23. Nag iinit sayo

597 24 3
                                    

Chapter Twenty Three


Halos mabingi ako sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Binuka ko ang bibig ko pero walang kung ano mang salita ang lumabas mula dito. Para akong napipi. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin.

Halo halong emosyon ang naramdaman ko. Nakaramdam ako ng saya, takot at pangamba. Ang ibig bang sabihin ay mahal na din ako ni Taeyeon? Gusto niya na din ako ng katulad ng pagkagusto ko sa kanya? Ganun ba?


But what about Minah? Wala na ba sila? At yung nangyari kagabi. I wanted to know everything. Kung bakit siya umiyak kagabi. Kung anong problema niya. At kung anong relasyon ang meron kami ngayon ngunit hindi ko magawa. Wala akong makapa na salita para maisatinig yung mga tanong sa isip ko. Sa huli ay tinitigan ko lang si Taeyeon. Hinayaan ko lang siya sa gusto niyang gawin.

Hinigit niya ako palabas ng kusina patungo sa sarili kong silid. Tulala ako at tahimik na pinagmamasdan siya. Si Taeyeon na ngayon ay malaki ang pagkakangisi. Pumunta siya sa walk-in closet namin ni Seo at naghanap ng damit doon. Nang tumigil siya at bumalik sa harapan ko ay nakita kong may dala dala na siyang long sleeve top na may butas sa gilid ng balikat hanggang braso at itim na skinny jeans. Kumunot ang noo ko habang tinititigan ito.

"Anong gagawin ko dyan?"

Unti unting nabura ang ngiti niya. Nag igting ang bagang niya at inilahad ito sa akin.

"Isusuot mo Tiffany. Lalabas tayo." Seryosong sambit niya.

Kumunot ang noo ko.

"Hindi winter Taeyeon. Ayoko ng pants." Sabi ko.

Mukha siyang nainsulto sa sinabi ko. Kumuyom ang panga niya at nag alab ang mga mata sa galit.

"Isusuot mo o ako mismo ang magsusuot sayo?" May pagbabanta sa boses na saad niya.

Napasinghap ako. Tinitigan ko siya at pinagtaasan ng kilay. Hindi ko maintindihan kung anong problema niya.

"Okay na kasi ako sa shorts! Bakit kailangan pa ng pants?"

Tumikhim siya at sumimangot.


"Ba't ba ang kulit mo? Sinabi ng mag pants ka!" Iritadong sambit niya.

"E sinabi ng ayoko! Ano bang problema mo sa shorts?" Napapangiwi na ako sa kawalang kwenta ng pinagtatalunan namin. Hindi ko alam kung anong problema niya sa shorts samantalang hindi naman siya ang magsusuot!


"Nakikita ang legs mo Tiffany kaya ayoko! Ayokong may ibang tumitingin sa binti mo! Naiinis ako!" Halos umusok na yung tenga niya sa sobrang inis.

Napanganga ako. Pakiramdam ko tumigil sa pagtibok ang puso ko sa sinabi niya. Nag init ang pisngi ko. Tinitigan ko siya ng di makapaniwala. Kunot ang kanyang noo at halos mapunit na ang gwapong mukha sa pagsimangot. Para siyang bata na magwawala kapag hindi napagbigyan ang gusto.

Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pag ngiti. Darnn Taeyeon. Bakit mo ba ginagawa ito? Imbes na makaahon ay lalo akong nalulubog sa nararamdaman ko para sa kanya. May nagliparang mga kung ano sa loob ng sikmura ko habang pinagmamasdan siya.


Ang gwapo niya kahit mukha siyang galit!

"E ano naman kung may ibang tumitingin? Anong problema dun at bakit ka naiinis?" Hindi ko alam pero nasisiyahan ako sa ginagawang pang aasar sa kanya. Because damn! His expression is so priceless.


He gritted his teeth. Kitang kita ko din ang unti unting pagpula ng dalawang tenga niya. Lalong nag alab sa galit ang mga mata niya.

"Bakit ba ang dami mong tanong? Ayokong may ibang tumitingin sayo Tiffany. Dahil natatakot ako na baka pag nahuli ko silang tinitignan ka ay hindi ko na mapigil ang sarili ko sa pagtali sayo!" Napasabunot siya sa buhok niya habang bumibigkas ng iilang mura.

SNSD House BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon