Marion sa hospital." sabi ni Johan..


Tumango ako. Nagsimula ng tumakbo papalayo si Johan. Hindi ko alam pero sobra sobra ang sakripisyo ni Marion sa akin. Hinawakan ko ang kamay nito at.


"Pakatatag ka, Marion. Kailangan natin mabuhay pareho." mahinang sabi nito..


"Na – nagawa ko na ang dapat kong gawin.." sabay ubo nito..


"S – salamat sa lahat... hindi ko alam kung paano kita papasalamatan sa lahat ng sakripisyo mo para sa akin."


"H – hindi mo kailangan magpasalamat... Makita lang kitang ligtas at maayos, masaya na ako." sabay ngiti nito..


Nagsimulang tumulo ang mga luha ko ng nakita ko sa mga mata nito ang saya na sinasabi niya. Na kahit pa mapahamak mismo ang sarili niya ay gagawin nito maligtas lang ako. Hindi ko alam kung bakit ganon na lang ang pag-alala at pagmamahal nito sa akin. Hindi ko alam. Ang tanging alam at tumatakbo lang sa isip ko ay kailangan niyang mabuhay. Kailangan pareho kaming mabubuhay.


Ilang minuto lang ang lumipas ay may dumating na mga pulis at ambulansya, sinuyod ng mga pulis ang kabilang parte ng kagubatan. Sinakay si Marion sa stretcher at umupo kami sa tabi nito.


Habang nagbibyahe papunta sa hospital, mas bumibilis ang tibok ng puso ko, kinakabahan ako. Nahawak ako sa kamay ni Marion habang nakahiga ito at nakasuot ng takip sa ilong na dinadaluyan ng oxygen.


"How many minutes it will take bago tayo dumating sa hospital?" tanong ni Johan..


"5-10 minutes sir ang pinakamabilis at malapit na hospital." sagot ng rescuer..


Hinigpitan ni Marion ang kapit sa kamay ko, dahilan para mapatingin ako sa kanya. Inalis nito ang takip sa ilong nito.

One Hundred Days (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon