Kabanata 43

1.4M 37.4K 25.1K
                                    

Kabanata 43

There Is No One Else

Nakatulugan ko ang pag iisip ng irereply kay Ysmael. Nagising na lang ako nang maingay na tumunog ulit ang aking cellphone. Napamura ako at kinapa ko iyon. Hindi pa nakadilat ay agad nang sinagot.

"Hello?" Narinig ko si Wella sa kabilang linya. Maingay ang kanyang background. Halos ilayo ko ang cellphone ko sa aking tainga dahil sa narinig na ingay.

"Wella? Bakit?" Kinusot ko ang mata ko.

"Ang sabi ni Stan ay pupunta ka raw ng gig nila ngayon. Asan ka na? Malapit nang magsimula."

"Huh?" Napaupo ako sa kama. May sinabi ba akong ganon? Ngayon ba iyong gig nila na inanyayaan ako ni Wella?

"Meg naman... Sige na, ah? Kumpleto kami. Ikaw na lang ang kulang! Please!" Mabilis niya namang pinatay ang tawag dahil nalulunod ang kanyang boses sa ingay sa background.

Tumayo ako at binuksan ang ilaw ng madilim kong kwarto. Tumunog muli ang cellphone ko kaya matalim ko itong tinitigan. Iniisip kong si Wella na naman ang tumatawag at manghihikayat sa pagsama ko ngunit nagkakamali ako. Pangalan ni Everlyse ang naroon.

"What?" Salubong ko.

"What are you doing? Patungo na kami ni Carlos sa inyo. We'll fetch you. Punta tayo sa gig nina Stan. Di mo pa ulit sila naririnig simula nong nabuo sila, diba?" She asked.

Tumikhim ako. "Maliligo pa ako, magbibihis, kakain. Mauna na kayo. Susunod ako. I can drive."

"Oh no... Maghihintay na lang kami sa sala niyo. Wag ka nang magdala ng sasakyan kasi aksaya ka lang ng gas."

"Pero-"

"Bye na. Malapit na kami! Maligo ka na!" Humalik pa siya bago pinutol ang linya.

Umiling ako at dumiretso na lang sa bathroom para makaligo at makapag ayos. Pagkatapos kong suotin ang isang simpleng itim na dress at black wedge ay bumaba na ako sa sala. Inisip kong gumawa na lang ng salad dahil iyon ang madaling kainin. Kailangan kong kumain muna dahil ramdam ko na ang gutom sa aking tiyan.

"Hi, pretty!" Ngiti ni Everlyse dahil naroon na sila ni Carlos sa sala. Nilingon nila akong pareho.

"Gawa muna ako ng salad. Kain tayo?" Yaya ko.

Umiling si Carlos nang tiningnan siya ni Everlyse. "Kakakain lang kasi namin. Alam mo naman, pag nandyan si mommy ay busog kaming lahat."

Tumango ako at nilagay ang matching black purse ko sa mesa bago dumiretso ng kitchen. Kumuha ako ng iilang lettuce, pineapple slices, olive, cheese, dressing at pinaghalu halo na lang. Umupo ako sa counter pagkatapos punahin ni manang ang pagkakatayo ko.

"Hindi ka ba magdidinner ng maayos? May ulam naman akong niluto. Ayain mo rin sina Everlyse at yong boyfriend niya."

"Nagmamadali ako manang, e. Tsaka ito lang muna. Diet ako." Kumindat ako sa kanya at ngumiti.

Tumunog ang cellphone ko at nakitang tumatawag na si mommy. Huminga ako ng malalim at sinagot. Kinwento ko sa kanya ang pag alis namin ngayon para sa gig nina Stan.

"Alright, Georgianne. And then you tell me if it was a good gig, okay?" Ani mommy.

"Yes, my."

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon