21: Okay lang ako

110K 731 15
                                    

Para nga pala kay sweetgoodbye ang chapter na to, ang bait nya kasi e. haha nag PM sya sakin na sobrang ikinatuwa ko, ang babaw ko ba? haha basta salamat sa mga nagbabasa, mahal ko kayow :))

PREVIEW:

"Don't worry, OK lang ako.." sabi ko sabay end call sa tawag, bakit ko ginawa yun? simple lang, nasasaktan ako.

Chapter 21: Okay lang ako

Gab's POV


"Gab ano ready ka na?" Tanong ni Lex. After two months ngayon na lang ulit kami  tutugtog kaya medyo kabado lahat.

"Oo naman!" Sa totoo lang ang lakas ng kaba ko, pakiramdam ko magku-collapse na ko maya maya lang.

"Ah Gab! Kamusta? Galit ka pa ba kay Kinah?" Tanong ni Nico. Aysus! Ako magagalit sa best-girl-friend ko? No way!

"Of course not! Matitiis ko ba ‘yun?" Ngumiti naman si Nico dahil sa sagot ko.

"I knew it! Oh paano tara na?" Yaya nya. Inabot nya sakin ang kamay nya, agad ko namang kinuha yun at sabay na kaming naglakad.

"Tara!" Sabi ko, nasa backstage na kami ng bar at ilang minuto na lang ay tutugtog na kami. 5 songs lang ang kakantahin namin ngayon, 3 dun ang depende sa request ng guest.

Tinawag na kami ng manager ng bar kaya naman lumabas na kami, medyo madaming tao kaya mas maganda tumugtog, madami kasing tenga na makikinig.

Nagumpisa na kaming tumugtog, nung una ayos naman e, masaya kasi napapasaya namin yung mga guest, pero bigla akong nawala sa wisyo ng may mapansin akong lalake sa isang table.

Gulat na gulat ako ng makita ko si Mike na nakatitig sakin. Anong ginagawa nya dito? Saka sino ang kasama nya? Muntik pa akong masintunado nung nakita ko sya. Ewan ko ba! Parang may iba sa titig nya e, parang kakaiba talaga.

Ang hindi ko alam, mas lalo pala akong magugulat sa makikita ko. Si Mike may katabing babae, nakapulupot sakanya, habang sya nakatitig sakin na parang nagsasabi na tignan mo ko at magselos ka.

Unti unti ko ng nararamdaman ang mga luha sa pisngi ko pero pinipilit ko pa ding pigilan ‘yun, ang sakit e! Nasa pangalawang mesa kasi sila mula sa. kinatatayuan ko kaya kitang kita ko sila. Mike bakit ba ang lupit lupit mo saken?

Huling kanta na, sana walang magrequest ng love song kasi alam kong tutulo na ang luha ko anumang oras. God give me grace! Sana hindi love song ang irequest, please?

Iniabot na sakin ni Nico ang papel na may laman ng request song, nanghina bigla ang tuhod ko nung mabasa ko ang nakasulat.

OKAY LANG AKO

Sung by parokya ni edgar

Bakit naman ito pa? Sakto ka e! Saktong sakto ka! May kasama pang note yung papel at sabi dun basahin ko daw bago ko kantahin yung song.

Napalunok ako bigla, lumingon ako sa direksyon ni Nico na nasa gilid ko, mukhang nahulaan nya kung ano ang ibig kong sabihin kaya tinanguan nya ko, tumango naman ako para sabihing umpisahan na naming.

"Ladies and gentlemen there's a girl who wants to dedicate this song for her man" I said in a very low voice.

Narinig ko ang mga hiyawan ng tao, sinasabi nilang ang galing ko, sinasabi nilang idol nila ako. Ang sabi ko ngingiti ako pero ang hirap palang ngumiti kapag nasasaktan ka.

Bed Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon