Previous Page of 3Next Page

Uupo ka pa ba?

spinner.gif

Pasa, sugat, at galos. Hindi ba matitigil ang mga ganitong araw?  

Ako si Lovi C. Antique 12 years old grade 6 student. Bullies, sila ang pinaka ayaw kong mameet simula nung ako ay nag elementary. Sinubukan kong iwasan sila pero wala eh. Ako pa rin, hindi pa rin ako nakatakas sa kanila. Lagi akong tinatanong ni mommy, kung saan nanggagaling ang mga pasa, sugat at mga galos na nakukuwa ko araw araw. May time pa na sumugod siya sa eskwelahan at na suspend yung mga bullies. Pero makalipas ng isang linggo bumalik pa rin sa dati. Minsan napa isip ko bakit kaya ako ang favorite target nila, may nagawa ba akong mali?

( in school )

Habang nag sasalita at nag tuturo si teacher tim, may pinasa ang katabi ko na isang papel. Ang sabi pagkatapos kong basahin ipasa ko daw ulit.

Sabi sa isang kamag aral na dating nag aaral sa eskwelahan na ito, kakaiba daw ang upuan na nasa gilid ng locker natin sa clasroom. Pag mamay ari daw iyon ng isang mamamatay tao, at ginamit yang upuan na iyan para sa pag torture sa mga estudyante dito. Kada isang linggo may nawawala daw noon, ang suspect ng pagkawala ng mga bata ay PE teacher na si Mr. Miran. Nagpakamatay na rin siya after na nahuli siya ng pulis na baliw siya nung namatay ang  asawa niyang si Carmel. Dahil sa tindi ng pag kaka apekto nito kay Mr. Miran lagi niyang binubug bog ang anak niyang si Lilia, sa upuan na iyon laging umiiyak at pinipigilan ang sakit na nararamdaman ni Lilia noong binubugbog siya ng kanyang itay. At ito rin ang dulot ng pag kamatay ni Lilia, hampas, palo, suntok at sabunot ng kanyan itay ang pumatay sa kanya at sa upuan na iyon siya ay naka upo nung siya ay namatay.

Ayon sa mga sabi sabi kung sino ang ma uupo sa upuan na iyon ay masasaktan ng lubusan pisikal man o mentally, aksidente man o hindi. At ang pinaka masama na mangyayari sa iyo mamatay. Lahat na mang bubully at mananakit ng kapwa estudyante ay uupo bilang parusa.

Ipasa niyo ito sa iba-

Lumabas sa isipan ko ang mga nang bully sa akin, sina Adie, karlo, Bek, Ebby at si Jason. Paano kaya kung sila ang umupo sana sila nga para mamatay na sila. Thank you sa mga sakit na ibinigay nila at yung buhay ko ay sirang sira.

Hindi ko napansin na masisilayan na sa mukha ko ang ngiti ng isang tao na gustong gumanti at pumatay, tipo na matatakot ka at malalaman mo ang masamang intetion ko. Lagi na lang ako na aapi kaya nararapat lang sa kanila iyon lagi na lang ako mag isa at ng dahil kila Jason lagi akong mag isa sa klase at si Andrea lang ang tanging kaibigan ko!

( Hapon uwian na namin )

Habang nag liniligpit ko ang mga gamit ko kasabay sa paglilinis ko sa buong classroom, pumasok bigla ang class president namin kasama ang iba pang class representative.

Class pres: Lovi eto ang mga nanakit sa iyo hindi ba! O may kulang pa?

Nakita ko sila Jason, Ebby, Karlo, Bek at Adie natatakot ako sa kanila dahil sa tuwing makikita nila ako lagi nila akong sinasaktan hindi ako makapag salita nung nakita ko silang nakatali at sinasabunutan umiiyak na parang mga inosente. Grrrrr!! Naiinis ako ngayon nag ba bait baitan sila dahil natatakot sila nakakainis talaga sila.

Class pres: Hindi ka makapag salita dahil sa natatakot ka sa kanila, I'll take that as a yes. Danny pa upuin sila sa upuan na iyon, sila ang gagawin nating tester tignan natin kung totoo ang mga sabi sabi na sinabi saatin nung isang araw nung matanda.

Bullies: Wag! Wag po! Lovi sorry na hindi namin sinasadya yun! Hindi ka na namin guguluhin pa kahit kailan hindi na kami mag papakita sa harap mo promise! Patawarin mo na kami!!

Nanonood ako nakikita ko kung paano sila nag mamaka awa tulad ng ginawa ko, pa ulit ulit ko rin sinabi ang mga salitang iyon sa kanila habang umiiyak nakiki usap na wag na nila ako pilitin at saktan. Pero tinigilan ba nila ako? Hindi di ba, bakit ako maaawa sa kanila? hindi nga sila na awa sa akin. Dapat lang saka nila yun!

Previous Page of 3Next Page

Comments & Reviews (67)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended