4: Awkward beginning.

469 13 1
                                    

~Author's POV:

"So, shall we go to your houses and start this show?" tanong ng host.

"Ne!!" sabay sabay na sinigaw ng Perfume at BAP

"Well, then, we'll be right back!" sigaw ng host.

"CUT!!" sigaw ng direktor ng Love Cupids na show.

Tinipon ang BAP at Perfume ng isang babae. Naka circle sila sa babae.

"Now, pwede na kayong pumunta sa sari-sarili niyong van para madala na kayo sa bahay na titirhan niyo. Pagdating niyo dun ay merong isang lalake na nagaantay sa labas. Sasabihan nalang kayo niya kapag pwede na kayong pumasok. Goodluck!" sigaw ng babae sa BAP at Perfume.

Dali daling pumunta ang BAP at Perfume sa sari-sarili nilang van. Mga 15 minutes lang sila nag biyahe at nakarating na sila sa bahay na titirhan nila.

Hindi ganon kalaki at kaliit ang bahay. Kumpara nga sa dorm na tinitirhan nila ay mas malaki pa ito. Ang dorm kasi ng dalawang grupo ay hindi kalakihan.

Mas maganda rin ang bahay na ito sa dorm nila. Third floor siya.

"Maganda naman pala tong bahay na titirhan natin eh. Akala ko pa naman puchu puchu." sabi ni Cinderella. Tumawa ang members ng BAP at co-members niya sa Perfume.

"Oo nga. Kasi kung puchu puchu talaga ang titirhan natin hindi na ako magdadalawang isip na mag back out." sabi naman ni Rain. Tumawa ulit ang BAP members at co-members niya sa Perfume.

Dahan dahang lumapit si Giane sa camera man. "Kuya, anong oras ba kami papapasukin dito? Ang tagal naman nila mag commercial." tanong ni Giane.

Napangiti nalang yung camera man. "Kase iha, dalawang beses silang nag commercial. Antayin mo nalang. Malapit na siguro."

"Ahhhhhhh, gutom na ako~" pagrereklamo ni Zelo.

"Ako rin, Ahhhhhhhhhhh! Ang tagal tagal naman kasi mag commercial!" sigaw ni Jongup.

Biglang may tumunog na cellphone. Ang cellphone na yun ay pinagmamay ari pala ng lalakeng nagaantay sa gate ng bahay nila. Sign yun para na pwede nang pumasok ang BAP at Perfume.

"Pwede na kayong pumasok." sabi nung lalake. Naghiyawan naman ang BAP at Perfume. Pinangunahan na ng BAP ang pagpasok.

Clash of the Idols [Slow UDs]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon