FH 33:

33K 855 33
                                    

…………………………………………………………………

#Unedited

FH: 33

Pyne checked every department, muntikan niya na ngang malimutan ang mag-lunch, kung hindi pa nagreklamo ang kanyang assistant, sa office na rin siya kumain, pagod ang katawan niya para lumabas pa. The I will make myself busy continue after lunch, pero hindi naman niya natanggihan ang invitation ni Newton pagdating ng dinner.

“What’s bothering you?” after dinner, nagpunta sila sa park, naupo sila sa isang bench doon, marami silang memories sa lugar na yon, doon sila madalas mag-isip ng mga kalokohan noong bata sila. Sinusuri siya ng mga mata ni Newton, tiyak nya na hindi ito maniniwala kapag sinabi niyang wala. Nakokonsensya siya dahil wala siyang sinasabi dito, pakiramdam niya kasi dapat ipaalam niya dito ang nangyayari between her and Luke, when Luke appeared in her house, yung nangyari kagabi, at ang plano niya na kalimutan na ito.

“Si Luke-“ umpisa niya.

“He brought you home last night, may ginawa ba siyang hindi maganda?” bakas ang pag-aalala sa boses nito. She forgot about that, kasama niya nga pala noon si Newton, if it was Luke who brought her home , si Newton naman ay---

“You let him?” naguguluhang tanong niya dito, the last time she checked, sabi ni Newton na kapag nakita nito si Luke ay masasaktan nito ito sa ginawa sa kanya, kaya hindi niya ma-gets kung bakit nito hinayaan na si Luke ang mag-uwi sa kanya,  pero base nga pala sa pagkakatanda niya, umalis siya ng di nagpapaalam dito.

“I  was about to follow you, but his friends stop, sabi nila, bakit ko pipigilan ang isang desperate husband to talk to his wife, tsk, desperate my ass,” tinugga nito ang beer in can na hawak, bumuga pa ito ng hangin bago muling nagsalita,” I was desperate too, desperate to tell them what happened to you when your jerked of a husband left you, sa bagay , wala sila doon eh, hindi nila yun nakita, pero hindi sapat yun.”

“Newton,” tawag niya dito para kumalma, “Sorry,” hindi niya alam kung para talaga saan ang sorry na niya dito, pero one thing is sure, nagsosorry siya dahil kailangang makihati ni Newton sa pain na nararamdaman niya, masyado kasi siyang dumepende dito kaya naman, ganito ito ngayon, at sa nangyari sa kanila kahapon, binigo niya ito.

Paano niya na lamang yun sasabihin?

Newton will be very disappointed, sasabihin nito na hindi niya napanindigan ang pag momove on na sinabi niya dito,  hindi na justify ang bukambibig niya na “ he is bad for me.’

“Pero ano nga ba talagang magagawa ko? Wala naman akong karapatan, I’m just a friend.” Tumingin ito sa kanyang mga mata when he said those last four words.

And Pyne can see his pain, hindi siya bulag ngayon para hindi makita ang sakit sa mga mata nito, sakit na masyadong pamilyar sa kanya.

That’s how she felt towards Luke.

Masakit kapag hindi ka mahal nang taong mahal mo. Masakit kapag wala kang magawa, masakit kapag alam mong hanggang doon ka lang at hindi na pwedeng lumampas pa.

“I love you, hindi mo pa rin ba yun maramdaman?” he sincerely said, paano ba sila nauwi dito, hindi niya  kanyang I reject si Newton, hindi niya kayang gawin ang ginawa ni Luke sa kanya…

Pero hindi niya rin kayang paasahin ito sa isang napaka importanteng bagay, kaya naman nanatili siyang walang imik habang nakatingin dito.

“Don’t cry, nakakaiyak ba ang sinabi ko? Hindi ko naman sinasabi na mahalin mo rin ako, gusto ko lang sabihin kasi napakabigat na…pakiramdam ko aatakihin na ako sa sakit sa puso kapag hindi ko sinabi sa iyo,” pinahid nito ang kanyang luha, hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya habang nakatingin dito.

“Sorry,” she muttered

“Sorry, accepted, “finally Newton smile, he pulled her for a hug, hindi siay tumaggi, kasi kahit nagtapat na ito… hindi siya nakakaramdam ng malisya sa pagkakayakap nila na ito. Kahit na may confession na naganap, she feels that Newton will always be her Isaac Newton, her own law of motion…

Yung magtatayo sa kanya kapag natumba siya, yung magpupunas ng kanyang luha, yung kahit nasaktan niya lumalapit pa rin sa kanya.

Sana lang, hindi pa ito magsawa…kasi alam niya sa sarili niya kailangan niya pa ito.

How selfish of me.

……………………………………………………………………………

“Good evening!” napawi ang ngiti sa labi ni Luke ng mabuksan si Pyne, kasama si Newton,  samantalang gulat naman ang reaksyon ni Pyne na makita ang asawa sa kanyang bahay.

“What are you doing here?!”

“Ganyan ba talaga lagi ang pangwelcome mo sa akin?” straight face na sabi nito, iritado din itong nakatingin sa kanya lalo na sa kanyang katabi, tumabi ito para makapasok siya, tinignan niya si Newton na nasa pinrtuan pa rin.

“I cooked dinner, kain na tayo, kanina pa kita hinihintay,” bumaling ito sa kanya.

“Kumain na ako sa labas, kasama si Newton,”  sagot niya dito,  nakahalukipkip ito at napalunok,

“Ganoon ba, okey you should rest alam kong pagod ka pa-“ ngumisi pa ito sa sinabi, bigla namang bumalik sa kanyang ala-ala ang mga kamunduhan nila kahapon, bumaling siya kay Newton.

“Salamat sa paghatid, you can go, masyado na akong abala sayo,” ngumiti siya kay Newton, ngumiti rin ito pabalik sa kanya, masaya si Pyne dahil ganoon pa rin ang turingan nila, walang nabuong pader.

“You know you will always be on top of my list, “binigyan nito ng makahulugang tingin si Luke na nakakakunot ang noo.

“Okay,”

“You don’t have to do that, ako na ang gagawa niyon,” sabat ni Luke, may diin ang bawat salita , he may be too late, pero hindi naman ganoon kahuli.

He hope so.

“Why can’t I?” napalipat tuloy ang tingin ni Pyne kay Newton, di pa kai siya nakakarecover sa sinabi ni Luke. He never admitted to anyone the idea of him being her husband, or her as his wife.

This is the first time, kaya sobrang bago sa pandinig.

“Why can’t you?”  matigas na tanong ni Luke sa nakangisi na si Newton, lumakad ito palapit sa pwesto ni Pyne, he grab her hand, pinisil nito iyon habang nakatingin sa kanyang mga mata.

Newton is sending him signals.

“Being her boyfriend, hindi ba’t karapatan ko naman talaga iyon? Right girlfriend?”

“What?! Girlfriend?” bulalas nito habang nanlalaki ang mata na nakatingin sa kanilang dalawa,”Nababaliw ka na ba? I am her husband!”

“Are you sure? Maaring kasal pa rin kayo, pero pwede naming ayusin yun, Pyne can always file the annulment papers, kahit bukas na bukas rin, diba Pyne?” lumingon ito, napatango na lamang si Pyne habang nakatingin kay Newton , kaya naman nagulat na lang sila ng hawak na ni Luke sa kwelyo si Newton. Nanggigil ito sag alit.

“Siraulo ka ba!”  akmang susuntukin nito si Newton ng biglang humarang si Pyne, hindi niya hahayaan na magsuntukan ang dalawa, lalo na at sa bahay niya pa…

“Pwede ba umalis ka na!”saway ni Pyne kay Luke. Matalim itong tumingin sa kanya, wala siyang pakealam kung masaktan man ito dahil pinagtutulakan niya, ayaw niya rin naman na magkasakitan  ang dalawa.

“Aalis ako kung aalis din siya,” turo nit okay Newton, na imbes na magalit ay mukhang natutuwa pa, bagay na nakakadagdag sa inis ni Luke.

“Good night, pahinga ka na,” bumaling si Newton sa kanya, bakas ng pag-aalala ang mukha ni Pyne, nauna lumabas sa pinto si Luke, muli pang pinisil ang kamay niya, pinapawi ang kanyang pag-aalala…

“I got this, hindi pa kami magpapatayan…pasasayahin ka pa nya,” and when the door close…mas naging malinaw ang mensahe ni Newton para sa kanya…

“Thank you Newton,” sabi niya kahit hindi na nadinig nito dahil nagsara na ang pinto.

…………………………………………………………………

 

FOOLED HEARTS  (BMO side story)/completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon