CHAPTER 07: Lenard

36.9K 772 67
                                    


WALA 'TO SA BOOK. UNNECESSARY.

____________________________________

ROD 

AAAARRGGGHHHH! Asan na ba si Chloe? Alas-dyis na ng gabi, wala pa rin siya! May pasok pa kami bukas!

Nang nabanggit ko ang tungkol kay Lenard ay hindi na niya ko inimik. Hindi dahil sa galit kundi dahil sa gulat. Of course she will be surprised. Tapos nagpaalam siya sa'kin na lalabas lang sila nina Veronica, Michelle, and Barbie. Dianne's at province.

Pero 10:00 na! Hindi pa rin sila umuuwi!

Tapos kapag tine-text ko ang palaging reply uuwi na raw siya. Eh, asan siya? Hindi pa rin umuuwi! Hindi ko nga alam kung san sila pumunta, eh!

Chloeeeee! Asan ka na bang babaita ka?!

Uy, may nag-text! Si Anjela 'yung bida sa You Are My Favorite Gangster, 'yung bagong pag-ibig ni Basty na ex ni Chloe. Si Anjela, 'yung rival ng kapatid ko noong Highschool sa From The Start. Galing mag-promote. Lupet.

|HOY ROD MARTINEZ! 'Yung magaling mong asawa na ex ng mahal ko andito sa bar namin sa Morato, lasing na lasing! Bilisan mo bago pa mabuntis ng ibang lalaki to!|

What the fvck?!

Agad akong nagbihis at nag-drive papunta sa bar nina Anjela! Ah, sht! Sa taas pa nga pala ng condo 'yung bar nila! Wala akong nagawa kundi pindutin ang pinakamataas na floor dito sa elevator.

May text ulit...

|HOY ANO BA?! BILISAN MO NGA! Andito rin yung lalaki ni Dianne ba to? Basta! Hindi na mapigilan asawa mo! Nagsasayaw na sila ng mga kasama niya!|

Sheeeeet!

Mas nagmadali ako. Pumasok kaagad ako sa Emperatris bar. Tss! Takteng dami namin tao dito! Nilalapitan pa ko ng mga lintik na malalanding babaeng 'to! Ayoko nga sa kanila. Si Chloe lang gusto ko. Asan na ba si Chloe?

Pagtingin ko sa medyo kalagitnaan ay nakita ko si Anjela kaya gad ko siyang nilapitan.

"Hoy, mister! Andu'n sila sa counter bar! Bilisan mo!" pambungad niya.

Tumakbo kaagad ako du'n at nakita ko nga silang nakaupo at nanonood sa flairing ng bartender. 

"Shayaw naman tayooooo!" hirit ni Veronica.

"Tara, shayaaaaaaw! Magaling akong shumayaaaaw!" hirit naman nitong si Chloe. Mapipingot ko talaga sa tainga 'tong Chloe ko, eh! Napakapasaway!

Tatayo na sana sila pero pinigilan ko. "Chloe!"

Napatingin silang lahat sa'kin. Lumapit ako sa kanila at tinignan nang masama si Chloe.

"Holoooooo! You're sho lagot sha hushband mo mooooooo hohoho!" panunkso ni Barbie na halatang lasing na rin.

"Hi, Honeeeeeeeyyyyy!" masayang sabi ni Chloe bago lumapit sa'kin at tumingkayad para yakapin ako sa leeg. "Siya ang honey ko! Hihihi. Ashawa ko po sha! Shweeeeeet at romantic at matalino! Nyehehehehe. Haylabyuuuuuuu, Ashawa koooooooo!" at pinaghahalikan niya ko sa mukha.

"Chloe, let's go home."

"Eeeehhh! Honeeeeyy! Nag-eenjoy pa koooo!"

"Tss. 'Wag nang makulit. Kayong tatlo, tinawagan ko na mga Kuya niya. Pagdating nila uwi na lahat."

"Opo, tataaaay!" sabay-sabay nilang sinagot kaya napiling na lang ako.

Hindi na rin naman nagtagal at dumating na rin ang mga kapatid nila. 

MIR 2: My Sweetest Downfall [PUBLISHED UNDER POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon