DARE(FIN)

1.4K 24 10
                                    

**

Ilang araw din ang lumipas. At walang Tom Hizon na bumalik para sa akin. Ano pa nga ba ang hinihintay ko? AYAW NA NIYA AKO MAKITA. Masakit man pero ganoon nga siguro talaga. Ito na ang karma ko sa lahat ng pinaggagawa ko.

Ilang gabi na akong umiiyak. Mula ng iwan ako ni Tom sa parking lot, mula ng sabihin niya lahat ng masasakit na salitang iyon. Hanggang ngayon nanlulumo parin ako. Siguro kung hindi dumating si JC para sunduin ako eh…malamang doon na ako tumira.

Hindi na ako nakabalik sa bahay ni Tom, ditto na ako sa bahay namin ni Seb iniuwi. Katapos nun, kinabukasan pinadala ni Tom lahat ng gamit ko pabalik. Pati yung mga Hello Kitty. Sabog sabog na tuloy sa kwarto ko. Wala naman akong gana ayusin. Gusto ko lang umiyak at umiyak.

Ang sakit. Ang sakit sakit parin. Parang may kung anong nakabara sa puso ko. Parang may kung anong nagpapahirap sa akin huminga. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nasasaktan ako ng sobra. Ang sakit talaga. Kailan ba matatapos to? Pagod na ako.

*KNOCK KNOCK*

“Justine, nasa loob kaba?”

“Oo…” pumasok na si Seb may dala siyang tray ng pagkain. Wala naman akong gana eh. Hinahanap hanap ko yung luto ni Tom.

Nilapag niya sa tabi ng kama yung tray saka umupo sa tabi ko. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.

“Justine..ano bang problema?” tanong niya sa akin habang pinupunasan ang mga luha ko.

“Seb…paano ba makalimot?”

“Paglimot. I don’t believe in that Justine. Maaring may araw na hindi mo ito maiisip pero darating at darating parin yung araw na maalala mo ito.”

“Eh Seb masakit na talaga..Ayaw ko na.” napahilig na lang ako sa braso niya. Ayaw ko na Makita niyang hindi ko mapigilan umiyak. Alam kong nag-aalala na din siya.

“Hindi matatapos ang sakit sa paglimot Justine, kung gusto mo mawala ang sakit puntahan mo yung nakakasakit sayo. Ayusin mo kung ano ang maayos. Kung hahayaan mo lang yan lalong sasakit yan. Sabi nga nila never leave a wound open it will get infected.”

“Seb naman eh, wala namang ganung kasabihan.”TT___TT

“Hehe. Ano kaba pinapatawa lang kita.” Niyakap ako ng mahigpit ni Seb.

“Ganito pala magmahal no? Naiintindihan ko na kayo ni Hipon. Pakisabi sakanya sorry.”

“Hay! Sinabi mo pa, Sige sasabihin ko. Tumahan kana.” Hinalikan ako sa pisngi ni Seb at inayos yung pagkain sa Tray. “Kainin mo to. Katapos matulog kana. Ipahinga mo nayan.”

Lumabas na ng kwarto si Seb pagkatapos. Wala parin talaga akong gana kumain. Itinabi ko na lang yung tray. Saka humiga na. Hindi rin ako makatulog, gusto kong katabi si Tom. Miss na miss ko na siya. Gusto ko yakap niya ako uli. Nilabas ko yung cellphone ko at kinausap si Talking Tom.

“Miss na kita.”

Miss na kita.

“Naiisip mo ba ako?

Naiisip mo ba ako?

“Hay nababaliw na ako kakaisip sayo!”

Hay nababaliw na ako kakaisip sayo!

“I love you.”

I love you.

**

Pumasok ako sa eskwelahan ng araw na iyon. Ilang araw na akong absent. Ang dami ko ng namiss na lessons. Wala rin naman akong magawa sa bahay. Lalo ko lang naalala si Tom. Gustong gusto ko na siya puntahan kaso naman..sabi niya ayaw na niya ako Makita diba? HAYYY.

THE MARRIAGE PROPOSAL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon