Prince and Me Chapter 12

141 3 0
                                    

Nakakaasar ang isang to ah! excited na excited pa naman ako ng makita ko siya. Alam mo yung feeling na tuwang tuwa ka dahil nakita mo na ulit ang taong miss na miss mo na tapos bigla na lang kung anu-ano ang mga sinasabi niya sayo?! 

Anak ng tupa naman oh! Ano bang topak ang sumanib sa lalaking yan?! 

Hindi nagpaparamdam ng ilang araw! Well ok amindao ako na di rin ako nag text dahil sa nadelete ko number niya pero siya rin naman ah di niya ko tinetext?! Tapos sasabihin niyang boyfriend ko si Gerome?! Tapos sisisraan niya si Gerome?! Pero ako naman di ko sinisiraan yung childhood friend niya na nililigawan niya na ngayon! 

Nakakaasar!! 

Daniel - Wait Kath, let's talk!

Kath - tsaka mo na ko kausapin pag nasa matinong pagiisip ka na!

Daniel - I’m jealous…

Kath - a-ano ulit yun?

Daniel - s-sabi ko nag seselos ako. Nung makita kong magkasama kayo nung kaibigan mo akala ko talaga boyfriend mo na siya. Parang may sumaksak saakin na kung ano because of that thought.

Kath - b-bakit..

Daniel - Kath, , I’m really sorry but I think I—I –f-fall in love with you. Hindi ko napigilan ang sarili ko na magkagusto sayo. Lagi na lang kitang hinahanap, lagi kitang gustong makita. I’m really sorry. Don’t worry, I promise na walang magbabago, best friends parin tayo. S-sana wag ka rin magbago ng pakikitungo saakin ha? Oo nga pala, sorry kung di kita na tetext. I lost my phone.

Hindi parin ako sumagot kay Daniel at nakatulala lang ako while trying to figure out all the things he had said. 

 Daniel - s-sorry ulit. Una na ako..

Agad agad ko namang hinabol si Daniel at hinawakan ko ang braso niya.

Kath - wait! S-sorry din kung di ako nag tetext… binura ko kasi ang number mo..

Daniel - huh? Bakit?

Kath - nakita ko kasi kayo nung friend mo sa sports center at ang sweet niyong dalawa... nag selos ako.

Daniel - ha? eh bat ka naman— uhmm Kath pakiulit ang sinabi mo..

Kath - s-sabi ko nag s-seselos ako.

Daniel - n-nag seselos ka? I-ibig sabihin…?

Kath -oo ibig sabihin g-gusto din kita…

And starting that day, Daniel courted me. 

Madaming nagsasabi saakin noon na sagutin ko na si Daniel at wag ko ng patagalin dahil mahal ko din naman daw siya. Syempre ako naman muntik-muntikanan naring bumigay agad dahil masyadong pigil na pigil narin ang ka-kiligan ko sa lalaking ito. Pero syempre, si Daniel ang magiging first boyfriend ko. Gusto kong maging memorable ang bawat araw na dumadaan saamin. Gusto ko munang maramdaman ang pagmamahal niya. 

Halos isang buwan ng nanliligaw saakin ngayon si Daniel.

"Prince and Me" - KahtNielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon