Chapter 26

9.9K 165 22
                                    

ZAIRA

Inayos ko muna ang sarili ko paggising ko. Kakatapos ko lang na mag-breast feed kay Lexus kaya pinatulog ko muna siya. Dumiretso naman kaagad ako sa kuwarto ni Larzene. I sighed, hard. It's been two months since Xander went for DVG's company extension in Germany.

Hindi siya nagkulang -- despite of his very hectic schedule, he still tries his best to communicate with us -- specially went it comes to our kids. Gabi-gabi kasi na nangungulila si Larzene kay Hub kaya umiiyak siya kapag hindi niya nakakausap si Hub kapag gabi na. She would sometimes go to me and say -- "Mommy, I can't contact Dad. He didn't love us anymore?"

She was still in her adjustment stage up until now and as a mother, I would try my best to comfort my daughter in the best way I can para kahit papaano ay mabawasan rin ang pangungulila niya kay Xander.

"Baby...wake up," I calmly said to her as I caressed her cheek.

She rubs her eyes first and kissed me on the cheek. "Is Dad home?"

I patted her head and kissed it. "Time to eat your breakfast, baby. Get up, get up." Tumayo siya mula sa kama at niyakap ako. "Get ready for school."

Inilalayan ko siyang bumaba mula sa kama at dali-dali naman niyang isinuot ang kaniyang tsinelas na may rabbit na design. Sabay na kaming bumaba at halos tumakbo siya dahil naaamoy na rin niya ang masarap na pagkain na nakahanda sa hapag.

"Good-morning, yaya!" bati niya kay Yaya Miel niya.

"Na'ko ang alaga ko, ang bilis tumangkad, a!" puri niya kay Larzene kaya napangiti ako -- siguro, pagdating ng panahon, mahihigitan din ni Larzene ang tangkad ko. "Good-morning ho, Ma'am!"

Nakangiti akong tumango at ibinigay sa kanya si Larzene para asikasuhin na ito. Sinigurado ko munang kumakain na si Larzene bago ako pumunta sa kusina para ihanda ang kaniyang babaunin sa araw na ito. Tutal, may pagka-vegetarian si Larzene ay nag-handa ako ng salad para sa snack niya habang ang lunch naman niya ay Barbecue Baked Beans -- one of her favorites.

"Manang Claire?"

"Ano po 'yon, Ma'am?"

Ibinigay ko sa kanya ang baon ni Larzene. "Paki-ayos nalang ho." Hinigusan ko na ang kamay ko at pinunasan ito. "At saka, Manang, pakilabas na rin ang water bottle ni Larzene."

"Masusunod po, Ma'am." Tumango nalang ako at sinamahan ang anak ko sa pagkain.

Tumabi ako sa kanya at nakangiting tinitignan siya. "How was it, Baby?"

"You're the best, Mommy! It's delicious."

Pinunasan ko ang sauce na nasa gilid ng labi niya at ngumiti. "Don't talk while your mouth is full," payo ko sa kaniya.

Humagikhik naman siya at ipinagpatuloy ang pagkain. Kung nandito siguro si Hub, kanina pa sila nagtatawanan at nagkukulitan dito sa kainan at ako naman ang sumusaway sa kanila. Ang lungkot lang isipin na malayo siya sa amin at hindi namin magagawa 'yon.

Alam ko namang pang-samantala lang ito pero, alam niyo 'yong pakiramdam na walang babati sa 'yong: 'good-morning, Wife' tuwing umaga at 'good-night, Wife,' tuwing gabi naman. Nakaka-miss at nangungulila ako sa mga panahon na 'yon -- mabuti nalang at medyo busy ako ngayong panahon na ito dahil ang dumagsa na naman ang offers at endorsements ko. I might as well as keep myself busy.

TAPOS na ring magbihis si Larzene kaya inayos ko na rin muna ang uniform niya at inayos ang medyo nagulo niyang buhok -- and for the last touch, I putted a ribbon clip on her side of her hair. "You're so beautiful," I praised her.

She kissed my cheek and hugged me. Kinuha ko na ang bag ko mula sa higaan niya at tinignan ko muna si Lexus, at mahimbing pa rin siyang naututulog. Sinara ko ulit ang nursery room at hinawakan na ang kamay ng anak ko para bumaba na kami.

PLMAILY 2: Loving You Forever (The Architects Series #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon