Prince and Me Chapter 6

115 3 0
                                    

KATH - what the heck? Huh! I should be the one asking you that you pervert! Sabi na eh may masamang intensyon ka sakin!

Daniel - huh?! Are you crazy?! I’m only doing that because—

Lady - Miss may tagos ka!

Kath - Tagos?

Napatingin ako kay Daniel then he gave me a look.

Daniel - that-is-what-i-am-trying-to-tell-you.

Napalunok ako. I smiled at him then.Kumaripas ako ng takbo palayo sa kanya. I heard him calling my name pero di ko siya nilingon. 

Sinipa mo ang nilalang na walang ibang intensyon kundi ang protektahan ka lang sa kahihiyan. At ngayong ay tinakbuhan mo pa siya? Wow! Napaka bait kong nilalang! Sa sobrang kabaitan ko, makikipag friends na saakin si Lucifer

Claire - Huy Kath, nakapangalumbaba ka diyan?

Kath - Claire... ahuhuhuhuhu I am so mean. 

Claire - huh? Bakit naman?

Nagpangalumbaba ulit ako at nagbuntong hininga. Kakatapos lang ng second subject class namin pero hanggang ngayon ay binabagabag parin ako ng konsensya dahil sa ginawa ko kay Daniel.Hindi ko naman meant na sipain siya eh at mas lalong hindi ko meant na iwan siya doon. Sadyang inatake lang talaga ako ng grabeng kahihiyan dahil sa pinagisipan ko siya ng masama, sinipa ko pa siya! At idagdag mo pang natagusan ako. Wala na akong ibang nagawa nun kundi ang lumayas sa eksena

Claire - tara kain tayo ng tusok tusok!

Medyo nawala narin sa isip ko yung nangyari sa mall. Buti na lang at piniga ang utak namin sa quiz kanina kaya naman nakalimutan ko ang kahihiyan na yun. At ngayon naman nagyaya pa sila kumain ng streetfoods.Dumiretso kaming magbabarkada sa may park malapit sa school namin kung saan nagkalat ang street foods.

Kath - manong isang order nga po ng kwek kwek at gulaman.

Daniel - manong tatlong order pa po ng quack quack at gulaman!

Napatingin ako sa kanya then nakita kong naka uniform siya ng pang Prince Academy. Aba, ngayon lang ako nakakita ng taga Prince Academy na kumakain dito ah? Meron pa palang estudyante doon na nagpupunta sa lugar na to?

Manong - hija ito na order mo.

Kath - salamat po.

Manong - eto naman yung sayo hijo.

Daniel - thank you! Uwaaaa makakain narin kita pinaka mamahal kong quack quack! Ren ang tagal mo. Tara na alis na tayo.

Ren - Sorry Daniel bumili lang ako.

Nung marinig ko ang name na Daniel, agad akong napalingon doon sa tumawag at ayun nga, ang lalaking kaawa-awa kong sinipa ay naglalakad palapit saamin. Napatalikod ako bigla. 

Daniel - ano ba yang binili mo?

Ren - ah wala pagkain lang! gusto mo?

Daniel - wag na mukhang kulang pa yan sayo eh.

Habang busy silang nag uusap doon, dahan-dahan akong naglakad palayo para di niya  ako mapansin. Makakaalis na sana ako ng buhay doon kaya lang…     

Claire -Kath Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala! Tara doon sa table sa  may puno, doon tayo kumain!

 Napa facepalm ako. Dyusko po Claire bat kailangan mong isigaw ang napaka gandang  pangalan ko sa panahong nasa bingit ako ng kamatayan?

"Prince and Me" - KahtNielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon