Chapter 2: OMG!

333K 5.5K 849
                                    

CHAPTER 2: OMG!

"Lance, sa tabi ka ni Sharlot o kung gusto mo ay sa tabi ka na lang ni Gail." Napairap ako dahil sa sinabing iyon ng teacher namin. Lalo pa akong napairap nang tumigil sa paglalakad si Lance sa tabi ko. Great! Mukhang sa akin pa yata siya makikitabi!

"Ah," parang amused pa ito ngayon habang nakatingin siya sa akin. "Ikaw yung babae kahapon." Sabi nito saka umupo sa tabi ko.

"Sharlot? Nice name." Sabi pa niya. Lokong 'to! Itapon ko kaya siya sa pacific ocean?

"You're not allowed to call me Sharlot. Miyuki, Miyuki ang pangalan ko."

"Japanese?" Tanong pa niya.

"Half."

"I see." Hindi na niya ako kinausap pagkatapos niyon. At kung kausapin man niya ako ay hindi na ako sasagot.

Hinintay kong matapos ang subject namin para makapagrecess na. Inaabangan ko lagi ang recess dahil tuwing breaktime ko lang naman nakakasama si Jake.

Agad ko siyang nakita sa canteen. Masyado siyang nag i-stand out at isa pa ay nasa usual spot naman kasi siya.

"Hey." Nakangiti kong bati sa kanya.

"Binilhan na kita ng gusto mo." Nakangiti niyang inabot sa akin ang chocolate.

"Thanks."

"Yung transfer student ba-"

"He's weird, I don't like him." Umirap ako dahil naalala ko na naman ang sinabi ni Lance kanina.

"Oh... g-good then." Sabi nito saka siya ngumiti sa akin. Yang ngiting 'yan pa naman ang dahilan kung bakit ko siya gusting-gusto. "Hindi ka naman pinapahirapan ng mga kaklase mo?"

"Nope, not at all."

"Anong nakain mo? English ka yata nang English ngayon?" takang tanong niya.

"Nakakahawa kasi yung transferee, nakakainis siya dahil tinabihan pa niya ako pwede namang kay Gail siya tumabi. Do you get my point? ANg nakakaasar pa ay sinabi niya sa lahat na may hinalikan ka raw na iba." Halatang nagulat siya sa sinabi ko "Hindi naman totoo, diba?" kinakabahan ako. Kinakabahan ako sa pwede nitong isagot.

"Yun kasi ano... Miyuki bigla kasi niya akong hinila." Halos malaglag yata ang panga ko dahil sa sinabi niyang iyon. Totoo nga?

"Bakit ka pumayag? Nakakainis!" Dali-dali akong tumayo at umalis sa canteen. Nakakainis siya! Kahit pa hinila siya, dapat hindi siya bumigay! Hindi ba pwedeng layuan na lang niya ang mga babaeng iyon at mag-concentrate na lang siyang magbasketball tutal doon naman siya magaling!

"Wait lang, Miyuki!" Mas binilisan ko pa ang paglalakad hanggang sa napansin kong parehas na kaming tumatakbo ngayon. Wala na akong pakialam kung pagtinginan nila kami ngayon. Wala na akong pakialam kasi sirang-sira naman na ako sa school na ito.

Hindi ba kasi niya naisip ang pwede kong maramdaman?

Pawis na pawis akong nakarating sa rooftop. Agad ko itong isinara para hindi na niya ako masundan pa. At least dito lagi akong mag-isa. At least dito ay makakapag-isip ako ng tama.

"Miyuki!" Ilang beses nitong kinatok ang pintuan pero hindi ako nagpapatinag. "Miyuki! Nabigla lang naman ako kanina. Hindi ko naman inaasahan iyon!"

"Pakialam ko? Dapat umiiwas ka pa rin sa babae! O kaya dapat kanina mo pa sinabi sa akin para hindi ko nalalaman sa iba!"

"Open it please. Hon naman."

"Yada! Yada!"

"Iyan ka na naman sa mga hindi ko naiintindihan, e. Open it!"

Sadist Lover (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon