Previous Page of 2Next Page

School Trouble

spinner.gif

 

School Trouble

Prologue

 

May bago akong kwento. Ang bida sintu-sinto.

 

Hindi.. Biro lang. Pero malapit na siya dun! Ang babaeng hindi pa nagkakaroon nang boyfriend pero kung makaclaim na broken hearted siya eh bongga. Nasa junior year na siya at hawak niya pa rin ang pwesto para sa unang karangalan sa school nila. Ang consistent honor student nagalit sa mga subject na kailangan nang maraming numbers with the combination of letters. Ang babaeng walang kahihiyan at kung minsan ay sadyang tatanga nga lang kaya napapahamak. Ang babaeng magkakaroon nang “We Had The Right Love At The Wrong Time” na relationship status. Siya nga ang bida natin, pumapasok siya sa Sapphire Blue High at Demi ang pangalan niya :)

At since may bida na tayo dapat may dream boy siya.. At ang lalakeng pinapangarap niya? Si Troy~ Ang kanyang puppy love. Chaarooot! Si Troy na gwapo? Si Troy na pag ngumiti  “Oh My God. Kunin Niyo Na Po Ako!”? Si Troy na kahit 50 meters ang layo sa kanya eh naamoy niya? Si Troy na gabi-gabi niyang hinihiling pag sumasapit ang 11:11? Okay. Tinatanong ko kayo kahit alam kong hindi niyo siya kilala pero OO siya ang Troy na tinutukoy ko. Siya ang dream boy ni Demi. Dream boy lang, lalaking pinapangarap at forever crush niya (Iba pa kasi ang leading man). Naudlot ang kanilang love story eh.. Ito kasing si lalake nagmigrate patungong ibang bansa. Ayan tuloy.. naging heart broken si Demi :) Feeling kasi nang bruha nating bida eh naging sila, kaya nung umalis si lalake eh parang nagbreak nga sila kahit di naman.

At kung may dream boy.. may stalker! Hahaha. Stalker ni Demi? Si Oreo short for Gregorio. Ang masugid niyang manliligaw mula sa section F nang SB High. Kasabwat pa sa araw araw na pangbubwisit ni Oreo kay Demi ang bestfriend nitong si Luigi.

At dahil napaguusapan na rin lang ang bestfriend..

Sa SB High din pumapasok ang lukaret niyang bestfriends na si Anya at Bree. Si Anya na mahilig sa fashion at kung anu-anong kaartehan. Takbuhan pag naauubusan na ng idea ang class kung anong magandang gawin sa classroom nila na basura ang mukha pag si Demi ang nagdesign. Si Bree na ang puso naman ay para sa pagsasayaw, pag-arte at Chemistry. Isama mo na rin pala ang Geometry. Simpleng babae na takbuhan nina Anya at Demi pag tuyo na ang utak nila sa kakasagot sa mga assignments nila about sa Geometry.

At kung may bestfriends.. Syempre dapat may kontrabida- si Liamme. Ang Queen BEE-tch nang SB High na wala ng ibang ginawa kung hindi mang abuso nang mga nagmamahal sa kanya at sirain ang kaligayahan ni Demi. Yun lang yun. Ang dakilang President ng Sapphire Blue Angels~

Hindi ko na iintroduce ang kanyang mga dakilang alalay dahil ayoko kayong mapagod na magbasa. Okay ba? Now let’s proceed.

Aside from the BFFs may friends pa tayong iba! Ang bekimon na si Herbie at ang kaututang dila nito na si Shana. Ang magiging kakampi nila sa mga laban laban sa mga tunay na kontrabida.

Present din ang ate ni Demi na si Twinkle na nalilink naman sa Kuya ni Bree na si Nathan!

At since may lalake nang papasok .. ipapakilala ko na rin si Mico na bunso sa family nina Demi. Ang cute na cute na si Mico na mabubwisit kay Rye na mukhang malilink sa kaaway niyang na si Cady. Marahil nagtataka kayo kung bakit kaaway na nga niya ay nagagalit pa siya kasi nalilink sa iba? Simple lang, secret crush kasi niya si Cady. Si Cady na pinsan ni Forrest.

Sino naman si Forrest? Si Forrest ang supladong ubod nang gwapo na transferee mula sa Xavier High. Ang lalakeng pag ngumiti eh para ka na ring nakakita nang anghel mula sa langit. Atheltic at sadyang magaling kahit pa sa Academic. Pero may past na gusting kalimutan~

Siguro nagtataka kayo kung bakit binebenta ko si Forrest. Dapat niyo siyang mahalin kasi siya ang love interest nang bruhang si Demi :) Si Forrest Romero na mahilig sa ball games, music, at pizza. Ang gwapong si Forrest na posibleng makadistract sa masayang buhay nang bidang si Demi. Ang lalakeng gugulo sa tahimik na buhay nang mga kababaihan ng SB High. Ang lalakeng labis na nasaktan dahil sa kanyang unang pag-ibig. Si Forrest Romero, ang leader ng Sapphire Blue Angels. Si Forrest~ ang lalakeng magpapaibig sa inyo :P

Previous Page of 2Next Page

Comments & Reviews (33)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Cast

Julia Montesas Demi/ Denise Muriel
Daniel Padillaas Forrest Romero

Recommended

Chess Board (with Chapter 5.1)The ANGEL and the DEVIL~.... Rain ....Stop! Playing God. (ON HOLD)