EPILOGUE

60.2K 800 49
                                    

EPILOGUE

Nakatayo ako ngayon sa harapan ng puntod ng kapatid ko. Naaalala ko pa noong umalis silang dalawa ni Aldrin. Masaya ako para sakanila. Masaya ako na naging masaya ang kapatid ko. Masaya ako na kahit alam ni Aldrin na hindi na magtatagal ang kapatid ko ay pinanindigan pa rin niya ito.

Ang sabi saakin ni Aldrin ay namatay ang kapatid ko dalawang araw pagkatapos niyang manganak.

Masaya ako na kahit na nawala ang kapatid ko ay iniwanan naman niya kami ng isang napakagandang anghel. Kapareho niya itong ngumiti. Kapareho niya ito noong bata pa kami. Kung gaano siya kakulit at kung paano siya magsalita.

Hindi ako nagsisi na tinulungan ko silang makaalis noong araw na iyon. Hindi lang talaga bagay ang kapatid ko kay Raymond. Hindi mabuti ang taong iyon. Kumikita siya ng pera gamit ang maling paraan. Iniisip ko palang na sila ang magkakatuluyan ng kapatid ko ay naiinis na ako.

Mabuti nalang din at nakaalis na noon sina Lena at Aldrin dahil nagkagulo na pagkatapos.

Umupo ako sa damuhan at tinanggal ang mga dahon na nagkalat ngayon sa puntod niya.

"Mukhang late yata ang asawa mo. Hindi pa nakapaglinis. Masyado siyang hands-on dad. May contest kasi ngayon si Ellie. Dumaan nga ako doon kanina para sabihan siya ng goodluck. Ang ganda-ganda niya. Alam mo ba yun?"

Kailan ko lang nalaman ang tunkol kina Aldrin. Hindi ko alam na bumalik na pala siya dito saamin kasama ang anak nila. Ilang taon ko rin siyang hindi nakita at ginulat nalang niya ako tungkol sa anak nila. Nagkataon lang talaga na noong nawala si Lena ay nasa ibang bansa kaming lahat.

"Walong taon kayong hindi nagparamdam kaya naman nagtatampo na ako. Akala ko kinalimutan mo na ako. Pasalamat ka nakita ko yung sulat na iniwan mo sa harap ng pintuan natin noon. Very clever Lena. Paano nalang kung hindi ko napansin yun? Dapat kasi nagpakita ka nalang."

Para na akong ewan dito ngayon dahil kinakausap ko ang puntod niya. Huwag lang sana niya akong multuhin. Kilala ko pa naman ugali niya. Masyado siyang mahilig sa mga surpresa. "Huwag mo akong multuhin ah. Late pa naman uuwi si Mark mamaya."

"Alam mo ba, may birthday gift ako sayo. Galing kasi ako kanina sa OB ko. Guess what Lena? Kambal ang ipinagbubuntis ko." Naiiyak ako bigla. Naaalala ko nanaman kasi ang pagtatagong ginawa nila sa kapatid ko noon. Napakastupid nilang lahat. "Pangako, hindi ko sila gagayahin. Tatratuhin ko sila ng parehas katulad ng ginusto natin noon. Yung walang favoritism. Tapos palalakihin ko sila na dapat mamahalin nila ang isa't-isa katulad ng mayroon tayong dalawa. I may not be a perfect sister but least I was a good sister back then. Huwag ka nang umangal. Pinagbigyan kita sa lahat ng kalokohan mo noon."

"Lady, bakit ka naman nandito? Akala ko ba may appointement ka ngayon sa---" He's still a fine man, Lena.

"Bawal na bang daanan ang kapatid ko?"

"TITA! Second place lang ako. Hindi ko nakuha yung first place. Birthday gift ko pa naman sana kay mama."

"That's okay. Lagi namang may iba pang chance, hindi ba? Next time give it your best shot, okay?" Tumabi siya saakin at saka niya ako niyakap. Para ko na ring niyayakap ang kapatid ko.

"Dahan-dahan lang. Buntis ang tita mo."

"Opo!" Hindi ko akalain na kaya ni Aldrin na palakihin mag-isa ang anak nila. Hindi ko inexpect na sobrang responsable niyang ama. Mahirap magpalaki ng bata lalo pa't wala na si Lena sa tabi niya. Saludo ako sakanya.

"Alam mo ba mommy, may handaan sa bahay ngayon. Surprise namin iyon saiyo. Sabi kasi ni daddy gusto mo raw ng maraming pagkain. Ah! Birthday din ni tita ngayon kaya surprise na rin iyon ni tito Mark sakanya. Daming fooood! Nakita ko kanina bago kami pumunta dito." Napatingin nalang ako kay Aldrin na ngayon ay parang natatawa dahil sa anak niya. Hindi na isang supresa ang pinaghahandaan nila. "Mommy gift ko saiyo 'tong medal ko at saka-saka itong picture! Dinikit ko yung picture ko sa picture mo noong bata ka pa. Mommy! Magkamukha tayo." Nakangiting tumingin saakin si Ellie at saka ako tinanong. "Magkamukha rin ba tayo tita? Kasi kamukha mo si mommy ko. Ganyan din ba mukha ko kapag lumaki na ako?"

Nakangiting tumango ako sakanya saka muling ibinaling ang tingin ko kay Aldrin. Nakangiti pa rin siya ngayon habang nakatingin sa anak niya. Masaya siya. Natutuwa ako dahil masaya siya at walang halong pagsisisi sa naging desisyon niya noon.

"Tara na? Kasama pa naman tayo sa surprise para kay tita Lady mo."

"Waaah! Oo nga po pala." Agad siyang tumayo at inilapag ang litratong sinasabi niya kanina kasama ang isa pang litrato nilang tatlo. Litrato na kung saan hawak-hawak ni Lena ang anak niyang si Ellie at katabi naman niya ang asawa niyang si Aldrin. Ang saya nilang tignan.

Tumayo na rin ako at nagpaalam sa kapatid ko.

"Bantayan mo kami lagi ah. Huwag ka lang manakot, okay?"

-THE END-

Picture of You (season 1 and 2) (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon