Three words, Eight letters, Say it and I'm Yours [33]

229K 2.4K 479
                                    

Now a published book under Summit Media. Php 175.00. English. Available in all bookstores nationwide. :) If you love COUREANS, GIANELS and BRANDED LOVERS then do grab a copy! 

CHAPTER 33

CHANEL'S POV

Oh my gosh! Si Kean. Nagcollapse! Anong nangyari dito?!

"ECHEL! RENALYN! MARRA! Call the D.O! Pakisabi bilisan at magpatawag ng ambulance! Ang taas taas ng lagnat ni Kean! BILISAN NIYO!"

Nataranta na din sila! Tumakbo agad sila papalabas, ako naman hinawakan ko si Kean tapos ginising ko siya. Nagising naman.

"KEAN! WHAT HAPPENED!?"

"Wag mo akong sigawan. Hindi ako bingi. -__-"

ANAK NG! Ang pilosopo talaga ng lalaking yun nakakaasar ha!

"Oo na nga. -__- Halika na nga dito!"

"HOY! Saan mo ako dadalhin?! Nasan na sina Echel?! Hindi porket mahina ako ngayon pwede mo ng abusuhin.. Fiancee pa lang kita. Maghintay ka naman na ikasal tayo."

*PAAAAK* Ayan. Nabatukan ko! Oops. O___O Masakit nga pala ang ulo! PEACE! ^____^V E kasi naman po! Ang green ng isip!

"Sabi ko halika dito sa upuan! Peste ka ang hot mo. I mean ang init mo! Ang taas ng lagnat mo!" Pagkasabi ko nun, JUSKO PO! Ang laki ng ngiti! Nakakaasar ee!

"Sus. Baby naman, sabihin mo lang na nahohot-an ka sa akin. alam ko naman"

Kung wala lang itong sakit nabatukan ko na siya ulit. Bigla na naman niya hinawakan ang ulo niya at naubob. haay. Sumasakit na naman ang ulo niya! Nakakaloka! O___O Tapos bigla bigla siyang nagchills!

"Kean?? KEAN?? HOI! Wag mo akong biruin! KEAN!" nakapikit kasi siya tapos nakahiga siya sa sahig. Tapos nagchichills. Mamamatay na ba siya?? T___T Wag naman. Ako ang kasama. Baka makulong ako!

Sa sobrang taranta, lahat na ng machine na naglalabas ng hangin pinatay ko! Kahit hindi bukas inalis ko ang saksak! Aircon. electricfan, pati pamaypay tinago ko sa ilalim ng table! ANG ADIK KO! X)Tapos.. Humanap ako ng cloth. Kahit anong cloth na! Kaya kinuha ko yung puting cloth na nasa tabi. Mukha namang malinis kasi puti pa naman siya, e kung madumi e di BROWN na? Ai basta! Kelangan ko maalis ang lamig ni Kean!

So ayun, itinaklob ko sakanya yung nakita kong kumot. Grabe! Ako na ata ang pinakamabait na fiancee sa buong.. Buong kanto namin. Hehehe! Joke. So yun nga, dahil sa mabait ako. Ginawa ko yung cover para matapos ang chills ni Kean. Ako din ang nagtayo sa kanya at pinaupo siya sa upuan! Kanina lang nasa upuan to ee. Likot! Prang uod!

"A.. A.. A.. CHOOOOOOOOOOO!"

Analakas namang achoo yun! Parang tatalsik ako ah! Grabe naman makaachoo si Kean! Sinisipon naman siya ngayun??! Andami niya sakit! T.T sakitin ang fiancee ko. Kawawa ako. Pag tingin ko kay Kean. Umaygulay! Anong nangyayari?! Mageevolve na ba siya tulad ng mga napapanuod kong pokemon?? Bakit.. Bakit.. Waaah! Bakit siya namumula at.. Andaming spots?! Yuck. Joke! ;P

"Kean? Hoi. Kean! Bakit ganan??"

"Courts *scratch scratch* allergic ako sa pusa!"

"Eh wala naman akong binigay sayo na pusa, wala naman ako narinig na nagme--"

*Meooooow*


Anak ng! Biglang may nagmeow! Tingin ako kung asan ang pusa.. At Viola! Nandoon siya, naguunat unat pa ang loko.. Nasa.. O___O part kung saan ko kinuha yung puting cloth. Siguro nahiga ang pusa doon. Ano ba naman ito?! Wala na ba akong imamalas?! Kanina iyak ako ng iyak! Ngayon naman.. Kalokaaa! Pagtingin ko kay Kean andami na spots! Para ng dalmatian!

[PUBLISHED BOOK] Three words, Eight letters, Say it and I'm YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon